Dahil sa sinabi kung iyun ay pinabalik niya kami sa loob. At ang mga guwardya ay agad niya ring pina alis.
"I know. It's hard to accept it doc. But it's not too late... Hindi pa huli ang lahat para sabihin kung anong klaseng tao ang anak niyo. Dahil once na malaman namin kung bakit niya ginagawa ang mga bagay na ito... ay dahil sa naranasan niya noong bata pa siya. Hindi ho ba? Kaya please.... I-kwento niyo po sa amin kung anong nangyari noong bata pa siya" Pagpupursigi kung pakiusap sakanya para lang maikwento ang anak niya sa amin.
"S-si jake? Huhu... A-ang anak ko... Ang pinakamamahal kung anak...."
3rd Person's POV
"To tell you the truth detective....
J-Jake is my adopted child" Napakunot ang noo ni detective david.
Dahil sa sinabi ng doctor.Flashback
Mga panahong dinala si jake sa DSWD ay naroroon din ang naturang doctor. Para mag boluntaryong tumulong sa mga batang ulila.
Nung una ay boluntaryo lang siya roon para tumulong sa pagtingin ng mga kalagayan ng mga ulilang bata.
Pero simula ng makita niya si jake sa isang parke malapit sa naturang lugar ay agad niya itong nilapita at kinausap.
"B-bata" Tawag ng doctor sa batang si jake na hindi siya pinansin.
Kaya naman agad niya itong kinalabit at tinawag muli.
"Bata. Bakit mag-isa kalang dito?" Tanong niya rito ng lingunin siya.
Pero kahit linungin siya ni jake ay hindi siya nito sinagot.
Dahil sa kalagayang iyun ni jake. Ay minabuting dalasan ng doktor ang pagbisita niya roon.
Lumipas ang ilang beses na pangungulit niya rito. At sa huli ay nakuha niya rin ang hinihintay niyang sagot.
"S-si m-mama at p-papa po ay p-patay na.... Kaya naririto ako" Napatango lang ang doktor at niyakap ang bata.
"Edi bakit ayaw mong makipaglaro sa mga ibang bata?" Tanong naman niya habang yakap-yakap ang bata.
"A-ayaw din po nila s-saakin eh. K-kasi daw demonyo daw po ako" Deretsahang sagot niya na ipinagtaka niya.
"D-demonyo? Paano ka naman naging demonyo huh?" Tanong nito pero hindi wala na siyang nakuhang sagot rito.
Lumipas pa ang mga ilang linggo at unti-unti silang naging malapit sa isa't isa. Hanggang sa napagdesisyunan ni doctor alcantara na ampunin nalang si jake.
"N-nasaan po tayo?" Inosenteng tanong ng bata kay doctora.
Kaya agad niya itong hinarap at lumuhod upang tapatan ang tangkad ng bata.
"Ito? Ito na ang bago mong bahay jake. Dito ka na titira simula ngayon" Nakangiting turang ng doktor kaya agad ding panangiti si jake ng marinig niya iyun.
"T-talaga po? W-WOW... MAY BAGONG BAHAY NA AKO" Masayang sigaw ng bata at nagtatalon talon sa sopa nila.
Dahil mag-isa nalang din sa buhay si doktora alcantara ay napagdesisyunan niyang ampunin ang batang si jake.
Jake ang ipinangalan ng mga taga DSWD. Sakanya dahil nung dahil siya roon ay hindi niya mabigkas ang totoo niyang pangalan.
Kaya simula ng ampunin siya ni doctor alcantara. Ay tinawag narin siyang jake alcantara. Pero ang hindi alam ng doctor ay may isang lihim na itinatago ang batang iyun.
Lihim na tanging siya ay ikinagulat niya ng matuklasan niya ito.
----------
"Okay jake ah. Magtatrabaho lang si mommy okay? Kaya stay ka dito sa office ko... Maliwanag ba?" Bilin ng doktor sa anak niya na tinanguan nito.Agad rin lumabas ang doktor na hindi niya namamalayan ay pati rin ang anak niya ay lumabas.
Masayang nag iikot si jake sa buong pasilyo ng mental hospital. Patalon talon pa ito habang tumitingin ito sa buong paligid.
Hanggang sa may nakita siyang dalawang batang babae na magkasamang nakaupo at nakikipag laro sa isa pang batang babae.
Dahil sa igit ay agad niyang nilapitan ang tatlong babae at kinausap ito.
"H-hello sainyo?" Napatingin ang tatlo ng bigla nalang sumulpot si jake.
Ang magkapatid na Sam at Sammy. At si Alodia. Agad silang nagtago sa likuran si sam ng sumulpot nalang si jake.
"A-ate... I'm scared" Sabi ni sammy sa ate niya habang nagtatago sa likuran ng kanyang kapatid na si sam.
"M-me too" Dagdag naman ni alodia.
Kaya naman napabusangot si jake dahil sa reaksyon ng dalawa.
Dahil sa pangyayaring iyun ay umiyak si jake na sinamahan ni sammy at alodia.
"O-oh. Anong problema baby? M-may nang away ba sayo?" Agad na binuhat ng tatay nila sam si sammy ng marinig niya itong umiiyak.
Pati rin si doktor alcantara ay kinarga din si jake ng makita niya itong umiiyak.
"Sssshhh. Tahan na sweety hmmm... Nandito na si mommy" Sabi nito na ikinatingin ng tatay nila sammy. Ganun din si doctor alcantara ng makita niya ang kapwa doctor na nagtatrabaho din sa hospital na iyun.
"A-anak niyo po doc?" Takang tanong ng tatay nila.
"Ahhh. Oo" Sagot niya rito na ikinatawa naman nilang dalawa.
Ang ama nila sam at sammy ay isa ring doctor sa mental hospital. Kung saan nagtatrabaho si doctor alcantara.
Sila sam sammy at alodia ay magkababata na simula ng mga bata palang sila. Lagi silang dinadalang tatlo sa hospital na iyun.
Pero ang hindi nila alam ay si alodia nahawa na sa mga taong naroroon. Habang si sammy ay sumunod sa yapak ng kanyang ama. At si sam naman ay sinunod ang pangarap ng kanilang ina. Na maging isang artista din.
Simula nang magcross ang landas nilang apat ay siya ring unti-unting pagbabago ni jake.
Dahil simula ng makilala niya si alodia. Na kung saan binansagang HUMAN PROPHECY. Yun naman ang paglabas ng natutulog na halimaw sa katawan ni jake.
----------
Hating gabi. Kung saan ay nagtatrabaho si doc.Alcantara. ang akala niya ng mga oras na iyun ay natutulog ang kanyang anak na si jake. Sakanyang opisina.Pero ang hindi niya alam ay pumasok ang bata sa isang silid. Kung saan naroroon ang isang baliw na lalaki.
"He is crazy. He killed your family. So you have to kill them too" Bulong ni alodia ng makita niyang pumasok si jake sa silid.
Dahang dahang pumatong si jake sa pasyente. At nang makapatong na ito ay siyang pagsaksak nito sa syringe na lagi niyang nakikita sa ina.
Matapos nilang gawin iyun ay siya naman tahimik nilang nilisan ang kwarto na parang walang nangyari...
YOU ARE READING
CELEBRITY STAR
TerrorLabing-walong mga sikat na tao. Kasama narin ang limang taong kasa kasama sa isang prodaksyon sa pelikula. Anong mangyayari sa 23 na kataong ito kung isang araw ay magising nalang sila sa isang lugar na pupwedeng makamit ang kanilang mga pangarap sa...