RAFAEL'S POV
Ilang araw lumipas at wala paring nangyayari sa plano ng entertainment saamin.
"Miss wala pa bang update sa mga media? Ano dito nalang ba tayo habang buhay?" Reklamong tanong ni chandel kay miss lily. Sa ilang araw ang lumipas walang media na dumarating sa lugar na ito kaya para wala naman ding workshop na kailangan pang ihandle.
"Oo nga miss. Are we stranded here or what? Parang tayo lang kasi ang tao rito eh" pagdagdag naman ni teylie sa sinabi ni chandel.
We all comportable to each other sa lumipas na araw. Kaysa naman magsungitan at magbangayan kaming lahat rito ay naisipan ni miss lily na gumawa ng palaro na magiging daan para wala nang awayang nagaganap saamin.
"Guys. Guys. Relax okay? Walang signal dito kaya paano natin malalaman yan. Atsaka ilang araw lang naman ang lumipas hindi ba? Unting hintay pa" pagsagot ni miss sa mga tanong nila kaya naman wala kaming magagawa dahil sila ang nakakatanda rito. Kaya sila ang masusunod.
Pero ilang oras lang din ang lumipas ng bigla nalang pumasok sa loob ng bahay si argus.
"Miss. Miss. N-nandito na po ang mga media" pagbabalita niya saamin kaya naman nagtayuan kaming lahat ng ibalita niya iyun.
"See. I told you guys. Tara salubungin natin" pagaaya ni miss kaya naman lahat kami ay nagsilabasan na at inabangan ang mga media sa labas.
Pero ng paglabas naman namin ay tanging dadalawa lang na tao ang nakita namin.
"S-sila na ba iyun? Yung media na tinutukoy mo argus?" Pagtatanong ni alodia kaya tinanguan niya lang.
We all look to two person na nakita naming nasa labas. one girl that look so innocent. And one boy who hold a camera.
"M-magandang umaga po. K-kami po ang pinadala ng company namin para iheld ang workshop ng mga star artist" panininula nung babae kaya naman ngumiti si miss at niyaya silang dalawa sa loob.
Kaya naman kaming lahat rin ay nagsipasukan rin sa loob.
"Ako nga po pala si beth... Beth Greene po. At ang kasama ko po ay ang camera man ko na si Marvin... Marvin Alcantara" pagpapakilala niya sakanya pati sa kasama niya.
☆/☆
3RD PERSON'S POV
Habang pinag uusapan nila miss lily sir andrew at ang mga ibang kasamahan roon sa loob ng bahay kasama ang dalawang bagong dating na mga reporter ay hindi naman nila napapansin ang mga nangyayari sa labas nila.
Na kung saan ay ang kanilang driver ay masaya lang na nakikinig sa musikang nanggagaling sasakyan nila.
"Hay. Ano ba ang mga taong ito hindi pa magdesisyon na umalis. Ilang araw na kaming naririto" bigkas ng matandaang driver na nasa edad 30+ sa kanyang sarili.
Dahil sa walang magawa ang driver na iyun ay minabuti niya nalang na makinig sa musikang laging pinapakinggan ng kanyang anak.
"Twinkle, twinkle, little star
How I wonder what you are
Up above the world so high
Like a diamond in the sky
Twinkle, twinkle little star
How I wonder what you areWhen the blazing sun is gone
When he nothing shines upon
Then you show your little light
Twinkle, twinkle, all the night
Twinkle, twinkle, little star
How I wonder what you are...."Pagsabay ng driver sa kanta dahil sa kantang iyun ay naaalala niya ang kanyang anak na nasa edad lang ng anim.
"How i wonder how you are? Deadly. Deadly. Little star Who will be my first victim" nagtaka ang driver ng may marinig siyang isang boses hindi gaanong kalayuan sakanya.
Kaya naman dahil sa pagtataka niya ay sinundan niya ang boses na pinanggagalingang iyun. Pero hindi alam ng driver na sa pagsunod niya roon ay nararating niya ang isang hindi pamilyar na lugar.
"S-saan ito? T-teka dito ba nanggagaling yung kanta kanina?" Takang tanong niya sakanyang sarili kaya naman nahampas niya ang kanang sintido niya dahi sa kanyang narealize.
"Aish. Ang t*nga ko naman. Kami nga lang pala tao rito. Kaya naman impossibleng may iba pang tao rito. T*nga ka talaga edward" natatawa niya sabi habang hinahampas ang sintido niya kaya naman sa pagtalikod niya upang bumalik sa pinanggalingan niya ay napaatras siya ng may taong sumulpot nalang.
"Ay palaka. I-ikaw---- Waaaahhh" pero sa pagkaatras niya dahil sa pagkagulat niya ay hindi niya alam na meron palang isang trap roon.
Trap na hindi mo mahahalata sa oras na takpan mo ito.
"Hmmm. Pasensya na manong. Hindi pa sana ikaw ang bibiktimahin ko eh. Kaso pinatugtog mo ang paborito kung kanta hehe" mapaglaro niyang sabi sa driver habang nakangiti ng matamis sa taong nakatusok sa mga matutulis na kahoy sa butas na ginawa niya.
Masayang sumipol ang isang lalaking nakamaskara habang tinatabunan muli ang butas na kanya ring ginawa para makabalik sa mga kasamahan niya na hindi napapansin.
ALEX'S POV
"Okay. Guys. Since we talked about what we do right now ay oras na para magpalit kayo ng mga susuotin niyo. Lahat ng mga damit ng boys ay ibigay ang mga damit niyo kay lester with sir andrew and girls kay lydia and sakin. Kaming bahala sa mga susuotin niyo okay? Sige na kilos" utos kaagad saamin ni miss lily kaya naman nagsikilos na kaming lahat.
Pero nagtaka ako ng pagdating namin ng mga kamember ko ay kulang kami ng tatlo.
"W-where's macky, yuki and raffy? Bakit wala sila dito sa kwarto natin?" Pagtatanong ko sa mga dalawa kung kasamahan si zeus at si mayer. Kaya naman tumingin sila saakin.
"E-ewan. B-baka nandiyan lang sila sa tabi tabi" pagsagot ni zeus sa tanong ko.
"Well. I think its better to bring there clothes. Para wala ng bumalik rito right? Less hassle nalang" tumango tango naman kami n zeus sa sinabi ni mayer.
Kaya i assign them kung kaninong mga damit ang dadalhin nila. Since may pagkatopak si macky at ayaw niya may gumagalaw ng gamit niya ako nalang nag present na magdadala ng sakanya.
"Is everything sets guys? Kailangan wala kayong kakalimutan dahil hindi tayo babalik rito kapag hindi pa tapos ang gagawing shooting okay?" Biglang pagsingit ni sir andrew sa pintuan namin kaya naman nagaligaga kaming tatlo sa pagkuha ng mga gamit ng kasama namin.
Hay. Ang tatlong iyun talaga. Hindi man lang bumalik para tumulong. Pagtitrip pa ang inuuna bago asikasuhin ang mga gamit nila.
When we all set ay agad din naming isinara ang pintuan ng kwarto namin para lumabas at pumunta sa pwesto kung saan kami kukuhanan.
Since malapit lang ang dagat saamin ay dun ang first spot kung saan kami kukuhanan.
Pictorial muna then interview individual then ang huling gagawin naman ay kung saan kaming lahat ay kukuhanan na nageenjoy sa pagtampisaw sa dagat.
---------
Hi guys. Gusto ko lang malaman ang thought nyo about sa story ko? Pwede ba comment nyo kung maganda ba o panget yung kada chapter na nagagawa ko. Please need ko lang feedback nyo para malaman ko kung ano ang mga babaguhin ko. Please guys.
Next chapter. May words kayong mababasa at first. And nandun kung sino ang nagsabi pero.... the thing is hulaan nyo kung anong chapter yan ipapakita. Ide-dedicate ko kung sino ang makakahula.
Yun lang guys. I hope subaybayan nyo ang story hanggang huli.
See you soon mga constellanian. Have nice day
YOU ARE READING
CELEBRITY STAR
HorrorLabing-walong mga sikat na tao. Kasama narin ang limang taong kasa kasama sa isang prodaksyon sa pelikula. Anong mangyayari sa 23 na kataong ito kung isang araw ay magising nalang sila sa isang lugar na pupwedeng makamit ang kanilang mga pangarap sa...