Chapter 34- Tears

574 16 1
                                    

Alam mo 'yung masakit? 'Yung akala mo 'yun 'yung tingin nila sayo pero hindi pala. Nag kamali ka pala ng akala.
Truth hurts but you need to face the reality.

Keila.

Sabi ko sa sarili ko, oras na imulat ko ang mga mata ko, gusto kong makitang okay ang boys. Gusto kong masaksihan kung gaano sila kasaya nung wala pa ako. Pero kahit anong pade-day dream ang gawin ko, mukang malabo pa 'yung mangyari. Pinanghihinaan na ako ng loob habang tumatagal. Habang tumatagal, mas lalong nagiging komplekado ang lahat.

"'Di ba ang sabi ko sayo, ilagay mo ang damit ko sa locker ko? Bakit sa may lamesa ko 'to nakalagay ngayon ha?!" Sigaw ni Jungkook kay ateng P.A.

"S-sorry po Sir. Hindi na po mauuli~!"

"Talagang hindi na. Your fired!" Galit nyang sigaw. Wala namang nagawa si Are girl kundi ang umiyak. Umiiyak syang lumabas ng office.

"Yah! Napaka bobo kasi!" Pahabol nya pa.

"Bro, calm down. Damit lang 'yan!" Pag papakalma sa kanya ni J-hope. "Ako nang mag dadala nito sa locker mo!" Pag pe-presinta nya.

"Ako na J-hope!" Sambit ko sabay kuha nung damit. Masyado kasing ANO. Maliit na bagay pinapalaki, katulad ng ilong nya.

"Wag na. Isa ka pang ta-tanga-tanga. Baka kung 'sang basurahan mo pa matapon ang damit ko!" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya. Napansin ko din naman na nagulat 'yung boys sa narinig nila.

"Jungkook..!" -Namjoon

"Bakit? Totoo naman ah? Siguro kung hindi sya dumating sa buhay natin––maayos pa sana tayong lahat!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o maiinis, matutuwa! Shet lang kasi, ba't ako?

"Jungkook tama na!" Suway sa kanya ni Jimin. "Hindi ito ang solusyon para maayos natin ang problema. Ano ba? Tumigil na kayo, pwede ba?!"

"Sige, kampihan nyo pa 'yan! Tutal dyan naman kayo magaling 'diba Hyung? Sabihin nyo mang hindi pero 'yun 'yung totoo!" Sigaw nya. "Maliit na bagay lang ang hinihiling ko pero bakit pati 'yon pinag damot nyo pa sa akin? Ganyan na ba kayo ha? Nag bago na kayong lahat!" Galit nya pa ding sumbat sa mga Hyung nya.

"K-kaya ka ba nag kakaganyan dahil sa akin?!" Tanong ko bigla. Napatingin naman silang lahat sa akin. Pinunasan ko ang mga luha ko. Pinilit kong makapag salita para idepensa ang sarili ko. "A-ako ba ang dahilan ha, Jungkook? Ginagawa ko naman ang lahat ah? Ginagawa ko naman lahat ng kaya ko ah? Hindi pa ba 'yon sapat? Ako ba ang sinisisi mo kung bakit ka nag kaka-ganyan?!" Tanong ko. Patuloy padin ang pag tulo ng luha sa mga mata ko.

"Keila...!" Tawag sa akin ni J-hope.

"I-ikaw Hoseok? Sinisisi mo din ba ako ha?!" Tanong ko sabay punas ng luha sa may pisngi ko. "Isa ka din ba sa nag sisi-sing nakilala ako?!"

"Keila..!"

"S-sagutin mo nalang hobby, please!" Paki-usap ko.

"Hindi!" Para akong nabunutan ng tinik sa puso ko nang marinig ko ang sagot nya. "Alam mong hindi ako nag sisisi. At hinding-hindi ko kailan man pag sisisihang dumating ka sa buhay ko, namin!"

Umiwas ako nang tingin sa kanya. Nilingon ko naman si Namjoon na nasa tabi ni Jungkook.

"Kung tatanungin mo ako ng parehong tanong katulad ng kay Hoseok, our feeling is mutual. Hindi rin ang sagot ko!" Bigla nyang sambit na nakapag patulo ng luha ko.

Accidentally Inlove With My Boss Sungit (Bts Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon