Chapter 30: 2nd Reveal.

8 1 0
                                    

"I-ikaw? I-ikaw ang pangatlo nilang kasabwat?" Pagtatanong ni teylie sa babaing katabi niya ngayon.

"Hays... Sorry ahh. Wala sana akunh ibulgar ka eh. Kaso parang taliwas kana sa plano. So i decided to change the plan" Nakatingin lang ang babaing katabi ni teylie sa salarin ngayon.

Tingin na akala mo ay papatayin ka ng walang pagda-dalawang isip.

"So paano? Magtanong na kayo sakanya?" Pang aasar ng salarin sakanya.

DAVID'S POV

Matapos ng isinasagawa naming pagsuri sa lahat ng impormasyon tungkol sa mga artistang binalita. May nakapukaw ng atensyon ko.

"Crime suspect sa pagpatay ng kanyang mga magulang. Noong 11 years old palang siya?" Nanlaki yung mga mata ko sa aking nabasa.

"Dinala siya sa DSWD para alagaan. Pero after 2 years, he started to scream. Kahit walang kumakausap sakanya o lumalapit. Kaya walang nagawa ang mga nauukulan kundi dahil siya sa mental hospital." Napailing ako ng ulo ko dahil sa mga nababasa ko.

"Paanong nagawa ng isang bata ang ganung krimen?" Tanong ko sa sarili ko at ipinagpatuloy ang pagbabasa.

"Nung una ay nasa stable siya ng dalhin na siya sa mental hospital. Pero lumipas ang ilang linggo ay bigla nanamang bumalik ang sakit niya. Bigla bigla nalang siya tumatawa at sumisigaw. Kahit mga doctor roon ay walang magawa dahil sa sakit niya. Dahil ang sabi nila ay trauma lang iyun. Oo isang trauma na hindi niya makakalimutan. Dahil matapos ng ilang araw ay unti-unting nagkakaroon ng patayan sa hospital. Kung saan siya naroroon..." Naitigil ko yung pagbabasa ko dahil sa nabasa ko.

"W-what a psycho. P-paanong may ganitong tao? A-ano ito demonyo?" Nasabi ko sa sarili ko at ipinagpatuloy na ang pagbabasa.

Teylie' POV

Tumingin kami sa isa naming kasama dahil sa nakita naming video.

"I-ikaw? I-ikaw ang pangatlo nilang kasabwat?" Pagtatanong ko sakanya dahil sa nakita naming video.

H-hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakanya dahil sa nalaman namin.

"P-paano mo nagawa sa amin ito? T-tinuring ka pa naman naming kaibigan" Pagtatanong ni jesu sakanya matapos kung magsalita.

Tanging katahimikan lang ang namayani sa amin ng oras naiyun. Kung ako nga isang segundong katahimikan hindi ko magawa eh.

Pero ngayon naka ilang minuto kaming tahimik lahat. Hanggang sa magsalita siya.

"T-tinuring na kaibigan ba jesu? G-ganun ba ang trato niyo sa akin? Paano naman ang ginawa niyo sa kapatid ko?" Walang umimik ni isa sa amin sa tinanong niyang iyun.

We all sinner. And i admit my sin. Kung ano ang ginawa ko sa kapatid niya. Oo! Pinagsisihan ko ang ginawa kung yun noon. Pero hindi ko, o namin alam na hahantong pala sa ganto ang mangyayari sa nangyari kay samantha.

"E-ex boyfriend ka ng kapatid ko jesu hindi ba? Pinagmamalaki ka niya dahil naging boyfriend ka niya. P-pero anong g-ginawa mo? ANONG GINAWA MO SA ORAS NA KAILANGAN KA NIYA HUH?" Napatakip ako ng mata ko ng bigla-biglaan nalang siyang sumigaw.

Then the next thing na narinig namin after niyang sumigaw ay ang boses ni jesu sa isang video.

"Hey dude. Ano? Napasagot muna ba si samantha?" Nanliit yung mga mata ko ng makita ko si argus,zhin,reylie at alexander sa video.

"Aish. Ano ba kayo mga dude? Unting pagpapakilig lang at napapasagot kuna siya" Pagmamayabang namang sagot ni jesu kila zhin.

"Ano ba naman yan babe. Bakit kailangan niyong pagpusatahan ang panget nayun huh? Mas maganda naman si sandy. At ako. Si chandel lang naman ang retokada sa aming tatlo eh" When we heard what reylie said to the video ay napatingin ang mga mata namin sa pwesto ni chandel. Which is katabi lang ng kulungan ni reylie.

"Tsk. Alam mo namang panget si chandel bakit mo pa kinakaibigan. Tsaka kapag naging magjowa kami ni samantha lalo akong sisikat nuh. Kaya dapat kaibiganin mo siya" After ng video ni jesu ay lahat kami tahimik.

Tahimik kami dahil sa nalaman namin. Oo magkakaibigan kami before. Kasi nasa iisang agency lang naman kami. At lagi na kaming nagkakasama kapag may meeting or outing.

Pero ang mga sikretong tulad ng kay jesu? Hindi namin alam. We thought he sincerly inlove with samantha. P-pero seeing this video? Parang nagbago ang pagtingin ko kay jesu.

"Jinowa mo lang ang kapatid ko. Just to gain fame. Para lalo kang sumikat at lalo kang makilala ng tao.... B-bakit? Mas mahalaga paba ang kasikatan para sayo? Kaysa sa buhay ng isang tao?" Tumingin kami kay jesu sa tinanong niyang iyun.

"OO BAKIT? MAHALAGA SAAKIN ANG KASIKATAN. BAKIT? TINGIN MO BA GUSTO KUNG MANGYARI ANG NANGYARI KAY SAMANTHA NOON HUH? TSAKA AKO BA ANG BUMATO NG BATO SA ULO NIYA? AKO BA ANG NAGSUGGEST NA IPALABAS NA SUICIDE ANG PAGKAMATAY NIYA? HINDI NAMAN DIBA? KAYA HUWAG MO AKUNG SISIHIN DIYAN AT IKAW ANG ISUNOD KO SA KAPATID MO" Nakaramdam ako ng pagtaas ng mga balahibo ko sa katawan ng makita ko ang reaksiyon ni jesu.

H-he is not the jesu we know before. P-para bang may sapi siya ngayon.

"WAAAAAAHHHH. SAMANTHA. HALIMAW KAAAAA.... MAMATAY KANA SANA SA IMPYERNONG HAYOP KA....." Napapikit nalang ako dahil sa nakikita ko kay jesu.

B-bakit n-nagkakaganito ang lahat? B-bakit kami nagkakaganito?

"A-at ikaw naman teylie..." Napaupo ako ng tuwid ng marinig ko ang nakakakilabot niyang boses.

Hindi ko man gustong tumingin sa pwesto niya ay hindi ko mapigilang mapatingin. Tipo bang kahit pinipigilan mung huwag tumingin ay hindi mo magawa.

"Y-...y... Y... Yes?" Nauutal kung tugon sakanya ng napatingin ako sa pwesto niya.

Her eyes is like a bloody red. Grabi sa pamumula ang mata niya habang nakatingin sa akin.

"W-why did you suggest na gawing suicide ang pagkamatay niya? H-hindi ba't gustong gusto mo siya dahil straight forward siya kung sumagot? Parang ikaw lang diba?" Patingin-tingin ako sa lahat ng direksyon ng mata ko. Basta huwag lang kami magka eye-contact. Ayokong makita ang ganun niyang itsura.

"A-a... Ano... A-ano k-kasi.... Ammm" Ni isang salita walang lumalabas sa bibig ko.

Hindi ako makaisip ng paraan o makaisip ng palusot. Dahil once na gawin namin iyun ay.....

"Tsk. Akala mo naman kung sinong maganda. Eh di hamak na retokada lang naman din siya." Nang nakarinig ako ng boses ay unti-unti kung ipinunta ang mga tingin ko dun.

"Yeah. Yeah samantha. Ikaw na ang maganda. Magandang Patayin. Nako kung makikita lang kitang nakahandusay ngayon. Nako ipapalabas kung nagsuicide ka. Masyadong mataas ang pangarap mo teh. Ang hirap ireach" Napaluha ako ng makita ko ang sarili ko sa video.

T-that was me. D-doing my make up bago mangyari ang pagkamatay niya.

"Hmmm. Maganda na ba ako? Magugustuhan kaya ako ni cj nito? Aish. Ano ba naman yan" Agad din akung umalis sa banyo ng oras na iyun dahil kailangan kong pumuntang rooftop. Kung saan makikita ang pool area.

Pero pagpunta ko sa lugar na iyun ay panlalaki ng mata ang nagawa ko. Bumalik sa isipan ko ng mga panahong iyun kung ano ang sinabi ko.

Kaya dahil sa hindi ko malamang dahilan ay bigla ko nalang nasabi ang isang bagay na pinagsisisihan ko.

"N-no... N-no... I-...i ... I-i didn't mean that... H-hindi ko naman g-gusto yun eh... Ammmm... A-ano eh... Ano ba ito.... " Paputol-putol at pautal-utal akung nagsalita pero wala akung masabing rason para ipagtanggol ang sarili ko.

Kaya naman sa hindi ko malamang dahilan ay napapasigaw nalang ako habang umiiyak.

"WAAAHHH. H-HINDI YUN ANG GUSTO KO... HINDI KO GUSTO ANG NANGYARI SAKANYA. H-HINDIII... HINDI..."

CELEBRITY STARWhere stories live. Discover now