Song: Wind (Scarlet Heart Ryeo OST) - Jung Seung-Hwan
Beg
Agad kaming sinalubong nila Ryan at Tony nang makitang papasok na ang kotse sa aming bahay. Tinigil ni Zach ang makina ng kanyang sasakyan at naramdaman kong lumingon siya sa akin.
Hindi ako kumibo. Hindi ako gumalaw sa pwesto ko. Nakatulala lang ako habang naaalala ang nangyari kanina.
"Sam..." he called. Hindi ko siya nilingon.
Hindi ko maalala kung paano niya ako nagawang ipasok sa loob ng kotse niya para makauwi na. I think we stayed there for an hour or two, doing nothing. Ang naalala ko nalang nang makita kong nakatayo na siya sa harap ko.
"Let's go home, Sam..."
Nagulat nalang ako nang biglang nagbukas ang pinto ng kotse ni Zach. Bumungad sa akin ang mukha ng nag-aalalang si Ryan. Tinulungan niya akong bumaba ng kotse.
"Oh, dear..." he said when he saw I messed up I was.
Inangat ko ang tingin ko sakanya, nagpipigil ng iyak. Ryan frowned. Agad niya akong niyakap at hinayaan nang umiyak. He knows that we went to visit my family.
Pero hindi niya alam ang tungkol sa nangyari. Hindi niya pa alam ang nangyari.
Nakita kong tumabi si Zach kay Tony. Parehas silang nakatingin sa akin. Kitang-kita ko ang pagpipigil ni Zach. I know he wants to be in Ryan's place right now. Pero kapag ganoon ang nangyari, masasaktan ko lang siya.
I saw how hurt he was for me and I don't want that to happen again.
I don't want to see him hurt again...
Pinikit ko nalang ang mga mata ko upang hindi na siya makita. I don't want him seeing me like this. He doesn't deserve this. He deserves so much more.
He deserves someone who is not this broken.
Hindi ko na alam kung paano pa ako napakalma ni Ryan. Nandidito kami ngayon sa kwarto namin ni Zach. I know he wanted to ask me what happened but he chose not to. He chose to wait for me to tell him.
Dahil alam niya na sasabihin ko rin naman sakanya iyon. I always tell him everything. Kung wala siya, baka kinimkim ko na ang lahat hanggang sa madurog ako.
"I'm an illegitimate child." Sabi ko. Ryan shifted from his seat at mas inilapit ako sakanya.
"I feel like I'm a living sin. A sin that my father didn't want to commit. And every time he sees me, maaalala niya iyong kamalian niya. At siguro, 'yun ang naging rason kung bakit ganoon ang pagtrato niya sa akin."
"Who told you?" he asked.
"Ate Isabella..."
Bumaba ang tingin ko sa aking mga daliri at pinagpipisil ito. I wonder what was her reaction nang malaman niya ang totoo. Maybe she heard the truth when my father and Calliope Enriquez was arguing. Siguro, sa hindi inaasahang pagkakataon, nasabi ni Daddy ang tungkol sa akin.
BINABASA MO ANG
When We Made It Real (When Trilogy #2)
RomanceThe past made him regret everything he did to her. And now, he's ready to choose her over everything. | BOOK #2 OF WHEN TRILOGY