Chapter 42- Tito and Tita

533 17 2
                                    


A/N: Kahit late ang bati ko still, Merry Christmas and Happy new year💓🎆 God Bless guys.

Happy reading guys😝

----

Jungkook a.k.a tunay na asawa ni author

[Akin lang at walang sayo! hakhak..charr..labyu]

Mabagal ang takbo ng sasakyan ko. Kasalukuyan kong tinatahak ang daan papuntang Big Hit building.

I left my protective suit when I finally reach the main door of our office.

My good aura turns to a disappointed one, when I see my tired hyungs.

"Your late, Jk," Namjoon said using his tired voice.

"I know. I'm sorry," I answered "Kinaylangan ko pa kasing dumaan sa isang supermarket para bilhin 'yung chocolate ni Jein. I'm sorry, hyung."

"It's okay. So uuwi ka pala?" Tanong nya na ikina-tango ko.

"Kailangan hyung. Si Kuya kasi, hindi na naman umuwi, naawa naman ako sa pamangkin ko," Sagot ko. "Gusto nyo bang sumama? Or kahit ikaw manlang?"

Tumayo ito sa pag kakaupo nya kaya't napa atras ako. "I'm sorry, pero masyado akong maraming ginagawa," Sagot nya. Bahagya naman akong napa simangot. "Gustuhin ko man ay hindi pwede. Sorry, maknae. Paki kamusta nalang ako kay Jein ha?" Bilin nya. Tumango ako bago nag simulang maglakad papunta sa table ko.

Uupo palang sana ako ng mapansin ko si Keila. Ano na naman ang trip ng isang 'to?

"Pst..anong ngini-ngiti mo dyan?" Tanong ko sa kanya.

"Nag do-drawing ako," sagot nya. "Teka-teka, naalala ko lang 'yung dare natin. Apat nalang ang natitira mong tanong ha?"

Dahil sa sinabi nya, bumalik na naman 'yung ala-lang 'yon. Ang dami nya kasing tanong sa akin kaya gumawa ako ng dare.

"Fine," napairap naman ako.

"Aalis ka? Sama ako," Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya. "Sige na, na bo-bored na ako dito eh." Nag pout pa ito na parang bata.

Nag da-dalawang isip naman ako kung papayag ako. Baka lalo syang maboring kung isasama ko sya.

"Okay, sama na ako," nagtaka ako ng mag salita ito. "Silent means yes."

Mas nanlaki ang mata ko ng hilahin nya ako palabas ng office na may gulat sa mukha ko.

Patuloy ang pag hila nito sa akin na akala mo ay close kami.

"Pervert," bulong ko.

"Shss..mag drive ka na lang, pwede?" Pag susungit nya.
Na-ningkit naman ang mga mata ko dahil sa inasal nya. Aish, this girl.

"'San ba tayo pupunta ha?" Napailing ako.

Nag simula ko ng paandarin ang sasakyan ko. Nag paalam lang kasi talaga ako kay hyung para hindi na din sya mag alala, baka kasi hanapin nya pa ako.

"Four question left," pag papaalala ko na ikina nguso nya. "Nag presinta kang sumama eh hindi mo naman pala alam kung saan ako pupunta." Pag susungit ko naman sa kanya. Mula rearview mirror kitang-kita ko ang pag gaya nya sa facial expression ko. Napa iling naman ako ng makita 'yon.

"Kaya nga ako nag tatanong 'di ba?" Pabalang nyang sagot.

"That's the point. Hindi ka dapat suma-sama sa ibang tao kung hindi mo alam ang pupuntahan nito," Pag sasabi ko ng point ko. "Paano nalang kung na pahamak ka o kung napa ano ka?" Umiling-ling pa ako.

"Kalma ka. Okay na, gets na kita. Sorry na." Pag sasabi nya ng totoo. "Isa pa, hindi ka naman iba ah? Kilala naman kita at kilala mo din naman ako," pa nga-ngatwiran nito.

Accidentally Inlove With My Boss Sungit (Bts Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon