Chapter 43- Jhope's Secret

516 14 0
                                    

Jhope's POV

Naka tingin ako sa malayo. Naka ngiti na animo'y walang problemang hinaharap.

Ang hirap mag panggap na lagi kang masaya pero sa loob-loob mo ay walang-wala ka na.

"Hyung oh," inabot ko kay Jimin ang kape nyang ibinibigay sa akin. "Malalim yata ang iniisip mo?" Tanong nito. Tumabi ito sa akin saka nya ako inakbayan. "Anong meron?"

"Wala naman," tugon ko.

"Wala daw," bumitiw ito sa pag kaka akbay nya sa akin. Naka ramdam ako ng pag kailang. "Hindi mo ako nakasama kahapon lang, matagal na hyung. Wag ako."

"Kasi naman.." Panimula ko. Hindi ko na naituloy ng bigla syang mag salita.

"Bumabalik na naman ba?" Natigilan ako. Si Jimin lang ang may alam ang sikreto ko. Sya lang...

"Sabi ko na nga ba eh," sagot nya sa tanong nya.

"Hindi sa bumabalik, pero hindi ko maintindihan ang nangyayari. Alam kong mali, pero hindi ko mapigilan," panimula ko. "Jimin, hindi ko na alam.."

"Hyung naman kasi, matagal ko ng sinasabi sayo na walang madudulot na maganda kung ipag papatuloy mo pa 'yan." Tugon nya. Napa takip nalang ako ng mukha ko gamit ang kamay ko. "Pero tulad ng dati, nandito pa din ako hyung,"

Mga salitang bumasag sa akin. Ayoko ng maulit pa ang nangyari dati..hindi ko 'yon hahayaang mangyari pang muli.

Hindi ko kasalanan na mahal ko sya. Hindi nga ba? Alam kong hindi.

Gusto ko sya pero hindi nya alam. At ayokong malaman nya. Ayokong masira kung ano ang meron kami.

Best Friend.

Ganyan nya ako itinuring. At alam kong hanggang 'don nalang 'yon.

"Hobby-yah!" Sigaw nya. Nilingon ko agad sya at nakita ko ang dala nya. "Happy birth day!" Bati nya sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. "Salamat." Tugon ko.

"Oh? Bakit malungkot 'yata ang best friend ko. Ngiti ka naman dyan oh.." Hinawakan nya ang pisngi ko at pilit na ini-stretch sa isang masayang labi.

Pilit akong ngumiti para makuntento sya. Binitawan nito ang pag ka-ka-hawak nya ng pisngi ko. "Tara, labas tayo. Libre ko." Aya nito.

"Sorry, Aubrey..."  Naramdaman ko ang pag patak ng luha sa magkabila kong pisngi.

"H-hey. What's going on? Don't cry Hobby. Kung ayaw mong lumabas ngayon, okay lang. Wag kang umiyak." Pinunasan nya ang luha ko gamit ang kamay nya.

Kailangan ko na 'tong tapusin.

"Our friend ship is over," Kita ko ang panlalaki ng mata nya. Nag simula na ding manligid ang mga luha nya, para bang nag babadya ng tumulo.

"H-hobby, h-hindi magandang b-biro 'yan. W-wag ka namang ganyan," Hinawakan nya ang kanan kong kamay. "H-hobby-yah."

"A-ano ba? B-bitawan mo ako. Hindi na kita kailangan, okay!?" Sigaw ko gamit ang nanginginig kong boses. Ayoko 'tong gawin pero kailangan.

"A-ano bang problema mo ha? Tungkol na naman ba 'to 'dun sa mga fans nyo na nagagalit sa akin kasi close tayo? Hoseok naman. 'Di ba pinag usapan na natin 'to. Okay lang ako. Kaya ko ang sarili ko,"

Lalo lang tumulo ang mga luha sa mag kabila kong pisngi. Kitang-kita ko ang sakit sa mga mata nya.

Parang...

Accidentally Inlove With My Boss Sungit (Bts Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon