Someone's POV
Naka tingin ako mula sa malayo. Inabutan nya ako ng kape. Tumabi ito sa akin saka sumandal sa balikat ko.
"I never thought na gagawin 'to ni Dad!" Umupo ako sa damuhan sa harap ng puntod nya.
"Just be thankful na hindi nawala ang kompanya nyo sa inyo!" Sambit nya na ikina-inis ko.
"Walang silbi ang kompanyang 'yon kung wala si Dad!" Depensa ko.
"I know. Pero walang magagawa ang pag muk-mok mo! Gumawa ka ng paraan para maka-ganti sa mga 'yon!" Sambit nya.
Tama sya. Sila ang may gawa kung bakit nag pakamatay ang Daddy ko. Mag babayad sila sa ginawa nila sa Daddy ko at sa kompanyang pinag hirapan naming itaguyod.
"Pero paano?!"
"May plano na ako. Buhay ang kapalit ng buhay!" Demonyo. 'Yun sya at parang ganon na din ako. "Hindi sya ang gagantihan natin kundi ang mga mahal nya sa buhay. Sabi nga nila, mas masakit kung mananakit tayo emotionaly. Kaya mga apo nya ang gagantihan natin!"
Humalak-hak sya na parang demonyo. Napangiti na rin lang ako.
"Unahin na natin 'yung best friend mo. Tutal bwiset na bwiset din naman ako 'don!"
Natigilan ako. Kailangan bang pati sya ay madamay? Kaibigan ko sya simula pa nung elementary. Kasangga ko sya sa lahat. She's a true friend of mine.
"Wag mong sabihin na ayaw mo? Na natatakot ka?!" Tinignan nya ako sa mga mata ko. "Isantabi mo 'yan kung gusto mong bigyan ng hustisya ang pagka matay ng Daddy mo. Hindi mo na sya kaibigan! Ako ang tunay mong kaibigan dito! Ako nalang ang nag papahalaga sayo ngayon!"
She's right. Sya ang tumulong sa akin noon para maiahon ang kompanya namin na bigla nalang nabaliwala ng umepal ang matandang 'yon. Bwiset.
"Bukas pumunta ka sa office ko. Simula ngayon secretary na kita. At gagawin mo lang 'to para makaganti tayo sa kanya. I know your good in acting. So act well!"
Pag katapos ng usapang 'yong nag decide na akong umuwi. Pag dating ko sa bahay agad akong dumeretso sa kwarto ko.
Pinag masdan ko ang mga litrato namin. Unti-unting bumalik ang nakaraan.
*****
"Gusto ko sya, Bes!" Sambit ko sa kanya. Napansin kong sumimangot sya bigla.
"Pero gusto ko din sya. Matagal na!" Sambit nya na kinabigla ko.
"Ano? Pero ang sabi mo sya ang gusto mo hindi si-!"
"Sinabi ko lang 'yon dahil ayaw kong magalit ka sa akin!"
"Pero..!"
"Ayus lang. Mag paparaya ako!" Sambit nya saka sya umalis at iniwan akong mag isa.
***
Naging mabuti syang kaibigan sa akin. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba talaga o ano!
Mahalaga sya sa akin.
Pero mas mahalaga ang buhay ng Daddy ko.
--
Keila.
Ilang araw na din ang nakakalipas, at himalang 'ni anino ni Pusit eh hindi ko nakita. Ano kayang nangyari sa babaeng 'yon? Siguro nalunod na 'yon.
Bago ko pa mainom 'yung kapeng hawak ko muntik ko na agad 'yong maitapon dahil sa nakita ko. Speaking of the water creature. Speaking of the world wide favorite..binilad na pusit.
BINABASA MO ANG
Accidentally Inlove With My Boss Sungit (Bts Fanfic)
FanfictionKeila Jade Valliente is a daughter, a cousin, and a granddaughter to the well known family of Valliente's. Her cousins are included to a fandom called ARMY. But she's not. Sinubukan ng kanyang mga pinsan ang lahat upang magustuhan ng dalaga ang mg...