Chapter Twenty-Five

21.1K 515 26
                                    

Song: Two Is Better Than One- Boys Like Girls ft

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: Two Is Better Than One- Boys Like Girls ft. Taylor Swift 

Surprise

A week after MET gala, naimbitahan naman akong dumalo sa Cannes Film Festival. I swear ever since Zach and I confirmed our relationship, nagsunod-sunod ang mga offers sa akin.

Kaya hindi rin naiwasan ng mga tao na magsuspetya tungkol sa relasyon namin. Some were thinking that it's only for a show. They think that we're just using each other for the sake of our career. Baka daw sa ganoong paraan mas makilala kami sa kinabibilangan naming trabaho.

But we're not! Not anymore!

We made it real. Kung dati, we were just faking it. Ngayon, totoo na! Totoo na 'to. At wala nang bawian.

Kung dati kayang kaya kong bawiin ang relasyon namin, ngayon hindi na. Hindi na talaga!

Mag-isip na sila ng kung anu-ano. Basta ang mahalaga ay nagmamahalan kami ni Zach. Others may not believe us, but that doesn't matter. Hindi naman kami naging magkarelasyon para pag-isipin ang mga tao kung totoo ba 'tong relasyon namin o hindi.

Pagkababa ko sa aking kwarto ay nakita ko si Ryan na mahimbing na natutulog sa sofa. He should be at work right now! Bakit nandito pa siya?

Lumapit naman ako sakanya para iyugyog siya hanggang sa magising siya. He groaned at me when he woke up.

"Go away, Samantha!" aniya sabay tumalikod sa akin at tsaka tinakpan ang kanyang mukha gamit ang isang throw pillow para mas maituloy pa ang kanyang tulog.

"Wake up!!!" niyugyog ko ulit siya. Tinampal niya naman ang kamay ko. "Huy! Wag ka ngang ano diyan! Tony's working so hard for your future together tapos ikaw tatamad tamad ka diyan! Naku! Pag mag-asawa na kayo hindi pwedeng ganyan ka nalang lagi! You should work hard, too!"

Hindi ko alam kung tinatamad lang ba itong si Ryan o sadyang tamad lang talaga siya? Ilang beses na rin kasi itong late kung pumasok. Hindi naman siya umaalis kapag gabi para mapuyat siya ng husto.

Umiling ako at hinila na si Ryan hanggang sa bumagsak siya sa sahig.

"Aww!!!" he shouted. Tiningnan niya naman ako ng masama sabay inayos na ang pagkakaupo. "Ano bang problema mo?"

"Late ka na para sa trabaho mo. 'Yun ang problema ko."

"Oh, ano naman? Huwag mong nang problemahin 'yun kasi hindi mo naman trabaho 'yun." Umirap siya sa akin sabay pinikit ulit ang mga mata para makatulog na ulit.

My jaw dropped. I can't believe that it's okay for him to arrive late at his work again. Inilagay ko naman ang kamay ko sa aking baywang at tamad na tiningnan si Ryan.

"What did you do last night?"

Hindi niya ako pinansin.

"What?" I asked again.

When We Made It Real (When Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon