Chapter Twenty-Nine

18.5K 489 83
                                    

Song: Tattoed Heart- Ariana Grande 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: Tattoed Heart- Ariana Grande 

Article

I immediately told Ryan about Zach's plan on coming back in the Philippines.

"Maganda 'yan. Atleast makakabisita ka ulit kay Caitlyn." Aniya. Ngumiti ako at inabot na ang kapeng tinimpla niya para sa akin.

"I know... Hindi na rin kasi kami masyadong nakakapag-usap lalo na't ang dami ko ring ginagawa."

Caitlyn is still finishing her last year in College. Sa susunod na taon ay mag-uumpisa na siyang magtrabaho. She's pursuing an Engineering course.  Kung hindi lang siguro ako mas focused sa modelling ay pwede kaming maging magkatrabaho lalo na't Interior Designing ang kinuha kong kurso noong college.

Ryan took a sip from his coffee. "O siya nga pala... Kumusta naman kayo ni Zach?"

I tried to hide my smile. "Okay naman. Ganoon parin."

"Hindi ka na niya tinanong tungkol doon sa ano niya?"

"Ano?"

"Plano niyang magpakasal sa'yo!"

Muntikan na akong masamid nang sabihin niya iyon. Grabe naman 'to! Kami nga ni Zach iniiwasan na ang usapan na 'yon tapos siya biglang ibribring up 'tong topic na 'to!

"Bakit? Binabawi niya?!" Nanlalaki ang kanyang mga mata nang itanong niya ito sa akin.

"Hindi noh! Ang sabi ko lang hindi pa ako komportable na pag-usapan ang ganoong bagay. He understands and he told me that we'll take it slow."

"Ahhhh!" He shouted. Agad akong napaangat ng tingin sakanya at nagaalalang tumingin sakanya.

Nung una akala ko may nangyari nang masama sakanya o di kaya napaso siya doon sa iniinom niyang kape. Pero 'yun pala, kinikilig lang siya.

"Napakaswerte mo talaga diyan kay Zach! Akalain mo naiintindihan niya 'yung gusto mong mangyari. Madalang ka nalang makakita ng lalaking ganyan!"

"Bakit si Tony ba hindi?"

"Duh? There's a difference between him and Tony! Tony's gay at iba ang takbo ng isip nila. Tingnan mo itong si Tony, we never brought up the topic about marriage but look where it leads us!" pinakita niya sa akin ang engagement ring nila.

"You never!? How?!"

"Ewan ko din sa isang 'yun. Pabigla-bigla, e. Pero may kutob na rin talaga akong gagawin niya 'yun. Pero syempre, nagmamaganda ako... Kunwari hindi ko alam."

Umiling ako at tumawa.

"Alam mo... Ganyan rin ako noon, e. Sa tingin ko hindi pa ako handang magpakasal kahit na mahal na mahal ko si Tony. Because just like you, I want to enjoy life first. Pero simula talaga ng magical night na 'yun! Biglang nagbago ang isip ko! Gusto ko nang maikasal agad! Kaya malay mo... Ganoon ka rin. Kaya huwag mong paghintayin ng matagal si Zach, ah?"

When We Made It Real (When Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon