Chapter 4-"Miggy Romasanta"
Keila's Point of View
Pagka gising ko ay agad akong naligo at nag handa para pumasok.
Medyo nag mamadali ako dahil ngayon na ang last day ng final exam namin kaya bawal akong ma late.
Hindi narin ako kumain dahil masyado na nga akong nag mamadali.
Mabilis akong nakarating sa school gaya ng gusto ko.
Napakamot nalang ako sa ulo ko nang makadating na sa entrance gate ng school.
"Bakit ang daming tao dito? Anong meron?!" Inis na tanong ko sa sarili ko.
"Ako-ako..!"
"Ako muna..!"
"Easy pipirmahan ko kayong lahat!"
Ilang lang yan sa mga naririnig ko mula dun sa grupo ng mga tao.
"Excuse me!" Sambit ko habang pilit na dumadaan at nakikipag siksikan sa mga tao.
"Sandali lang..keila!" Rinig kong may tumawag sa pangalan ko.
Nilingon ko naman yon at hinanap kung saan nang gagaling ang boses.
"Sandali!"
Kitang-kita nang dalawa kong mata ang lalaking papalapit sa akin.
Nag madali ako sa pag lalakad ng papalapit na sya sakin.
"Wait..hintayin mo 'ko!" Sigaw nya.
Lalo ko namang binilisan ang pag lalakad ko na halos tumakbo na ako.
Nag sitabihan naman yung mga estudyante dahil sa nangyayari.
"Keila!" Tawag nya pero hindi ko sya nililingon.
"Ano bang kailangan mo ha?? Lubayan mo nga ako!" Sambit ko sa kanya.
Nag patuloy lang ako sa pag lalakad hanggang sa matanaw ko ang mga kaibigan ko.
"AIRA..DINO...SEUNGKWAN...TULUNGAN NYO 'KO!" Sigaw ko sa kanila.
Mukang narinig naman nila ako kaya tumakbo sila papalapit sa akin.
"Bakit?" Nag aalalang tanong ni Aira.
"S-sino a-ano k-kasi~!" -ako.
"Teka nga!!pare bakit mo ba hinahabol si keila ha? May problema ba?!" Galit na tanong sa kanya ni Dino.
Sinusubukan naman syang pigipan ni Seungkwan pero hindi sya nag papapigil.
Hinihingal parin ako kaya hindi ako makapag salita ng maayos."Hey,easy..easy..boy!" Sambit nya kay Dino.
"Hoy,wag mo akong ma easy-easy dyan ha..for your information tao po ako hindi kabayo!" Pilosopong tugon sa kanya ni Dino.
Oo nga naman.
Pogi kaya ni Dino of seventeen."I just want to talk to keila!" Pakiusap nya.
"Bakit ba kasi Miggy?" Tanong ko sa kanya.
"I just want to say thank you!" Napangiwi naman ako sa sinabi nya.
Nilapitan ko sya at tinignan ng masama.
"Thank you for what?" Masungit kong tanong sa kanya.
"Hala? Ano kaya yun?"
"Ang landi!"
BINABASA MO ANG
Accidentally Inlove With My Boss Sungit (Bts Fanfic)
FanfictionKeila Jade Valliente is a daughter, a cousin, and a granddaughter to the well known family of Valliente's. Her cousins are included to a fandom called ARMY. But she's not. Sinubukan ng kanyang mga pinsan ang lahat upang magustuhan ng dalaga ang mg...