Chapter 29

21 0 0
                                    

Chapter 29:

Clif's Point Of View:

Apat na oras narin kaming nakaupo dito at sa wakas kami narin ang tinawag. Ang Section namin kasi yung pinaka huling tinawag ni sir xander at siya rin ang mag hahandle saamin.

Siguro mabuti pang sabihin ko sakanya ang lahat ng balak ng mga thunder kung kay anastasia pati sa university na ito lalo na sa Sa kanilang pinto. Mahigit tatlong taon nadin ako sa university na 'to at tatlong taon ko narin itinatago ang binabalak nang kuya.

Sa pagkakaalam ko kaya niya nagustuhan si anastasia dahil sa kasupladahan nito, Ang gusto kasi nang kuya yung mga tipo talaga ni anastasia pero hindi ko lang talaga alam kung seryoso ba ang nararamdaman nang kuya sakanya o sadyang gusto niya lang maagaw kay sir xander si anastasia gaya ng pagaagaw niya sa Thunder University pati narin sa pwesto nito dati.

Mahal nga ba talaga ng kuya si anastasia?

"Clif. Ikaw na ang sunod," Rinig kong sambit ni sir xander sa harap ko.

"Sorry po,"

Pumirma na ako agad matapos kong hanapin yung pangalan ko sa papel at biglang may inabot saakin si sir xander na maskara na kulay itim at pulang mata ang disenyo nito.

"Sir Xander, Para saan ito?" Tanong ko sakanya.

"Ipapaliwanag namin mamaya yan, bumalik kana dun at umupo," Aniya.

****

"Lahat naman na siguro kayo may maskara na noh?"

"YES SIR!" sagot naming lahat kay xander.

"Okay, Malamang sa malamang lahat kayo ay nagtataka kung bakit at para saan ang maskara na binigay namin sainyo," Tumigil muna siya sa pagsasalita at muli itong itinuloy, "Ito ay para sa nalalapit na mangyayaring pang-gugulo ng isang grupo sa unibersidad na 'to," Aniya

"Sa Lahat ng Section, Nais namin na magkaisa kayong lahat. We should work as a team. Gaya ng pagkokopyahan niyo sa quizzes, assignments and lalong lalo na sa mga exams niyo," Dugtong ni reniel.

"Talasan niyong lahat ang mga mata niyo dahil baka mamaya habang naglalakad kayo dyan sa hallway eh nakakasalubong niyo na pala sila." Sulpot ni Jemuel.

"We Should work together as a Family," Sambit ni Mac.

"So, Bakit nga ba may maskara tayong lahat?" Tanong ni phil habang nakatingin kay kim.

"It's because.. kailangan natin lituhin ang grupong nanggugulo sa university natin. At ang pangalan ng grupong iyon ay ang grupong thunder," Sambit ni kim.

"Okay. All if you stand up!" biglang salita ni sam na sinunod naman agad naming lahat. "Bawat Section ay kailangang pumunta sa classrooms nila ngayon, dun nalang namin sasabihin ang iba pang kailangan ninyong malaman. Delikado kasi dito dahil paniguradong nasa tabi tabi  lang ang kalaban," Dagdag niya.

"Pero mag ingat kayong lahat baka isa na sa mga kasama niya ay kasambwat na sa Thunder," Biglang sambit ni xander na pinapaalalahanan kaming lahat.

"Go to you Classrooms Now," Sambit ni Reniel.

Naglakad na kaming lahat ng tahimik habang suot suot ng bawat isa ang kani kanilang maskara. Halos hindi ko na makilala yung ibang Wolf na grupo ko. Asan naba yung mga sira na yun?

Lumingon lingon ako pero ang hirap.

"Huy bro wag kang lumingon lingon dyan." 

"Sino ka?" tanong ko sa nagsasalita.

"Sira! Ako 'to si ford! HAHAH!"

"Walangya ka buti nakilala mo ko?"

"Oo! Relo mo palang oh hahahh!"

"Tarantado ka talaga. Asan na yung ibang wolf?"

"Nandun sa harap. Yung may hawak sakanila si reniel eh di makakapag kulit yung mga yun,"

"Sira ka. Manahimik ka na nga dyan ford."

**********

Xander's Point of View:

Nandito ako sa labas ng Classroom nila anastasia ngayon. Ako ang nag handle sakanila, gusto ko kasing siguraduhin na safe ang aking master ipashem.

Hindi pa namin sinabi sakanila lahat ng dapat nilang malaman dun sa court dahil paniguradong nandyan lang sa paligid ang mga miyembro ng thunder pati narin siya,

Pumasok narin ako agad sa loob ng Classroom ng makita ko ng pumasok na rin sila reniel sa section na hinahandle nila.

"Good Afternoon sir Xander," Bati nila saakin nilang lahat habang nakaupo.

"Good Afternoon, please take all of your sits, Sandali lang 'to kapag nasabi ko narin agad lahat pwede na kayong bumalik sa mga dorms niyo." Sabi ko sakanila habang nakaupo ako ng bahay sa teacher table.

"Okay so, Let's Start." Tinignan ko na muna silang lahat pati si anastasia na nakaagaw kaagad ng pansin ko dahil nag cecellphone siya.

Aba? Aba? May katext?

"Okay!" Gulat ko sakanila na sinasadya ko lang talaga  para lang kay anastasia na BUSY SA PHONE!

"Siguraduhin niyong susuotin niyo palagi ang maskara na binigay namin sainyo kapag lalabas kayo ng Classroom o ng dorm niyo. Pwede niyo lang hubarin yan pag may klase, kapag nasa dorm kayo at kapag kumakain." Aniko habang tinitignan silang lahat.

Pero si Anastasia phone parin ng phone. 

-_-

Naglakad lakad ako sa loob ng Classroom dahil balak kong kunin ang phone neto ni Ms. Anastasia Le adik sa phone.

"Para kapag nandito man ang grupo ng thunder hindi nila malalaman kung sino ang babae na gusto nilang kunin,"

Nandito na ako sa likod ni Anastasia, And yah! May katext siya, Nag tatype eh! Kinuha ko agad bigla ang phone niya na siyang ikinagulat niya.

"Akin na nga yang phone ko!" Sigaw niya saakin.

"No. Makinig ka muna!" 

Inilagay ko na agad sa bulsa ko ang cellphone ni anastasia para hindi niya na pilitin pang agawain saakin ito.

"Kaya kayong lahat, Dahil parte kayo sa SB UNIVERSITY, paniguradong madadamay kayo sa gulo na gaganapin ng grupong tinutukoy namin, At ayoko sa lahat ang matatakutin o duwag. Naiintindihan niyo ba?!"

"Yes Sir Xander!" Sagot nilang lahat saakin manliban nalang sa iisang babae na nakuhanan ko ng cellphone na walang iba kundi si Anastasia A.k.a Ms. Suplada ng University na 'to.

"And one more thing. Para mabilis niyo rin agad malaman na grupo ng thunder ang nakakasalubong niyo. Meron silang kwintas na thunder na may magkahating kulay na black at red. Dagdag ko.

"So yun lang." Tinignan ko muna silang lahat bago sabihin ang "You may go back to your Dorms."

***

Nang makalabas na silang lahat si Anastasia at keira pati ako nalang ang naiwan dito. 

"Akin na phone ko," Mahinahon niyang sabi na may halo pang sama ng tingin saakin.

"Ibibigay ko mamaya yun, Maghintay ka sa office ko."

"Office?! May office ka pala?!"

"Oo, Tara ihahatid na kita. Magpapaliwanag ka saakin. And you Ms. Keira Balik na dun sa dorm niyo."

"WHATT! IBIGAY MO NA KASI SAAKIN PHONE KO XANDERR!!!!"

"NO! GUSTO MO BANG BUHATIN PA KITA PAPUNTA SA OFFICE!?"

"FINE! OO NA! TARA NA!"

Susunod naman pala eh. Kasi naman kung hindi siya nagtetext kanina edi sana nasa kanya palang ang phone niya. 

Ms. Suplada Meets the Seven BeastsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon