Chapter 22- Banishment
(Pagpapalayas)
Keila's POV
"Go slap her with that fucking stick and I dare you harabeoji!" Sigaw ko.
"Keila!" Yes, the one and only.
"Ikaw, buti naman at dumating ka na, kanina ko pa gustong ihampas ang tungkod ko dyan sa pag mumukha mo!" Akala ko lalapit sakin si Lolo kaso pinipigilan lang sya ni Tito at ni Appa. Samantalang sila eomma at tita ay nasa tabi ko.
"Bakit 'Lo, na-miss mo ba ang walang kwenta mong apo?!"
"Bakit ko ma mi-miss ang isang katulad mo? Walang kwentang apo. Imbis na tumutulong sa sarili nilang companya, ay nag aaksaya sya ng oras para sa isang trabaho na walang kwenta. How unprofessional?!"
"Unprofessional? Sino po kaya sa tingin nyo ang unprofessional sa ating dalawa huh? Ako, kami na ginagawa ang tama na gusto namin, o kayo na ginagawang miserable ang buhay namin para sa sarili nyong interes?!" Sagot ko, aba matagal ko na dapat 'tong sinabi pero pinipigilan ko lang para kina eomma at appa, lalo na para ka Lola.
"Aba, bastos ka talagang bata ka huh!"
"Keila, tama na. Hayaan na natin si harabeoji!" Pigil sa kin ni Nicollene unnie.
"Hindi unnie, kaylangan nyang malaman ang nararamdaman ko, para naman malaman nya kung gaano sya kasama. 'Ni hindi nya tayo inaalala. Kasi nga ang selfish nya, sobrang selfish nya!"
"Lu-ma-yas KAAAA!" sigaw na ikinagulat ko. Ano? Ako lalayas?
"Appa, hindi nyo 'to kaylangang gawin. Pag sasabihan namin si Keila. Appa, wag naman po ganito!" Naiiyak na sambit ni Eomma. Nilakasan ko yung loob ko paramaka sagot pa ako.
"Eomma, ayus lang po. Kaya ko na po ang sarili ko, aalis po ako. Hayaan nyo po akong maging independent. Kakayanin ko po!" Pag sa sabi ko non, pumatak na sa mga mata nilang lahat ang luha, maliban kay Lolo.
Umakyat ako papunta sa kwarto ko at kinuha ko yung maleta ko at mga damit ko. Mami-miss ko 'tong pula kong kwarto. Mami-miss ko 'tong kama ko.
Mami-miss ko 'tong bahay namin, lalo na sila Eomma at Appa, sila Tito at Tita. Pero sobrang mami-miss ko sila Unnie. Kainis kasi 'tong si harabeoji.
Pagkatapos kong mag empake lumabas na ako sa kwarto ko.
"Eomma, Appa, Tito, Tita, Unnie at syempre sa taong nag paalis sa akin. ALIS NA PO AKO!" Pag kasabi ko non lumabas na ako. Wala akong narinig na pag tutol kindi ang mga iyak nila.
Binuksan ko yung gate at tuluyan na akong umalis kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Sa totoo lang mas gusto ko pa na umalis na nga lang sa bahay, atleast hindi ko na maririnig ang maingay na boses nila Ailee at Nicollene sa tuwing nanunood sila nang k-drama, sa tuwing pinanunood nila yung mga tinuturing nilang asawa.
Kaso lang kasi na-immune na ako sa kulit at ingay nila, kaya sa palagay ko mami-miss ko din 'yon kahit papano.
Isa pang inaalala ko eh sila Eomma at Appa, paano sila? Siguradong malulungkot sila lalo na si Eomma. Ano ba naman 'to!
Tapos idagdag mo pa yung mga boss ko. Bago palang ako tapos ito pa nangyari sa akin. Kainis pa. Sadlayp:(
Naglalakad ako ngayon habang hila-hila ang maleta ko. Hindi ko naman talaga alam kung saan ako pupunta eh. Basta ang alam ko desidido ako sa desisyon ko. Mas mabuti na 'to para hindi na din lumaki yung gulo.
Ilang minuto pa akong nag lakad at nag isip.
"Bakit kaylangang maging 'ganto? Bakit kaylangang maging komplekado ang mga bagay na 'to?!" Unti-unti ng tumulo ang mga luha na dapat ay kanina pa tumulo. "Ang tanga-tanga mo kasi Keila eh. Kasalanan mo 'to! Ang dami mo kasing arte sa buhay mo. Bwiset ka!" Sinampal-sampal ko yung sarili ko bago ako napaupo sa kalsada.
"Kasalanan ko 'to eh!" Pagkasabi ko non, bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan. Hinayaan ko nalang ito. Hinayaan ko lang na mabasa ako.
"Akala ko kaya ko eh. Pero akala ko lang pala 'yon!"
Ipinikit ko yung mga mata ko.
All this time, ako nalang palagi. Sa tuwing andyan si Lolo ako nalang lagi ang nakikita nya.
Lahat nang pagkakamali ko napapansin nya, samantalang lahat nang hirap ko balewala lang sa kanya.Habang tumatagal ang dami nang luha ang pumalatak galing sa mata ko at ramdam ko na basang-basang na ako dahil sa lakas nang ulan. Hanggang dito na nga lang ba ako? Hindi ko na nga ba kakayanin?
Paano na ako?
Sa totoo lang talaga, hindi ko na alam. Basta ang gusto ko lang ngayon ay ang mabawasan lahat nang sakit at pagod na nararamdaman, hindi lang nang katawan ko kundi pati nang puso ko.
Pagod na akong intindihin si Harabeoji. Pagod na akong pakinggan lahat nang masasakit na salita galing sa kanya.
Lahat na siguro nang sakit nasa akin na. Bwiset talaga oh.
Walang kasama. Walang kadamay. Walang masasabihan nang mga problema. Walang masasabihan nang mga sakit na nararamdaman.
Walang-wala na ako.
Akala ko talaga kaya ko. Pero hindi pala.
Ilang minuto pa ang lumipas. Gabi na pero nandito pa din ako hanggang ngayon. Medyo humina na din ang ulan pero basang-basa pa din ako.
Dahan-dahan akong na lakad.
"Ahhh!" Ungol ko nang biglang sumakit yung kanang parte nang ulo ko.
Iminulat ko yung mga mata ko. Umiikot yung paligid ko. Hindi ko maaninag yung daan. Patuloy pa din ako sa pag lalakad kahit na hindi ko talaga maaninag yung nilalakaran ko.
Maya-maya may naaninag akong liwanag. Tapos may narinig din akong tunog na hindi ko maipaliwanag kung ano ba 'yon kasi nga hindi ko na kikita. Basta may liwang na nasa harap ko na ngayon.
Shete, katapusan ko na 'yata. Kotse pala 'tong nasa harap ko.
Bago pa man ako maka iwas nan labo na yung paningin ko. Hindi ko alam yung mga susunod na nangyari.
Kung katapusan ko na.
Sorry sa lahat nang nagawa kong kasalanan, Lolo.
Mahal kita kahit ang lupit mo sa amin.
Salamat din sa lahat. Basta yung kina Ailee at Nicollene unnie, alam na nila 'yon. Lagi ko namang sinasabi sa kanila na mahal ko silang lahat.
Sila Eomma, Appa, Tito at Tita, salamat din ng sobra sobra. Mahal na mahal kayo.
Then everything went black.
***
-keila_97
Sobrang thank you po talaga sa inyo. Thank you sa pag titiis sa story na 'to kahit ang tagal bago ako makapag update tapos sa mga typos and wrong grammars sorry po. Sorry din po kasi minsan mali yung update ko. Minsan nauuna yung C19 kesa sa C18. Nag problema po kasi Sorry and thank you po.
Sana po suportahan nyo ito hanggang huli.
BINABASA MO ANG
Accidentally Inlove With My Boss Sungit (Bts Fanfic)
FanfictionKeila Jade Valliente is a daughter, a cousin, and a granddaughter to the well known family of Valliente's. Her cousins are included to a fandom called ARMY. But she's not. Sinubukan ng kanyang mga pinsan ang lahat upang magustuhan ng dalaga ang mg...