Special Chapter

934 14 4
                                    

Taehyung's POV

Panay ang ngiti ko kila hyung. Imbes na tumawa ay mas pinili kong ngumiti na lang upang hindi na sila mag tanong. Ayokong mapunta sakin ang atensyon nila ngayon. Masyado pa akong nasasaktan sa mga oras na 'to.


Nasasaktan ako para sa sarili ko. Hindi ko alam kung maaawa ba ako kay Isabelle o matutuwa dahil nalaman na ng lahat ang balak at mga plano niya. Nasa kulungan na ito ngayon pati na rin ang kapatid nito at ang kanyang ama.


I refuse the fact that I have loved a demon, and worst, I'm afraid to know that it's us who made her one. Masyadong komplekado noon ang sitwasyon. 'Ni hindi ko alam kung ano ang tama at mali, o kung may pag pipilian pa ba ako. Dahil pakiramdam ko, I don't have the freedom to choose.


At ngayon, mas lalong magulo ang lahat para sa akin. Lahat ng takot ko noon, unti-unti ng nag kaka totoo.


Nasira kami nila hyung.


Napahamak si Keila.


At..


Nahulog si Jungkook sa babaeng dapat sana ay sa'kin.


Bakit ganon? Pakiramdam ko, palagi na lang kaming magka tunggali. Noong una kay Isabelle, ngayon, kay Keila.


Nahuli ako. Dapat noong pa lang sinabi ko na kay Keila ang nararamdaman ko. Baka sakaling hindi siya nahulog kay Jungkook. I can be better, pero lumalabas na naging mahina ako. Hindi ko sinabi dahil natakot akong baka hindi niya ako gusto. Akala ko 'non si Miggy ang gusto niya, pero nag kamali ako.


Maraming lalaking mabibighani kay Keila, at hindi iyon lingid sa kaalaman ko. Si Dino, si Miggy, ako, at ngayon, si Jungkook. Napaka dami kong kakompetensya.


MALAKI ang mga hakbang na ginagawa ko. Walang ibang tumatakbo sa utak ko kundi ang pangalang Keila at ang takot ko dahil kasama nito si Jungkook.


Takot akong baka...baka mahulog sila sa isa't-isa ngayong magka sama sila at malayo sa'min. Natatakot ako.


Kasalanan 'to ni Kim Seokjin! Kung hindi niya sana hinayaang umalis si Keila, edi sana walang ganitong pang yayari! Bwiset!


Binabalak ko ng umamin kay Keila tungkol sa nararamdaman ko! Sadyang humahanap lang ako ng tamang pagkakataon. Pero ng dahil sa kapabayaan ni Hyung, sira ng lahat ang plano ko. Ahhh!


Naabutan ko silang nag tatawanan sa loob ng aming kwarto. Hindi ako maka paniwalang tumingin sa kanila.


"I wonder kung paano nyo nakakayang tumawa knowing na nawawala si Keila at Jungkook." Inis kong sabi. Napalingon sila sa'kin.


"Taehyung, chill. Sinadya kong hindi sabihin kay Keila na natutulog si Jungkook sa likod ng sasakyan ng sa ganon ay magka ayos sila. Hindi iyong palagi na lang silang nag babangayan." Paliwanag ni Jin hyung.


Whatever! Para sa akin ay hindi pa rin tama ang ginawa niya.


"At paano kung hindi sila magka ayos?"


"Imposible," kumento ni Suga Hyung. "Hindi tatagal si maknae ng walang kausap o kinukulit man lang." Aniya.


Nag igting ang bagang ko. Tss! They don't get my fvcking point! Sabagay, wala nga pala silang alam patungkol sa nararamdaman ko kay Keila.


"Your just jealous!" Ngisi ni Jimin sa'kin. Nagtawanan sila ngunit naka dagdag lang iyon sa inis ko. "Biro lang,"


Lumapit ako rito saka ngumisi. "What if I am?"


Accidentally Inlove With My Boss Sungit (Bts Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon