Song: All We'd Ever Need- Lady Antebellum
Forgive
Wala akong trabaho ng isang linggo. Hinihintay ko nalang 'yung release ng magazine cover namin ni Zach.
His drunk call has also been a week. Pagkatapos noon ay hindi na siya ulit tumawag pa.
Sabi ko na nga ba! Wala siya sa sarili niya habang kausap niya ako noon.
Kaya siguro, hindi na niya rin maaalala 'yung mga pinagsasabi niya sa akin nung gabing iyon.
I don't know but, somehow his words that night are what I needed to hear from him before. Hindi ko lang mailarawan 'yung nararamdaman ko dahil matagal kong hinintay 'yung pagkakataon na ako naman ang piliin niya.
But... he's drunk that time, Sam. Hindi niya iniisip mga sinasabi niya.
I checked the pantry for some foods pero kaunti na lang ang nandito. I need to go to the grocery store and buy some foods.
Hindi rin naman makakabili si Ryan dahil masyadong busy 'yung taong 'yon. Ako naman ay binibigyan talaga ni Laura ng free week. Minsan nga ay months pa kaya minsan ay malaya ako magpunta kung saan-saan.
Nagbihis ako at kinuha ang susi ng apartment at ang wallet ko sa lamesa. Malapit lang naman ang grocery store dito sa apartment ko kaya there's no need to use my car.
Tsaka, people here usually like to walk instead of driving. New York's traffic is also crazy but traffic in Manila is crazier.
Summer's near kaya medyo mainit na dito. Pero nakajacket parin ako and my hood's up. It's better to be safe than sorry.
People who recognizes me asked for a picture when I passed by. Buti at kaunti lang sila dahil kung marami ay baka hindi na ako makapunta sa pupuntahan ko.
Kinuha ko lang kung anong mga kailangan para sa apartment. I also bought Ryan's favorite snacks which are oreos and Lay's.
Dumiretso ako sa vegetable station habang tinutulak ko ang push cart. I rarely eat meat now a days dahil bilin sa akin ng trainer ko ay healthy lang dapat ang kakainin ko to maintain my body. He also reminded me that I'm only allowed to eat chicken and not meat.
Pero kasi itong si Ryan ay mahilig sa karne kaya wala rin akong ligtas. Minsan gusto ko na siya na mag-adjust para sa akin at kainin rin ang kinakain ko but he despises vegetables so much.
Hawak ko parin ang push cart habang inaabot ang lettuce nang makabunggo ako ng tao. Medyo natulak ko kasi iyong push cart dahil sa pagkakaliyad ko.
Tiningnan ko naman iyong lalaking nakayuko na natamaan ko sakanyang baywang.
"Oh my gosh! I'm so sorry. Are you okay?" Dinaluhan ko siya sa kinatatayuan niya.
Mabilis siyang napalingon nang marinig ang boses ko. Parehas kaming napaatras dahil sa gulat. Sa lahat lahat ba naman ng matatamaan ko sa baywang ay bakit si Zach pa?
BINABASA MO ANG
When We Made It Real (When Trilogy #2)
RomanceThe past made him regret everything he did to her. And now, he's ready to choose her over everything. | BOOK #2 OF WHEN TRILOGY