Chapter 1-"Beginning"
Keila's Point of View
"Keila kakain na!" Sigaw sa akin ng pinsan kong si Ailee mula sa bakuran ng bahay namin.
"Andyan na,sandali lang!" Sigaw ko din mula dito sa garden ng bahay namin or lets just say family house namin.
Nag di-dilig kasi ako ng halaman na malapit ng matuyo dahil mga isang taon nading hindi nadidiligan...charot lang.Pinatay ko na yung tubig at nag simula nang mag lakad papuntang kusina para mag hugas ng kamay.
Ilang minuto din akong nag hugas ng kamay ko bago ko naisipang pumasok na sa dining Area para kumain.
Inabutan ko naman sila Appa at eomma na nag hahanda ng pag kain sa lamesa.Habang sila Tito at Tita ay busy din sa pag luluto ng iba pang pag kain.
"May piyesta po ba?" Seryoso kong tanong kila eomma.
"Wala naman anak,bakit?" Balik na tanong sakin ni eomma.
"Wala naman po, napansin ko lang po na masyado po yatang marami ang niluto nyong pag kain. Hehehe!" Napatawa nalang ako dahil sa mga sinasabi ko.
Sanay naman ako na marami silang inihahanda tuwing mag kakasama kami pero iba kasi yung ngayon.Umalis na sa harap ko si eomma at nag punta na muli sa kusina.
Umupo naman ako sa upuan ko bago kinalikot ang cellphone ko.
Binuksan ko muna ang facebook ko bago ito kinalikot ng kinalikot.Wala naman akong nakitang matino ng biglang...
May nagpop up sa friend request, na lubos kong ikinagulat.
1 Friend Request
Miggy Romasanta
Confirm|Delete
Halos manginig ang kamay ko dahil sa kaba at kilig na nararamdaman ko.
Totoo 'ba ito?? Sabi ko sa sarili.
Isa sa mga tanong sa aking isipan.'Totoo ba!? na ang heartrub ng buong campus namin ay nag sent sakin ng friend request??
"Hoy! Keila! Makangiti wagas. Ano yan ha?" Bumalik naman ang diwa ko ng biglang hablutin ng pinsan kong si Nicollene ang cellphone ko.
"Akin na yan!" Bulalas ko habang pilit na kinukuha ko sa kanya ang cellphone ko.
Binasa naman nya yung nasa fb ko bago tumili..
"O.M.G! Totoo ba 'to??" Tanong nya sakin.
Muka bang fake??
"Siguro!?" Walang emosyong sambit ko.
"Oh, my gaddd!!" Maarte nyang sambit bago ibinigay sakin ang phone ko.
Muli kong binigyan ng pansin ang phone ko at ang nag friend request sakin, pero wala na akong nakita kundi ang..
Miggy Romasanta
•Undo Friend Request
Syeteng kabayong bundat...
BINABASA MO ANG
Accidentally Inlove With My Boss Sungit (Bts Fanfic)
FanfictionKeila Jade Valliente is a daughter, a cousin, and a granddaughter to the well known family of Valliente's. Her cousins are included to a fandom called ARMY. But she's not. Sinubukan ng kanyang mga pinsan ang lahat upang magustuhan ng dalaga ang mg...