Chapter Five

27.1K 671 87
                                    

Song: Superficial Love- Ruth B

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: Superficial Love- Ruth B. 

Shoot

Ngayon ang shoot para sa magazine na iyon. They immediately sent me the details once I have accepted the offer. Sinabi ko naman iyon sa manager ko at agad niya namang inayos ang schedule ko.

Sa tingin ko ay mas una akong dumating kay Zach dahil hindi ko pa naririnig na nagchichismisan ang iba dito. I don't know if I'm ready to face him again.

Pinakita naman sa akin ang mga susuotin kong damit. May mga satin dresses, crop tops at iba pa. Pero mas marami akong nakikitang swimsuits.

"What's with the swimsuits? Why are they so many?" I asked my manager, Laura. Nilapag ko naman ang bag ko sa sofa. 

"Weren't you informed that today's shoot is for their summer issue?" I shook my head. 

Wala naman kasing sinabi sa akin sa e-mail. O baka kay Laura na nila sinabi dahil nisend ko ang e-mail ng manager ko para sakanya nalang sabihin ang ibang detalye.

Pero di naman sinabi sa akin ni Laura? Baka nakalimutan niya lang. She tends to forget things often kasi.

"That's why there's a lot of swimsuits for you to wear. If you don't feel comfortable wearing it, just tell me." She added.

"Laura, I've been wearing swimsuits in front of the camera for a while now. It's not new to me anymore." I told her. Nilagay niya naman ang kamay sa balikat ko.

"Then why do you look so problematic when you saw those swimsuits? Are you like... Uncomfortable wearing it in front of the guy you're having a photo shoot with?" Ngumisi siya sa akin. 

Ah! Seriously! Wala silang pinagkaiba ni Ryan!

"Of course not!" Agad kong sinabi. Nilagpasan ko naman siya at dumiretso na sa make up station.

Zach has seen me wearing a swimsuit noong pumunta kami sa Maldives. Kaya siguro naman I won't feel uneasy wearing swimsuit beside him diba?

Pero kung ganoon nga... Kung para sa summer's issue ito ng magazine ay posibleng... shirtless si Zach sa photoshoot?

Nanlaki ang mga mata ko sa naisip. My god! Posible nga!

We all know naman how shirtless Zach affects me diba? Lalo na siguro ngayon dahil medyo lumaki ang katawan niya compared before. There's a possibility na mas lalong gumanda ang katawan niya. Oh my gosh!

Umiling-iling ako dahil sa mga naiisip ko. Hinawakan naman ng make-up artist ko ang ulo ko at pinirmi ang pwesto.

"Steady." Aniya.

"Sorry." Nahihiya kong sinabi.

Narinig ko naman ang pag-bukas ng pinto at agad na napunta ang mga mata ko sa salamin. Zach's eyes immediately found mine. Bumuka ng kaunti ang bibig niya.

When We Made It Real (When Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon