Chapter 24

650 15 0
                                    

Chapter 24- Come back

Jin's POV

Nakatayo ako sa harap nang pintuan ng kwarto nya. Ewan ko ba, basta dinala nalang ako dito nang mga paa ko.

I know she is really tired. Alam ko na hindi madali yung nangyayari sa kanya ngayon.

Pero yung pinag tataka ko lang eh, bakit ganon? Bakit ang gaan-gaan nang pakiramdam ko, namin sa kanya. I mean, kakakilala palang namin tapos para na kaming mag kakapatid sa sobrang close. Pero siguro nga, masyado lang kaming mabait.

Pero hindi ee..may iba O_o

Mahimbing padin yung tulog nya hanggang ngayon.
Sabi nung maid namin medyo bumaba na daw yung lagnat nya at siguradong mabilis syang makaka recover.

I know she is strong, nakita ko 'yon sa mga araw na kahit pagod na sya eh hindi padin sya sumusuko.

"Jin!"

Aalis na sana ako 'dun nang bigla nya akong tinawag. Nilingon ko sya habang unti-unti syang bumabangon galing sa pag kakahiga.

Lumapit ako 'don at tumayo lang sa gilid nya.

"Okay ka na ba? May masakit pa ba sayo?!" Tanong ko agad. "Sabihin mo lang kung meron huh!" Natawa sya bigla. Weird.

"I'm ok, malakas na ako. Siguro nga ay kailangan ko lang nang pahinga. Napagod siguro ako kahapon!" Naalala ko tuloy yung tungkol sa Harabeoji nya. "Buti nalang talaga mababait yung mga boss ko. Ang swerte ko parin pala kahit papano. Akala ko kasi puro kamalasan nalang ang meron ako eh!"

Masaya ako para sa kanya. Kahit papano ay nakakangiti na sya nang walang ano-anu pa man ang bumabagabag sa kanya.

"Don't say that! Hindi ka malas ok? Sige na mag pahinga ka pa. Kasi bukas monday na ulit, we need to back on our work!" Paalala ko sa kanya. "Kapag may nararamdaman kang kakaiba, mag sabi ka lang sa akin. Kahit ano pa 'yon, papakinggan kita!"

Pag katapos ko 'yong sabihin, bigla nya akong niyakap.

"S-salamat!" May kung ano akong naramdaman. Niyakap ko rin sya pabalik. "Salamat sa lahat. Pangako, babawi ako. Kahit 'yon man lang!" Bumitiw sya sa pag kakayakap.

Pinunasan ko 'yung luha nya. I smile on her before I leave.
Sinara ko yung pintuan bago ako nag pasyang pumunta sa sala's kasama yung boy's na abala sa panonood nang NBA.

"Bro!" Nag apir kami ni Jimin. "Kamusta si Keila?!" Tanong nya.

"Ayus naman sya, bukas pwede na syang pumasok!" Sagot ko nang naka ngiti. "Pero guys, wag nyo na munang sabihin kay Miggy ang tungkol dito ayokong mag alala sya!"

"Pero hyung, hindi ba mali 'yon? Hindi dapat natin itago kay Miggy ang nangyari kay Keila. Isa pa, ayus na naman si Keila kaya hindi na sya mag aalala!"

May point si Jhope. Pero hindi ko alam. Para kasing may pumipigil sa akin na puntahan si Miggy. Yahhh!!! Ewan ko.

"Sige na nga, sabihin na natin!"

"Anong Natin? Kayo lang nho! Hindi ako sasama!" Matabang na sambit ni JK.

"K fine!" Sabay-sabay naming anim na sambit na ikina tawa namin.

Ganito kami. Minsan busy, minsan subsob sa trabaho, pero madalas kaming masaya.

Masaya sa mga ginagawa namin. Masaya kasi ito talaga yung naka TADHANA sa amin. Ang pasayahin at pag lingkuran ang mga Fan's namin, ang mga ARMY.

"Matulog na nga kayo!"

Etong si Namjoon talaga, lagi nalang antok! Pero sabagay, antok nadin naman ako eh.
Pumunta ako sa kwarto ko para matulog.

Accidentally Inlove With My Boss Sungit (Bts Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon