Chapter 24: Is She a Killer or Not?

6 1 0
                                    

Lester's Pov

Nanlaki ang mga mata namin ng sabihin ni beth yung nangyari sakanya.

Someone inject her. Pampatulog ang isinaksak sakanya. Pero ang naging malaking tanong sa amin nila jesu ay bakit niya gagawin iyun?

I mean bakit pampatulog lang ang isinaksak sakanya? Im not wishing na dapat pinatay si beth. Pero nakakapag taka lang kasi na ganun ang ginawa sakanya diba?

"I think we have to think a plan guys" napatingin kami kay cj sa sinabi niya.

"Think a plan? Hindi mo ba alam na kasama niya yung tatlo nating kaibigan? Alam niyo ba yun? Tapos plano parin tayo ng plano" reak ni reylie kay cj sa sinabi niya.

Hindi ako nakinig sa mga pagtatalo nila. Dahil nag iisip ako kung ano ang pwedeng gawin.

Kung hindi kasi sila yuki ang killer. Paano siya namatay? Dahil kung yung tinutukoy ni beth ang killer. Paano niya nagawa iyun? Sa likod tinamaan ng bakal na pana si yuki at nasa tabi namin siya.

"Lahat sila may tattoo sa tenga nila. Kung papansinin mo parang nunal lang iyun sa malayuan. Pero kung malapitan hindi" biglang pumasok sa isipan ko yung sinabi ni natheena sa amin kanina.

Kaya dali-dali akung lumapit kay macky ar zeus para tignan yung tinutukoy ni natheena.

"The heck lester. Anong ginagawa mo?" Giit na tanong ni macky ng iiwas niya ang tenga niya.

"Im just checking for something. Baka makatulong ito sa iniisip ko eh" sagot ko sakanya tsaka pinwersang makita yung parang nunal na tattoo niya.

Nang makita ko yung tattoo niya ay agad din akung lumapit kay zeus.

"Do you guys have the same tattoo right?" Pagtatanong ko ng makita ko yung star na maliit sa tenga nila.

Nilapitan ko yung katawan ni yuki at inilabas yung phone ko. Kahit basa na kami buti nalang ar waterproof ito. May pakinabang din.

"Yeah. Star ang tattoo naming lahat. Simbulo ng pangalan ng grupo namin. Bakit?" Napailing ako dahil sa isinagot nila.

Buti at kasama ako nung oras na inilibing namin ang mga bangkay ng mga naunang namatay. Dahil kung hindi baka hindi ko ito masagot sa oras.

"I know kung sino ang pumatay kay yuki. Tara kailangan nating mahanap sla teylie. We have to warn them" utos ko sakanila ng tumayo ako.

Walang paligoy-ligoy agad akung tumakbo papunta sa direksyon nila teylie kung saan sila tumakbi kanina.

Teylie's Pov

Hingal na hingal na kaming apat kakatakbo rito sa maputik at madilim na lugar.

Hindi ko na nga rin alam kung saan ba kami naroroon eh. Pero ang alam ko lang nahiwalay kami nila natheena dahil sa pagtatakbo.

"Teylie... n-nasaan na ba tayo? Kanina pa tayo takbo ng takbo eh. Tignan mo wala narin yung dalawa" habol sa akin ni natheena ng sandali akung tumigil.

Grabi kasi ang mga putik eh. Pati narin ang ulan. Nakakapagod kayang tumakbo sa putikan.

"E-ewan ko natheena... p-pero kailangan ka naming ilayo kay bryce ngayon kita mo naman ang reaksyon niya diba?" Nang mahabol ko ang hininga ko agad kung inilibot ang paningin ko sa paligid.

I know it's useless dahil madilim ang paligid. Pero kailangan ko paring subukan. Para mabuhay kami.

"Tara. May nakita ako dung liwanag. Dun muna tayo baka ligtas dun" pagtuturo ko kay natheena ng lugar ng may nakita akung maliit na liwanag.

Hindi ko alam kung ano ang meron dun pero kailangan naming subukan ang lahat ng pwedeng posibleng bagay. Para lang makaligtas dito.

☆/☆

Nang marating namin ni natheena yung lugar na nakikita ko ay napangiti kami. Sino ba kasing mag aakala na meron palang warehouse dito at may kuryente pa.

Okay rin sana yung bahay na tinutuluyan naming lahat. Pero dahil sa nangyari sa amin. Para sa akin ito ang ligtaa kaysa dun.

"Gosh. Makakaligtas na tayo teylie. Nakakaiyak naman oh" tinapik ko lang ang balikat niya dahil sa sinabi niya.

Well. I think ititigil ko muna ang pagiging bitchy ko dito. Dahil buhay ko ang nakasalalay kailangan kung tatagan ang sarili ko.

Pumasok kami sa loob ng warehouse pero laking dismaya ang nadatnan naming dalawa.

Dahil imbes na makakaligtas kami ay iba pa ang sasalubong sa amin. Ang nakakagulat pa ay ang mga kulungan na nasa paligid at siyam na magagarang upuan ang nasa harapan ng kulungan.

"Hihihi... Dumating din ang mga diamond ko. Pito nalang at malapit ng magsimula ang masayang palabas" nakaramdam ako ng pangangamba ng makarinig ako ng isang nakakatakot na boses.

Hindi siya totally nakakatakot. Pero the way he speak ay parang creepy pakinggan. Kaya nakakatakot siya.

Dahan dahan kaming humarap ni natheena sa likuran namin. Pero hindi namin nakita ang buong mukha niya ng may itusok siya sa leeg ko.

Isang syringe na merong hindi ko malamang likido ang dumaloy sa buo kung katawan.

Huli na ng maramdaman ko ang mga senses ko ng bigla nalang dumilim ang paningin ko.

"Just take a rest first. Dahil ang mga lalaki nalang ang kulang para makumpleto kayo" narinig ko siyang tumawa bago ako nawalan ng malay.

Maggie's Pov

Nagpapadyak ako ngayon dahil sa mga putik na dumidikit sa akin. Pero lalo lang dumadami dahil sa ginagawa ko.

Im not in the right mood kasi nagkahiwalay kami kay naz. Kaya hindi ko alam ang gagawin ko.

"Do you think tama itong dinadaanan natin? Look ang dilim at maputik pa" reklamo ko sakanya pero hindi niya parin ako pinansin.

Kanina pa kami gantong dalawa. Todo reklamo ako pero siya lakad lang ng lakad. Kaya imbes na magpaiwan ay wala akung choice at sundan lang siya nuh.

Ilang minuto lang din yung nagdaan at tumigil narin siya. Kaya laking pasasalamat ko dahil dun.

"Ay. Thank god at tumigil ka din. Alam mo bang----" hindi ko natuloy sasabihin ko sakanya ng bigla niya akung saksakan sa leeg ko.

Hindi ko alam kung ano iyun. Basta may mahapding likido ang lumabas roon.

"S-sorry but i have to do this. I have to take my revenge" napatingin ako sa mukha niya ng sabihin niya iyun.

Umiiyak ang mga mata niya na tila ba nagsisisi siya sa ginagawa niya. Hindi ko alam pero ng titigan ko siya ng matagalan ay parang may napagtanto akung mukha niya.

I-impossible. P-patay na si samantha. Kaya paanong nandito siya? Paanong nabuhay si samantha?

"S-sam......my" tawag ko sa pangalan niya bago ako mawalan ng malay.

Huling tingin ko sakanya ay umiiyak siya habang tinarakan niya din ng syringe ang sarili niya.

CELEBRITY STARWhere stories live. Discover now