Chapter 16-"Michelle Romasanta"
Miggy's Point of View
Nag madali akong sumakay sa kotse ko nang makausap ko ang kapatid ko sa cellphone.
Mabuti nalang talaga ay may nag ligtas sa kanya. Utang ko sa kanya ang buhay nang kapatid ko. Napaka bait nya.
'Mabilis akong naka rating sa hospital dahil walang gaanong traffic.
"Annyeonghaseyo, Saan yung room ni Michelle Romasanta?!" Agad na nag tanong ako sa counter.
"Kaano-ano po kayo ni Ms.Michelle?!" Tanong nung isang nurse.
"Kapatid po!" Tugon ko.
"A-ah, kayo po ba si Mr.Miggy Romasanta?!" Tanong nya ulit sa akin.
"Ne!" Tugon ko.
"Let me check!" Pakiusap nya, tumango nalang ako as response.
Ilang minuto rin ang lumipas bago nya nahanap ang room kung nasaan ang pasaway kong kapatid.sign.
"Room 17, po sir!" Sagot nya.Nag bow lang ako bago tumakbo nang mabilis papunta sa room nang kapatid ko.
Room 15....
Room 16....
Room 17..
Got it...
Marahan akong kumatok.Ilang katok lang ang nagawa ko bago ko tuluyang binuksan ang pinto.
Nadatnan ko naman ang kapatid ko na naka higa sa kama habang abala sa pag se-cellphone.Dahan-dahan akong pumasok at lumapit sa kanya.
Nang malapit na ako sa kanya ay agad ko syang binatukan, na naging dahilan para mapalingon sya sa akin.Sinamaan nya lang ako nang tingin habang kumakamot sa ulo nya.
"Ano ba kasing nasa isip mo't nakipag away ka? Pano kung nasaktan ka at hindi lang yang sugat na yan ang inabot mo.Pasaway ka!" Sermon ko sa kanya.
"Kuya naman..alam mo namang hindi ako marunong makipag away, at isa pa, naiinggit lang sila sakin. Tigilan mo nga yang kanegahan mo! Para kang bakla!" Ganti nya sa akin na ikinainis ko.
"Bahala ka nga dyan, hindi na kita sasamahan..sabi nang hindi ako bakla, may girl friend kaya ako!" Sambit ko bago akmang aalis at lalabas na sa loob nang kwarto.
"Joke lang, ikaw naman. Dito ka muna, hindi mo pa nga nakikilala yung tumulong sa akin eh!" Sambit nya kaya humarap na ako sa kanya at umupo sa tabi nya.
"Nasaan na ba sya?!" Tanong ko sa kanya.
"Nag C.R lang sandali, hintayin mo na, parating na 'yon!" Tugon nya bago ako nginitian nang malapad
"Yung ngiti mo..ayusin mo nga!" Suway ko habang pinipisil ang pisngi nya.
"Aahh..Kuya..ang sakit-sakit kaya..bitawan mo nga ako!" Sambit nya kaya binitawan ko na sya.
"Ang tagal namang umihi ng kasama m~!" -miggy
"Shhss, oh ayan na pala sya eh!" Bigla nyang sambit kaya natigipan ako sa pag sasalita.
Dahan-dahan akong lumingon patungo sa pinto upang makita ang babaeng sinasabi nang kapatid ko.Naka ngiti ito habang nakataas ang kanang kamay na animo'y kumakaway.
Tinignan ko ito mula ulo hanggang paa, at oo..sya nga.."K-keila?!" Wala sa sarili kong sambit na ikinalingon nya.
Oh, sockss..
She's damn so Beautiful.
BINABASA MO ANG
Accidentally Inlove With My Boss Sungit (Bts Fanfic)
FanfictionKeila Jade Valliente is a daughter, a cousin, and a granddaughter to the well known family of Valliente's. Her cousins are included to a fandom called ARMY. But she's not. Sinubukan ng kanyang mga pinsan ang lahat upang magustuhan ng dalaga ang mg...