Keila's POV
Mabagal at puno ng takot akong nag lakad pabalik sa building. Pinag titinginan ako ng mga tao. Tila ba alam ko na kung bakit.
Oo ako nga 'yung nasa rumor! Psh! Ang tagal-tagal na non eh! Mag si-move on na nga kayo! Pwede?!
Dumating ako sa entrance at ngumiti sa guwardya. "Oh, Ms. Keila, bakit nandito pa po kayo?" Bungad niya.
"A-ahh, may pinuntahan lang ako." Pag amin ko.
"Ganun po ba?! Naku, baka po maiwan kayo nyan. Anong oras na po oh," Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Bakit? Anong meron?"
"'Di ba po papuntang pilipinas ang bangtan?! Ang alam ko po kasi, mamayang alas tres ng madaling araw ang alis nila. Surprise daw po eh," Napa maang ako. "Kaya po pala nandyan pa si Sir Jungkook. Baka po iniintay nya kayo." Ha? Ako?
"N-nandyan si Jungkook?" Nauutal kong tanong.
"Ay, opo. Kanina pa po sya dyan. Kanina nga po, hinahanap nya kayo. Nag panic pa nga po sya nung nalaman na hinayaan ko kayong maka alis. Eh, kasi naman po, hindi ko naman po alam yung nangyari.." Nahinto sya. "O-oh, a-andyan na po pala si Sir."
"Keila," pag tawag nya sa'kin. "Mabuti naman't dumating ka na. Dalawang oras na akong nag hihintay dito. But anyway, I hope two hours is enough for you to think." Napa yuko ako. Naka ramdam ako ng hiya.
"P-pasensya na kung matagal kang nag hintay. Hindi mo naman 'yon kailangang gawin, pero salamat." Nahihiya kong sinabi.
Nanlaki ang mga mata ko ng bigla nya akong hilahin papalapit sa kanya. Sumalpok ang mukha ko sa dibdib nya at talagang rinig na rinig ko ang tibok ng puso nya. Naramdaman ko ang mga bisig niya na yumakap sa'kin.
Kakaibang pakiramdam ang bumalot sa pagka tao ko. Isang 'di maipaliwanag na kuryente ang dumaloy sa buong sistema ko. Shit!
"You scared me." Aniya.
Hindi ko alam kung ano ang tamang salita na maari kong sabihin. Siya? Natakot?
Bumitaw s'ya sa pag kaka yakap naming dal'wa saka ako hinarap. Tinignan nya ako sa aking mga mata. Wala akong ibang nagawa kundi ang kumurap habang nakikipag titigan rin!
"Na-trapped ako sa elevator. Hindi ko naman kasi alam na sira pala yung sa susunod na floor," Pag ku-kwento nya. "Ilang minuto rin akong nag hintay bago ako maka labas. Agad ko namang hinanap yung nurse pero wala may alam kung nasan s'ya. Kaya imbes na mag sayang ako ng oras...bumili na lang ako nito sa drug store,"
Iniabot nya sa'kin ang isang paper bag na nag lalaman ng ointment. Tinignan ko siya.
"Salamat. Hindi mo 'to kailangang gawin pero, salamat." Pinigilan ko ang luhang gustong kumawala sa mga mata ko. Sobrang sarap lang sa paki ramdam na may taong nag e-effort para sa'yo.
"Don't mention it." Nginitian nya ako na s'ya ko namang sinuklian. "Let's go home. Aalis pa tayo."
Nag tataka man ay sumunod na lamang ako sa kanya. Kakaiba talaga ang isang 'to. Parang robot kung mag lakad! Hahahaha!
Ang bilis nya!
"Sumakay ka na, baka may maka kita pa sa'tin dito," aniya saka ako pinag buksan ng pinto. "Don't ever forget to use this...." Tukoy nya sa protective gear ko.
"Nawala bigla sa isip ko." Nasambit ko. Isang malalim na hinga ang itinugon nya sa'kin.
Nag umpisa na siyang mag maneho papuntang house of bangtan.
BINABASA MO ANG
Accidentally Inlove With My Boss Sungit (Bts Fanfic)
FanfictionKeila Jade Valliente is a daughter, a cousin, and a granddaughter to the well known family of Valliente's. Her cousins are included to a fandom called ARMY. But she's not. Sinubukan ng kanyang mga pinsan ang lahat upang magustuhan ng dalaga ang mg...