Chapter 40- One vs. Two

615 13 2
                                    

Alam ko naman na may kasalanan din ako pero bakit paki-ramdamdam ko eh ako ang may kasalanan ng lahat.

"Half ng sponsors nyo ay nag back out dahil sa rumor na 'yon! Ano na naman kaya ang sunod nito? Pag unti ng fans nyo? Pag bagsak ng grupo nyo?" Nang gaga-laiti nyang sermon sa amin.

"So anong ibig mong sabihin? Go straight to the point! We have lots of works, Isabelle. Inu-ubos mo ang oras namin!"  Reklamo ni  Jimin. Hindi ko 'yon inasahan kaya literal akong napanga-nga.

Honestly, hindi ko naman talaga alam kung bakit ako nandito. Hindi naman nila ako sinasali eh! Hindi talaga! Eh shet 'tong babaeng 'to eh! Paringgan ba naman ako ng paringgan. Kainis! Bwiset na pusit na 'to!

"Excuse me. I know that it is my fault, Isabelle. Hindi mo 'ko kailangang paringgan. Oo affected ako, bakit? Eh ako lang naman kasi 'yung babaeng kina ga-galitan ng mga fans ngayon. Hindi mo kailangang sisihin o sermonan ng ganyan ang boys!"

Humugot ako ng malalim na hangin para lang masabi ang nilalaman ng puso ko.

"Wow? How dare you talk to me that way? Sino ka ba ha? Sa pag kaka-kilala ko sayo eh, SECRETARY ka lang naman dito!" Insulto nya sa akin. Aba't put—

"Yes, secretary lang ako dito. Aminado naman ako 'don eh! Pero ito ang sinisi-gurado ko, Isabelle, hindi lang bilang secretary ang turing nila sa akin. Go ask them, and there I dare you!"

Boom, wala! Uwian na may nanalo na. Kitang-kita ko kung paano kumunot ang noo nya. Kitang-kita ko kung paano unti-unting bumusangot ang mukha nya.

"A-ang lakas din naman ng loob mo para hamunin ako? Alam mo, kung titignan, MAS mataas pa din ako kaysa sayo, kaya wag kang umasta na parang ikaw ang boss dito dahil kahit kailan—!"

"Dahil kahit kailan ano? Dahil kahit kailan hindi na ako a-angat? Dahil kahit kailan hanggang pagiging secretary nalang ako? Para ipa-alam ko sayo, dahil mukang hindi mo alam—lahat ay may katapusan. Lahat nag babago, lahat ng bagay na akala mo ay walang katapusan ay natatapos, dahil dito sa mundo, walang permanente!"

Literal silang napanga-nga sa sinabi ko. Bakit? Totoo naman ah? Walang tumatagal! Lahat tayo'y nag babago, nawawala, dahil sa mundo walang permanente.

Love life nya nga nag end eh? Career pa kaya?

"Excuse me! Pwede ba, Keila? Kung hindi ka makiki-isa sa meeting na 'to—bukas ang pinto. You can leave whenever you want. Ayusin mo ang tabas ng dila mo, pwede? Boss mo parin ang kaharap at kausap mo!" Banat naman ni Aira na kanina ay nasa isang tabi lamang, ngayon ay naki ostso-so na.

Gusto ko syang sampalin pero hindi ko magawa. Kaibigan pa rin ang turing ko sa kanya at kahit na ganon sya ay hindi ko pa rin sya kayang saktan o pag salitaan ng masama.

"Unang-una bakit naman ako lalabas eh nandito ang mga boss ko? Hindi ko tungkuling iwanan sila dahil kapag nangailangan sila ng tulong ay ako at ako lang ang makaka-tulong sa kanila, unless willing kang gawin ang lahat ng gawain ko? Pangalawa, ano bang sinasabi mong 'ayusin ko ang tabas ng dila ko?' Maayos naman ah? Fluent pa rin naman ako kapag nag sasalita!? Pangatlo, sinong boss ang tinutukoy mo ha? For your information, pitong lalaki lang ang boss ko dito at sila ang Bangtan? Are we clear? Or you want me to repeat it? Tell me, your wish is my command!" Pag papaliwanag ko na may halong pang aasar.

Sandali akong napasilip kay Jhope na medyo natatawa. Nag thumb's up naman ito sa akin.

"Aist! Can you please Leave?!" Sigaw nya sa akin.

Pinaningkitan ko sya bago ako nag salita, "Okay fine!" Kinuha ko ang shoulder bag ko saka ako nag simulang maglakad paalis.

"Keila wait, I'll go with you!" Tawag sa akin ni Jimin. Nilingon ko naman sya saka nginitian. Tumayo ito.

Accidentally Inlove With My Boss Sungit (Bts Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon