CHAPTER 8: XANDERXANDER'S POV:
"Naiintindihan niyo ba ang pinagusapan natin?"
"YES SIR XANDER,"
"Okay good! So gawin niyo ang pinapagawa ko at higit sa lahat ayaw ko ng traydor." Tumayo na ako sa kinauupuan ko at sabay sabi na, "Sige na pwede na kayong bumalik sa mga klase niyo."
Sunod sunod silang nagsi labasan sa conference, pinagmasdan ko ng maigi mga mukha nila, kaya kung sakasakali man na may mang traydor malalagot sakin.
"Isang pagkakamali lang mga bata. Malalagot kayo sakin." Pagbabanta ko.
Nung nakaalis na silang lahat, ako naman ang sunod na lumabas.
"Hoy mga ugok tara dito tayo sa loob." Aya ko sakanila.
"Hoy! Aalis na kami!" Sabi ni suplada habang tumatayo.
"Walang aalis. Sabay sabay tayo." Seryosong sagot ni reniel.
"Eh?! Dali na! 4:30 na kaya!" Napakamapilit talaga ng suplada na 'to. Hindi niya ba alam ang salitang delikado!?
Naglakad ako papunta sakanya at hinigit ko siya papasok.
"Sam, hilahin mo yang bestfriend netong suplada na 'to". Utos ko kay sam.
"Napaka epal mo talaga xander." Mahinahong sabi ni suplada habang hila hila ko siya papasok sa conference.
***
"Okay. So habang nakaupo kayo, gusto kong panoorin niyo itong presentation ko about sa laging pumupunta dito tuwing gabi."
"Xands, ayan yung inayos natin bago dumating dito diba? tanong ni phil, habang inaayos nila ni kim yung projector.
"Yup." Tipid kong sagot.
Habang nakaupo ako hindi ko maiwasang hindi mapatingin kay suplada na sobrang busy sa cellphone niya.
Habang sila reniel naman pati ang ibang beast na walang ginagawa at ang bestfriend ni suplada naka lay down lang sa table nila.
Tumayo ako at nagkunwaring pupunta sa may likod pero kay suplada lang talaga.
Ano kaya pinagkakaabalahan niya sa phone niya?
Boyfriend niya ba? Pero imposible rin na magka boyfriend yan, napaka suplada eh.
Dahan-dahan ako naglakad papunta sa likod niya.
Nagbabasa siya ng message?! Ng..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
."BATA?!?"
"A-ha?! Anong bata!?" Sabi niya habang napalingon saakin. "Bakit ka nandyan!?" Pagtatakang tanong niya.
"Ahhh.. ano kasi mainit dun kaya dito muna ako sa pwesto niyo." Sana umeffect palusot ko.
"Air conditioned ang room na 'to, may electric fan kapa dun. Paano naging mainit sa pwesto mo ha!?" Ang brainy brainy naman ni suplada.
"Ah ano kasi tinitignan ko rin kung kita kaya dito yung ipapakita ko." Sana tumalab excuse ko sa brainy suplada na 'to!
"Malamang kita yan! Pwede ba! Luma na yang excuse mo! Dun na chupi!" Tinulak niya yung tiyan ko, i mean abs.
"Eh sino ba kasi yung bata na yun?!"
BINABASA MO ANG
Ms. Suplada Meets the Seven Beasts
Mystery / ThrillerMs. Anastasia's Message: Gusto niyo akong makilala? Hahahah! Sure no problem. Basahin niyo ang story na 'to kung paano nagsimula ang lahat simula ng dumating sa SB UNIVERSITY , Ang Seven Beast nas 'to. Enjoy :)