Chapter 48- Miggy's favor

529 12 0
                                    

Keila's POV

Naka simangot akong pumasok kina-bukasan. Paanong hindi ka bubusangot kung ang mga kasama mo sa bahay ay puro si Pusit ang pinag uusapan?!

'Kesyo, ang bait daw ni Isabelle dahil ang dami nyang nilibre..duhhh!! Libre lang yon!'

"Goodmorning Ms. Keila," Binati ako ng isang pamilyar na mukha. Kung hindi ako nag kakamali, sya 'yung hiniraman ko ng phone. Sya 'yung nag sabi sa akin about the rumor.

"Good morning. What's your name again?" Ako.

"Elaine po." Magalang nyang sagot.

"Hi Elaine. Nga pala, busy ka ba? Gusto sana kitang ayain mag breakfast, para naman maka bawi ako sayo," sabi ko.

"N-naku..wag na po Ms. Keila, nakaka hiya po." Sagot nya.

"Hahaha..wag ka nag mahiya. Sige na, kahit sandali lang." Tumango naman sya.

HABANG nasa canteen kami ay hindi namin maiwasang matawa sa mga pinag uusapan namin. Medyo matagal na syang nag ta-trabaho sa BigHit. Kumpara sa akin ay mas matagal nya nang naka sama ang bangtan. Humanga rin ako sa kanya nang ikwento nya sa akin ang dahilan kung bakit sya napad-pad sa companyang iyon.

"Dati-rati po, hini-hiling ko na maka dalo sa mga concert o kaya naman kahit na sa mga fan signing ng seventeen. Gustong-gusto ko po kasi talaga sila eh! Lalo na po si Dino...hahaha..ang gwapo po kasi talaga nya. Hahaha." Pareho kaming natawa.

'Kung alam mo lang..Hindi lang gwapo si Dino..napaka bait pa non.'

Hahaha..

Maya-maya pa ay may narinig kaming pag tawag na nanggaling sa mismong entrance ng cafeteria.

"Elaine!"

"Ayyy..bakla ka!"

May isang babae at isang binabae ang lumapit sa aming table.

"Ay, naku..pasensya na po sa ingay namin, Ms. Keila." Sagot nung isa na Lily yata ang pangalan.

"Wala 'yon. Tara, sabay na kayo sa amin."

"Naku..wag na po. Nakaka hiya naman. Sige po, mauna na po kami." Sagot naman ng binabaeng si Ver.

"Haha..No, please have a sit. It's okay...besides, nandito na rin lang naman kayo,"

"Haha..salamat po, Ms. Keila." Sabay nilang sabi sa akin. Umupo naman na sila sa harapan namin.

"What do want? It's my threat." Naka ngiting tanong ko.

"A-ayy..mga bakla! Naku, wag na po. Hahaha..nakiki epe's na nga lang kami ditech eh! Haha..kami na po ni bakla ang bahala wahaha," sagot ni Ver.

Napa tango nalang ako. 'Ayaw nila eh. Hindi ko naman sila mapililit eh!'

Puro lang kami tawa. Paano ba naman kasing hindi eh, etong si Ver kasi puro ka-baklaan ang alam, hahaha. Ang saya nilang kasama, feeling ko nga ang tagal na naming mag kakasama dahil sa closeness namin.

"Tapos, edi lumakad sya ng ganyan, ano," in-example nya pa. "Confident ang lola mo, tapos bigla BOOM!! Nadapa ang bruha wahaha..Alam mo, buti nga sa kanya yon! Napaka over confident nya kasi!" Nag tawanan kaming lahat.

"You know what guys, nag enjoy akong kasama kayo. Sana maulit ito," sambit ko habang palabas ng cafeteria.

"Sure naman po Ms. Keila. Basta po kayo." Sagot ni Elaine.

"Hahaha..sige na. Mauna na ako sa inyo, medyo late na din kasi. Salamat..kita-kits tayo," ngumiti sila saka nag wave sa akin.

Umalis na ako doon at nag tungo na sa opisina.

Accidentally Inlove With My Boss Sungit (Bts Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon