RAFAEL'S POV
Laking pangungulila ang sinapit namin ngayon ng mga kapwa kagrupo ko sa nangyari kay mayer.
Hindi man kami gaanong nag uusap na dalawa sa personal, pero alam ko ay hindi dapat mangyari sakanya ang nangyaring pagpatay sakanya.
"Do you think magsasalita ang dalawang yan huh? Parang wala namang balak aminin nila bryce ang kasalanan nila eh" saad ni macky saaming apat na naririto.
Magkakahiwalay kaming lahat sila sir andrew, jesu, reylie at lydia ay magkakasama tapos kaming mga starlight member naman pwera lang kay yuki.
"Sira ka ba macky? Sinong taong aaminin sa kasalanan niya huh? Hindi pa ba sapat ang ebidensyang nakita natin sakanila huh?" Inis na tanong ni zeus sakanya.
Nakikinig lang ako sa bangayan ng dalawang ito. Actually we can't blame zeus for acting like this. Lalo pa't ang namatay ay si mayer na kung saan ay siya ang pinaka malapit kay mayer.
As far as i know kasi sa aming anim na magkakagrupo ay silang dalawa lang ang magkababata. Kasi ako at si alexander ay nagkakilala lang nung college hanggang sa naging magkaibigan kami at sinubukan ang audition na kung saan ay magiging pop idol ka.
Then kay yuki at macky naman ay nakilala lang namin nung pinagsama-sama na kaming lahat. Kaya ito hanggang ngayon ay kinikilala palang namin yung iba sakanila.
"Aish. Ewan ko sayo zeus, para namang maibabalik nila si mayer kapag---" tumigil nalang sa pagsasalita si macky sa sasabihin niya ng hawakan ni alexander ang balikat niya.
"Tsk. Dyan na nga lang kayo, mas mabuti pang matulog kaysa isipin ito" agad ding umalis si macky matapos niya iyung sabihin.
Kaya naman buntong hininga nalang kami dahil sa inaasta niya.
"Hay. Wala parin talaga siyang pinagbago" tumango lang ako sa sinabi ni alexander habang pinagmamasdan sila sir andrew.
JESU' POV
Kaharap namin ngayon nila sir andrew ang dalawang suspect na pinaghihinalaan naming pumatay kay mayer.
"I already told you guys, we didn't killed mayer" marahas na sabi ni byrce saamin.
"Oo nga, tsaka nadampot lang naman namin yung bulaklak eh." Dagdag naman ni kevin.
Lahat kami ay nagkakaisa na sila ang salarin sa pagpatay kay mayer pati narin sa pagpatay kila sonia, miss lily at ang driver nakasama namin.
Hindi ko alam kung tama bang sila ang pagsuspetsyahan pero may ebidensya kasi kaya parang wala ring silbi kung mag a-against ako.
"Bakit nag-insist parin kayong lumabas huh? Diba sinabi na ni alodia na may mamatay kapag may lumabas? Edi ibig sabihin kayo ang pumatay" pagtatanong ni reylie sakanila.
Isa ring gumugulo sa isipan ko ang sinabi ni alodia nung kumakain kami sa hapag-kainan. Kasi sino bang matinong tao ang maniniwala sa sinasabi niya huh?
Human Prophecy? Kung mga bata kami na nasa edad pito o walo ay kapani-paniwala, pero tignan mo naman malalaki na kaming lahat at nasa mga tamang edad na. Kaya sinong matinong tao ang maniniwala dun?
I don't believe to supernatural, yung tipong magpepredict ang mga nangyayari sa hinaharap? Mga powers? God. For god's sake naman oh, sinong pinagloloko niya.
Dahil sa hindi ako kumbinsado sa pinagsasabi ng mga taong nasa harapan ko ay agad nalang din akung umalis dun para maghanap ng sariling sagot.
This is how i live, jesu craig is known as a jerk. Pero ang totoo ay ayoko lang sa mga taong nagsisinungaling lalo na't kaharap ko.
Habang pinagmamasdan ko ang labas kung saan namin nakita ang bangkay ni mayer ay agad ko itong sinuri, sinuri para malaman kung ano bang totoong nangyari sakanya.
Pero habang naghahanap ako sa bangkay ni mayer ay biglang may nagsalita sa likod ko.
"Iba ang pumatay sakanya" tumaas ang balahibo ko ng magsalita si ali galing sa likuran ko.
"The f*ck dude. Nakakagulat ka naman oh" mura ko sakanya ng tumingin ako sakanya pero ningitian niya lang ako.
Minsan talaga nakakagulat ang taong ito kapag nagsasalita na hindi ako o kami inform. Dahil sa sobrang cold niya para tuloy kaming aatakihin sa gulat sa pagsasalita niya nalang.
Umupo lang din siya katabi ko habang pinagmamasdan ang bangkay ni mayer.
"By the way, what do you mean iba ang pumatay sakanya huh?" Pag-iiba ko nalang ng usapan ng makatabi siya at tinignan lang bangkay ni mayer.
"I'm not expert in this kind of stuff jesu, pero masasabi kong iba ang killer kay mayer" pagsagot niya saakin pero dahil dun ay kumunot ang noo ko.
What ali means about that? Paanong iba?
"How do you say so?" Tanong ko ulit kaya naman agad niyang itinaas ang paa nito.
"See this sign?" turo niya kaya nilapitan ko iyun at pinanliitan ng mata para makita ko ang itinuturo niya.
Nang makita ko ang isang maliit at manipis na markang nasa paang bahagi ni mayer ay tanging pagtataka ang kumurba sa mukha ko.
"T-teka... h-hindi ba't ganito rin ang meron sakanila sonia?" Tumango siya saakin ng tumingin ako sakanya dahil sa itinanong ko.
Kaya ko kasi nasabi ang bagay naiyun ay dahil kami-kami lang din na boys ang naiwan nung oras na ibaba namin ang mga bangkay nila sonia sa pagkakabitin, pati narin ang dalawang babae na sila sandy at reylie.
"P-pero paano naman yung bulaklak na nakita nating hawak-hawak nila kevin?" Tanong ko habang tumitingin parin kaming dalawa sa buong parte ng katawan ni mayer.
Hindi kasi muna namin inilibing ang katawan niya ng dumating sila byrce at kevin dito sa bahay kaya nandito parin ang katawan niya hanggang ngayon.
"Ewan, pero tingin ko nagsasabi sila ng totoo at tingin ko kailangan pa natin ng impormasyon bago ipaalam sa iba ang totoo" sagot niya saakin ng bigla nalang siyang tumayo, kaya naman pati ako ay napatayo din.
"We have to check their room, dahil katapat lang ng kwarto nila kung saan siya nakahandusay ngayon" pag-aya niya kaya agad kaming naglakad na parang walang nangyari ng pumasok kami sa loob ng bahay.
Pero tumigil lang kami ng harangan kami ni lydia at may ipinakita siya saamin sa cellphone niya.
"Ali, jesu... someone is dying tonight kailangan nating kumilos nila reylie" pagbibigay niyang balita saamin kaya nagkatinginan kami ni ali sa isa't isa dahil dun.
"Tara. Kailangan nating gumawa ng plano" sabi nalang ni ali ng pumunta siya sa kwarto nila reylie na sinundan namin ni lydia.
Lydia become our informant dahil sa mga text na natatanggap niya, habang kami nila ali at reylie ang magiging utak para malutasan ito with the help of sandy narin pansamantala.
YOU ARE READING
CELEBRITY STAR
HorrorLabing-walong mga sikat na tao. Kasama narin ang limang taong kasa kasama sa isang prodaksyon sa pelikula. Anong mangyayari sa 23 na kataong ito kung isang araw ay magising nalang sila sa isang lugar na pupwedeng makamit ang kanilang mga pangarap sa...