Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Song: Drowning Shadows- Sam Smith
Family
"Hey, illegitimate child, how are you doing?"
Hindi agad ako nakagalaw sa kinauupuan ko nang marinig ko ang sinabi ni Ate Isabella. I felt Zach tightened his hold on me at inilapit ako sakanya.
What does she mean by that?
Na anak ako sa labas?
"What?!" Ate Isabella laughed bitterly. "Surprised? Nakakagulat diba? Isipin mo nalang kung gaano rin ako nagulat nang malaman ko iyon!"
"Ate!" Caitlyn scolded her. Nilingon ko siya.
I feel like Caitlyn also knows the truth. I mean, lahat ata sila ay alam maliban lang sa akin.
Ito ba ang naging rason kung bakit nila ipinamumukha na ayaw nila sa akin? Na kahit kailanman, hindi nila ako kayang tanggapin?
"Why, Caitlyn? You don't want her to know the truth? Oh, right! Because you like her more than me! She's your favorite! Mas paborito mo pa ang isang iyan kaysa sa tunay mong kapatid!"
"Isabella..." I heard my Dad whispered.
Napalingon ako sakanya. Diretso siyang nakatingin sa lamesa sa harap at hindi kumikibo. Binaling ko naman ang tingin ko kay Mommy, mangiyak-ngiyak siya. I saw her trying to greet her teeth, parang nagpipigil ng galit.
Kung ganoon, sino sakanila ang tunay kong magulang?
"What? You're going to side her, too? Go ahead! Panigan mo iyang anak mo sa ibang babae!"
Napapikit nalang ako nang marinig ko iyon. Ibig sabihin... ang nanay na kinikilala ko magmula bata ako ay ang hindi ko tunay na ina? Paano... Paanong nangyari?
Bumalik ang tingin sa akin ni Ate Isabella. Kumunot ang noo ko. Ramdam ko na ang mga luhang nagbabadyang lumabas sa aking mga mata.
Tila hindi maproseso nang mabuti sa utak ko ang lahat ng nalaman ko ngayong araw. Today was supposed to be such a happy day for me, but it turns the other way around. Kung kailan nagkaroon ako ng lakas ng loob na bisitahin muli ang pamilya ko, doon ko pa malalaman ang tunay kong pagkatao.
Or... are they still my family?
"Alam mo..." Ate Isabella's voice broke. "Tama lang na umalis ka dito, e. Tama lang na iniwan mo kami. You will never belong to this family dahil anak ka lang sa labas! At kahit kailan, hinding-hindi kita matatanggap!"
May mga luhang bumagsak sa kanyang mukha. Alam ko na dahil sa galit iyon. She has the right, though. She has the right to get mad at the person who is never really their family. Kumbaga, salimpusa lang ako sa pamilyang ito. I never really belong.
And maybe that's the reason why they don't treat me fairly. It makes sense now. It finally makes sense...
At ngayon, naiinis ako sa sarili ko dahil paulit-ulit kong tinatanong kung bakit hindi nila ako magawang ituring na pamilya dahil umpisa palang pala ay hindi naman talaga ako parte nito. I keep on blaming myself. Kasi akala ko noong una, galit sila sa akin dahil hindi ko sinunod ang gusto nila.