Chapter 34

11 1 0
                                    

CHAPTER 34

Anastasia's Point of View:

"Okay kalang ba? Ano ba gusto mo? Tubig? Kukuha kita. O Ice cream? Ano?" Pagaalalang pagtatanong saakin ni xander. 

Hindi parin ako nagsasalita hanggang ngayon dahil sa takot ko sa nangyari kanina. Naglalakad kasi ako nun papunta sa canteen. Sa pagkakaalala ko walang pang 5:30 pm nung papunta ako ng canteen. Nakalimutan ko rin kasi yung mask ko kaya huhu! Ayan siguro parusa ko dahil lumabas ako ng walang mask. 

Habang naglalakad ako kanina sa Hallway hindi ko maiwasan na hindi ako mapatingin sa likod ko nun. As always ganun naman palagi nasa likod likod likod pero sa tuwing lilingon naman ako walang tao, kaya tinuloy ko lang yung paglalakad ko kahit na may narinig na akong tumatakbo pababa nang hagdanan nung papunta ako sa elevator. 

Nang nasa elevator na ako natatakot ako dahil baka mamaya pagka bukas ng  pinto eh bilang may bumungad saakin. Pero hindi ako nabigo sa iniisip ko at ayun nga meron nga talaga. Isang lalaki na naka mask hinila niya ako palabas ng elevator, hindi na ako nakapalag pa nung hinila niya ako dahil sa takot ko. Natatakot talaga ako kapag nabibigla ako sa isang bagay.

Nung hinila na niya ako, bigla niyang tinanggal yung mask niya at ngumiti siya saakin. Sigurado akong si raz ito ang leader ng Thunder. Pero hindi ko pinahalata sakanya na kilala ko na kung sino talaga siya.

"Hello Anastasia,"

"Hello." Tipid kong sagot sakanya.

"Bakit ka lumalabas ng ganitong oras?"

"Wa-wala.." Nauutal kong sagot sakanya dahil sa takot ko na baka mamaya kunin na niya ako.

"Sama ka saakin?"

"Saan?"

"Basta sama ka nalang saakin." Sabi niya habang nakangiti saakin.

Hindi siya mukhang nakakatakot pero natatakot ako sa mangyayari. Hindi nga aakalain ng kahit sino na may masama siyang balak dahil gwapo siya, mataas at maputi. 

Hawak hawak na niya ang kamay ko habang naglalakad papunta sa kung saan man niya ako dadalhin. Ayaw kong sumama sakanya, gusto kong tumakbo pala pero nanlalamig yung kamay ko pati paa dahil sa takot. Nakita ko rin kasi sa gawi ng pupuntahan namin na direksyon na may mga naka mask na lalaki. 

kung ano man ang mangyari saakin ayos lang basta matigil na ang gulo sa SB University. Sayang at hindi ko lang man nasabi kay xander na mahal ko siya.

Hindi pa kami nakakalayo may narinig na akong sigaw sa may likod namin, kaya napalingon kami.

"THUNDER!!!!!" sigaw ng isang lalaki na parang si ford ata kung hindi ako nagkakamali.

tama nga ako si ford nga na may kasamang mga lalaki sa tingin ko naman ito yung mga boys na pinatawag ni xander. 

"Shit naman. Anastasia i'll be back for you." sabi niya habang hawak hawak niya ang mga pisngi ko. 

"DALIAN NIYO!" Huli kong rinig sa sinabi niya na isinigaw niya sa mga kasama niya.

END OF FLASHBACK.

"HUY!?"

"AH OH!?"

"Kanina pa kita kinakausap dito tulala ka!" Sigaw ni xander saakin.

"Eh bakit ka sumisigaw?!"

"Wala! Ano ba ginawa sayo ng thunder na yun ha?! At ganyan ka!?"

"Wala."

"Sure kaba dyan?"

"Yup sure na sure."

"Kukuha muna kita ng tubig para ibuhos ko sayo,"

"Bakit mo ibubuhos!?"

"Ang baho mo eh hahahah!" Pagbibiro niya saakin.

"GRUMPY NAMAN EH!"

"Joke lang hahaha! Kuha kita ng tubig ha? Tapos tulog kana" Nung pagkasabi niya nun hinalikan niya ako sa noo ko.

"AH? Para saan yun?"

"Good Night kiss,"

"Dapat hindi ako yung ginaganyan mo, dapat yung babaeng matagal mo ng hinihintay."

"Ulyanin kaba talaga?"

"Ha? Bakit?"

"Wait lang kukuha kita ng tubig."

Lumabas na siya agad sa kwarto at isinara yung pinto.

"Ano kaya yung sinasabi niyang ulyanin ba talaga ako?" 

Napatakip ako bigla sa bungaga ko dahil sa bigla akong nakapag salita hahaha! 

*****

"Oh Master Ipashem tubig mo," Sabi ni xander habang isinasara ang pinto.

"Kwento na grumpy." Sabi ko nang makaupo na siya sa kama.

"Naalala mo ba mung tinanong mo kung sino ba yung nagugustuhan ko? At kung asan siya?"

"Uhmm.. yup!"

"Diba tinawagan kita nun?"

"Oo," tipid kong sagot dahil iniinom ko yung tubig na kinuha niya.

"So meaning. Ahhhh.."

"So meaning?" Sabi ko habang inilapag yung baso sa kama hindi naman siguro matatapon 'to.

Nakatingin lang siya saakin na para bang nahihiya.

"So meaning ikaw yun,"

"AY AY AY SORRY!"

Natapon ko tuloy bigla yung tubig sa baso huhu. Xander naman kasi eh!

"Maniwala ka man o hindi. Ikaw talaga yun." Natatawa niyang sabi habang hawak hawak na yung baso sabay alis niya dito sa kwarto habang ako naiwan padin tulala at hindi makapaniwala.

Tumayo ako agad sa kama at dumiretso sa salamin para kausapin ang sarili ko.

"Gusto niya pala ako?"

"Oo nga. Hindi mo ba narinig ang sinabi niya?" Sagot ko sa sarili ko.

"Eh paano kung niloloko niya ako!?"

"Ay hindi hindi. Knowing xander or also known as radz hindi niya gawain ang manloko at alam kong totoo siya." Muli kong sagot.

*tok*tok*

"Anastasia. Ipashem tulog kana masisira beauty mo sige ka."

Nagulat ako sa biglang nagsalita na xander na nakasilip sa pinto kaya dumiretso na ako agad sa higaan.

Hays. Parang ang daming nangyari ngayong araw, pagod na pagod yung katawan ko eh. Mabuti pa nga at matulog na ako.

"Ipashem tulog na ha? Good Night te amo master ich liebe dich," may accent niyang sabi.

"Good Night Grumpy! Ich ich shiwishwish!" Natatatawa kong sambit na sigurado din ako na natawa siya. Hindi ko naman kasi alam yung pinag sasabi niya eh!

Makatulog na nga lang.

Ms. Suplada Meets the Seven BeastsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon