Chapter 53- Untitled (Part 2)

472 11 0
                                    

I'm now the worst secretary ever because of Isabelle; the great atress!!! UGH!

"Miss Keila!" May tumawag sa pangalan ko. Hindi ko iyon nagawang lingunin dahil sa kirot na nararamdaman ko.

Kirot at hapdi na hindi lang nag mumula sa sugat na natamo ko, kundi kirot at hapdi mula sa pagka pahiya.

Gusto kong ipaliwanag sa lahat ang nangyari, pero hindi ko magawa.

Naka kunot ang noo ni Namjoon habang may kausap sa cellphone niya. Si Taehyung ay inalalayan si Isabelle na maka tayo bago sila nag lakad paalis kasama si Jimin, Aira at si Jhope. Si Jin naman ay pilit na pinapatabi ang mga tao sa daraanan nila. Si Jungkook ay walang imik na naka tingin sa'kin. Naguguluhan...nag tataka. Si Suga ay mabilis na tumakbo paalis sa lugar na 'yon. Hindi ko alam kung saan ang punta niya.

Gulat ang naging reaksyon ko nang tulungan akong tumayo ni Jungkook. Gusto kong maluha sa hindi malamang dahilan.

Agad na gumuhit ang hapdi sa dibdib ko nang magalaw ang katawan ko.

Nakita ko ang pag takbo ni Elaine kasama si Ver at Lily.

"Kaya mo bang tumayo?" Hindi ako sumagot. Nanatili akong naka tingin sa mga mata nya. Napaka lamig ng reaksyon sya. Wala kang mababakas na pag alala sa ekpresyon ng mukha nya. Hindi ko mabasa ang sinasabi ng kanyang mga mata. Ang gulo.

"Oh my gash! Mga bakla!! Tulungan si Ms. Keila!" Hiyaw ni Ver. Agad na tumulo ang mga luha ko ng gumuhit na naman ang matinding hapdi sa buong kalamnan ko.

"Bilisan nyo na!" Sigaw ni Elaine. Walang ano-ano'y binuhat ako ni Jungkook saka ito tumakbo.

Hindi ko kayang mag salita. Hindi ko kayang humikbi ng malakas upang mailabas kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon.

Naka sunod sa'min sila Elaine. Si Jungkook ay diretso lang ang tingin habang buhat-buhat pa rin ako.

"Ibaba mo 'ko." Huminto si Jungkook sa pag takbo. Tinignan nya ako. Nag tataka. "Please."

"Hindi." Agad s'yang nag patuloy sa pag lalakad. Hindi siya nakinig sa'kin at ipinilit ang gusto nya.

"Ms. Keila, hayaan nyo na po. Baka po mapano kayo." Sinseryong ani Lily.

NAKA rating kami sa clinic ngunit wala kaming nurse na naabutan 'ron. Ibinaba ako ni Jungkook sa kama'ng na'ron.

"Salamat." Nahihiyang kong sabi.

"Don't thank me yet. Your not yet okay. I'll call the nurse downstairs." Walang emosyon nyang tugon. "Please, take care of her." Tumango ang tatlo sa sinabi nya. Nang maka alis sya ay agad akong nilapitan nung tatlo.

"Ayus ka lang po ba? May masakit ba sa inyo?" Si Elaine.

"A-anong ginagawa nyo 'ron?" Hindi ko napigilang mag tanong.

"Papunta kaming tatlo sa opisina ni manager-nim para ipasa yung report na kailangan naming ipasa. Ang sabi sa'min nung mga tao sa fourt floor ay sira raw ang elevator 'don at under construction pa, kaya napag desisyunan namin na mag hagdan na lang muna papunta dito at saka kami sasakay ng elevator. Pero nakita namin kayong nag tatalo ni Ms. Isabelle." Paliwanang nya.

"Gusto namin kayong pigilan pero mas pinili naming manahimik at makinig. Hindi po kasi namin alam ang pinag mulan ng away nyo eh." Paliwanag ni Lily.

"A-ayos lang. Naiintindihan ko kayo." Isinagot ko 'yon ng may lungkot.

Hindi ko naman sya gustong patulan eh. Pero masisisi ba nila ako? Nasakta ako sa mga sinabi nya. Walang katumbas na mga salita. Kung maka pag salita sya e akala mo kilala nya ako, at ganon kalaki ang nagawa kong kasalanan sa kanya.

Accidentally Inlove With My Boss Sungit (Bts Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon