Chapter 10

965 21 2
                                    

Chapter 10-"Confession"

Keila's Point of View

Ngayon ay talagang kinakabahan na ako.

Ano ba kasing pakulo nitong kaibigan ko,at may paganito-ganito pa syang nalalaman.

"Dino kinakabahan na talaga ako,ano ba kasi yon ?!" Tanong ko sa kanya.

"Eto na nga kasi eh..kinakabahan din kaya ako!" Tugon nya.

"Ano ba kasi yon? Bilisan mo na!" Pag mamaktol ko.

"Hindi ko kasi alam kung paano ko 'to sisimulan!" Sambit nya.

Naging tahimik lang ako habang naka tingin lang sa kanya.

"Pero kasi ikaw ang may kasalanan ng lahat ng 'to eh!" Sambit nya ulit.

Ako? Kasalanan?

Kahit gusto kong umangal ay pinili ko nalang tumahimik.

"Ang ganda-ganda mo kasi at ang bait-bait mo sakin.
At isa pang reason ay na attract ako sayo..
Na attaract ako sa kung pano ka kumilos sa labas man o kahit na sa school.
Ikaw kasi yung tipo ng taong natural lang..hindi na kailangan ng make up para maging maganda,dahil maganda ka naman talaga.
Ikaw rin yung tipo ng taong hindi na kailangang mag pakitang tao para lang masabing mabait at mabuti kang tao,dahil tingin palang sayo ay muka ka nang mapag kakatiwalaan..kaya naman...!" Biglang natigil ang sinasabi nya nang biglang may kumaluskos.

Hindi na namin yon pinansin dahil baka hayop lang iyon.

"Sandali ah..alam mo kasi Dino,hindi ko kasi maintindihan kung bakit mo sinasabi sakin ang mga yan..
Pero alam mo namang gusto ko ang lahat,sayo.
Hindi mo na kailangang gawin o sabihin man ang mga ito.Naguguluhan lang kasi ako eh..pwede ba say it direct to the poi~!" -me

"G-gusto kita..mahal kita!" Pag puputol nya sa sinasabi ko.

Nagulat ako sa sinabi nya at para akong tumigas dahil hindi ko agad na ikilos ang katawan ko.
Para akong nabingi sa mga sinabi nya kahit mahina lang naman ito.

Paano nya nasasabi sakin ang mga ito?

"Mahal din kita!" Sagot ko.

Nabigla naman sya dahil sa sinabi ko.
Kita ko ang tuwa at galak sa mga mata nya pero..

"Mahal kita pero bilang kaibigan lang!" Pag lilinaw ko.

At gaya ng inaasahan ko ay nag bago bigla ang awra ng muka nya.

Mag kaibigan kami at yun lang ang tingin ko sa kanya.

Mahal ko sya pero bilang kaibigan lang talaga.
Bilang matalik na kaibigan lang talaga ang feeling's ko para sa kanya.

"Sorry,pero kasi~!" -me

"Pero kasi ano? Pero kasi alam kong hindi mo ako gusto at hanggang kaibigan lang talaga..
pero kasi,mahal mo si Miggy..
Pero kasi may gusto ka kay Miggy..diba? Tama ako diba?!" Naka ramdam na ako ng awa sa kanya.

Bakit nga ba sa lahat ng lalaking mamahalin ko ay si Miggy pa?
Pwede namang si Dino nalang,atleast sya kilalang-kilala ko.
Pero kasi kaibigan lang talaga.

"Sorry!" Tanging salitang lumabas sa bibig ko.

Napansin ko ang pag hikbi ni Dino.
Umiiyak sya.

"Dino!" Tawag ko sa kanya.

"N-no,it's ok..im ok..im fine!" Sambit nya.

"S-sorry!" Hindi ko na rin napigilan ang emosyon ko at napaiyak narin ako.

Accidentally Inlove With My Boss Sungit (Bts Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon