Chapter 35- Comfort

592 14 3
                                    

Loving your self is a big thing you can do for your own. Don't lose your time for the person who can't love you back––you don't deserve any pain.

Keila.

Habang tuma-takbo ako, patuloy ang pag agos ng luha sa mga mata ko, at may tanong na patuloy na gumugulo sa isipan ko.

Bakit parang mas nasaktan ako kasi hindi ko narinig 'yung sagot ni Taehyung?

Sa totoo lang, hiniling ko na sana hindi na lang sya sumagot kasi baka masaktan ako sa sasabihin nya. Pero bakit parang mas masakit pala kasi hindi ko man lang nalaman kung ano ba talaga ako sa kanya? Kung nag sisisi ba sya na nakilala nya ako.

Ang sarap murahin ng sarili ko. Dapat pala hindi nalang ako umepal kanina nho? Edi sana pala hindi ko narinig 'yung mga salitang 'yon?

Sabagay, dapat nga mag saya pa ako 'di ba? Kasi mali 'yung iniisip ko sa kanila. Pinapahalagahan parin pala nila ako.

Pero bakit?

Bakit ganito 'yung nararamdaman ko?

Bakit feeling ko mas lalong lang akong nasaktan? Bakit lalo akong nasasaktan?

Huli na nang malaman ko na nasa park na pala ako. Umupo agad ako sa isang bench sa medyo tagong lugar dito sa park. Siguro isa 'to sa mga paraan para kumalma ako.

Ang pagiging mag-isa, minsan mas okay din kaysa sa––oo nga, marami ka ngang kaibigan, pero nasan sila kapag kailangan mo sila? Kaibigan pa ba silang matuturing?

Tama nga sila. Sarili mo lang 'yung nagiisang taong pwede mong pagkatiwalaan. Sarili lang natin 'yung pwede nating karamay kapag down tayo. Ang sarili mo lang din ang makakaintindi sa nararamdam natin.

"Miss..!" Isang mahina pero sincere na boses ang narinig ko mula sa likuran ko kasabay ng pag sulpot ng isang panyo sa tagiliran ko.

Marahan kong nilingon mula sa likuran ko si KOYA. Nang makita ko kung sino sya, para akong asong ulol dito na hindi maintindihan 'yung nararamdaman ko. Para akong naluluka. Shet, totoo ba 'to? O I is dreaming only shet napapa-Pan De Jimin ako dito shet.

Lab- dab-lab-dab-lab-dab-lab-dab

"D-dino..!" Sa sobrang saya ko agad ko syang niyakap. Napa hagul-gol nalang ako habang yakap-yakap sya.

"Na miss kita, bhe!" Pag sasabi nya ng totoo. Na-miss din kita. Sobra.

Bumitaw ako sa pagkaka yakap sa kanya saka ko sya hinarap. "Yah! Saang lupalop ba ng mundo ka nag punta ha? Lee Chan? Tangina ka naman eh! Alam mo bang nag-alala ako ng sobra sayo ha? Huhuhu..na-miss kitang gague ka!" Patuloy pa din ako sa pag iyak habang hinahampas-hampas sya sa dib-dib. Yeah~ chansing is me :)

"Ganyan mo ba ako iwe-welcome ha? Ngiti ka naman dyan oh? Bakit ka ba kasi umiiyak ha? Sinong may gawa sayo? Sabihin mo sa akin, bubug-bugin ko, pramis!" Nag promise sign pa ang loko sabay ngiti ng napaka lapad.

Umupo kami sa bench kung saan ako naka upo kanina. Hinarap nya ako kaya mas lalo kong nakita 'yung tunay na Lee Chan o Dino. Na-miss ko talaga ang isang 'to.

"Last time na makita kitang umiyak ay nung Music Bank. Tahan na bhe! Marupok ako alam mo 'yan?! Hindi ko kayang nakikitang umiiyak ang babaeng mahal ko!" Yieeee~ kilig naman ang pwet ko 'don. Seriouly mahal nya pa din ako? Hanggang ngayon? Ako? Talaga? [Oo nga. Ang kulit? Tangina naman oh- author kbye~]

Pinunasan nya naman ang pisngi ko gamit 'yung panyong inaalok nya sa akin kanina. "Na-miss ko 'yung mga panahong inaalagaan kita. 'Yung mga panahong ka-i love you'han kita––sa personal o sa text. Na-miss ko 'yung bonding nating apat. Ako, Ikaw, si Seungkwan, at si Aira. Na-miss kita bhe!" Sambit nya with matching hawak sa kamay ko. "Sorry ha? Sorry kasi iniwan kita. Sorry kasi hindi na ako nag paala sayo noon. Natakot lang talaga ako!"

Accidentally Inlove With My Boss Sungit (Bts Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon