A/N
Helloooooo! So eto na nga...chapter 59 na! Habang pinag iisipan kong mabuti (wews) ang story, napag desisyunan kong hanggang chap 60 na lang ito. Bale two chaps na lang ang natitira. Iyong chapter 60 at iyong epilogue. Gusto ko sanang mag lagay ng kahit dalawang special chapter pero hindi ko pa sure.
Btw, thank you for joining me until the end. Hindi pa 'to end pero gusto ko ng mag thank you! Sana maka kuha tayo ng mas mataas pang rank sa fanfic! Wahhhh grabe! Sobrang saya ko. Sinulat ko kasi 'to year 2016 pero hindi ko siya pina-publish kasi nahihiya ako. Pero when my cousin (rhycarrot) told me to publish it...kinapalan ko na talaga ang mukha ko hahaha! At eto! Hindi man sya masyadong nag boom...atleast may nag babasa hahahah!
Hanggang dito muna ang speech ko! For more question just comment down! Try ko sagutin!
Enjoyyyyy♡
Love your self the way you loved your biassss♥
keila_97♥
Keila's POV
Matinding sakit ang naramdaman ko nung tanghaling 'yon. Umuulan at mahangin. Naka tayo ako sa isang malawak na lupain kasama si Jungkook.
Is that even possible? Nagawa kong mahimatay sa ganoong sitwasyon samantalang mas matagal pa nga ang inilagi niya sa ulanan kumpara sa'kin?! Napaka hina naman ng resistensya ko kung ganoon? Pero...iyon nga ba ang dahilan?
O baka dahil sa samu't-saring pakiramdam ko nang mga oras na iyon.
Nakaramdaman ako ng saya, lungkot at kirot sa puso ko. Masaya ako kasi ayaw ni Jungkook na umalis ako...means...siguro o baka sakaling tama nga siya, na nag aalala siya sa'kin at gusto niya akong manatili. In the other hand, malungkot. Malungkot ako kasi tingin ko dumi-depende ako't umaasa sa mga salitang binitawan ni Jungkook. Na ginagawa niya ang lahat para hindi ako matanggal. Pero ang mas malala pa roon ay nalulungkot ako dahil iba't-ibang senario ang namumuo sa isip ko, na baka kung mas tumagal pa akong kasama sila ay higit pa sa rumor ang mangyari. At pinaka huli sa lahat...kirot dito sa puso ko. Sobrang sakit. Ang hirap. Parang may mabigat na bagay na naka patong sa'kin.
BINABASA MO ANG
Accidentally Inlove With My Boss Sungit (Bts Fanfic)
FanfictionKeila Jade Valliente is a daughter, a cousin, and a granddaughter to the well known family of Valliente's. Her cousins are included to a fandom called ARMY. But she's not. Sinubukan ng kanyang mga pinsan ang lahat upang magustuhan ng dalaga ang mg...