JESU'S POV
Sinundan namin ang sigaw na nanggaling kay natheena. Pero hindi namin namamalayan na kanina pa pala nauna dun si kevin.
"WAAAHH... WAAAHHH. LEAVE ME ALONE... LEAVE ME ALONE... PLEASE... WAAAHHH..." kahit nabibingi kami sa sigaw ni natheena dahil sa tinis ng boses niya. Sinubukan naminv pakalmahin siya.
"Naz. Naz... calm down please. Kumalma ka muna" nag aalala kung sabi sakanya. Pero ayaw niya pading tumigil.
Nakatakip parin ang mga kamay niya sa tenga niya habang pailing -iling.
"God. Anong nangyari kay natheena jesu?" Pagtatanong ni reylie ng maabutan niya kami rito.
Pero wala akung isinagot dahil hindi ko alam ang nangyayari sakanya din ngayon.
"Si kevin guys? Nakita nyo ba siya? Siya ang unang tumakbo diba?" Ibinaling ko nalang muna ang tanong ko sakanila habang sinusubukang pakalmahin si natheena.
This is what i scared at all. Ang makita ang ibang tao na nagwawala lalo na't may isag trahedya silang dinanas.
"Nope. We didn't see kevin" tumango lang ako dahil sa sinabi niya.
Saan ba pumunta ang taong iyun? Hinabol niya ba ang salarin? Aish. Dapat hinintay niya kami kung ganun. Para makaisip ng paraan.
"NAZ... NAZ... Oh my god. Anong nangyari sayo naz?" Bigla akung napaupo sa sahig ng itulak ako ni maggie palayo.
"M-ma...maggie? MAGGIE HUHUHU" napabuntong hininga ako ng tumayo ako.
Hindi ako makapaniwala na si maggie lang ang magpapakalma sakanya. Buti nalang dumating siya.
"Ssshhh. Tahan na nandito na ako. Nandito na ako. Hindi na ulit kita iiwan" wala talaga akung masabi sa magbestfriend na ito.
Dahil sila rin naman pala ang magsasandalan sa isa't isa.
"Jesu. Reylie... l-ligtas kayo?" Napatingin kami ni reylie sa direksyon kung saan sumulpot si maggie ng marinig namin ang hinihingal nilang boses.
"Guys. Buti ligtas kayo" i felt relieve when i saw there exhausted face.
Okay ng pagod ang mga mukha nila kaysa sa iba ang mukha ang makita namin.
"T-teka... b-bakit parang kulang yata kayo?" Pagtatanong ko sakanila ng hindi ko makita sila ali at sandy.
"W-where sandy? B-bakit hindi nyo siya kasama?" Itinanong nalang ni reylie ang gusto kung itanong sakanila.
Pero ng marinig nila ang tanong ni reylie. Tanging pagtungo lang ang itinugon nila sa amin.
"D-don't tell me?..." napatakip ng bibig si reylie ng para bang meron siyang napagtanto dahil sa ginawa nila.
Argh. Ano bang nangyayari sa amin ngayon? Bakit nauwi sa ganto ang lahat huh? Bakit naging ganto ang kinalagyan namin.
Dahil sa alam na namin ang sitwasyong dinanas ng dalawa ay wala na kaming magagawa. Alam naman naming mauuwi sa ganto ang lahat eh.
"Thank god. At ligtas si natheena. Pero teka... Nasaan si kevin? Hindi nyo ba kasama?" Napatingin lang kami may bryce ng sabihin niya iyun.
Oo si kevin din isa din sa inaaalala ko ngayon. Nakapag tataka kasi bigla nalang siyang nawala ng pumunta dito kay natheena.
Magsasalita na sana ako tungkol sa tinanong ni bryce tungkol kay kevin pero hindi ko naituloy.
"S-si kevin... m-maggie. Kailangan nating iligtas si kevin. Kailangan natin siyang iligtas..." lahat kami napatingin kay natheen ng sabihin niya iyun.
"Iligtas? Bakit? Alam mo ba kung anong nangyari kay kevin?" Tumango-tango siya sa itinanong ni maggie.
"Oo. Alam ko ang nangyari sakanya. Dahil kung hindi niya ako niligtas. Ako sana ang mamamatay. T-tsaka m-may tattoo ang umatake sa amin" napakunot kaming lahat ng sabihin niyang mat tattoo ang salarin.
Tattoo? M-meron bang may ganun sa amin? Ang alam ko wala namang meron nun eh.
"Sino naman ang may tatto sa atin natheena? Alam naman nating bawal ang tattoo diba? Kaya paanong may tattoo yun?" Pagtatanong ni macky sakanya kaya iniangat niya ang ulo niya para tumingin sakanya.
"Talaga ba? Paano mo masasabi huh? Nakita ba ng dalawang mata mo? Hindi naman diba?" Pagtataray niya may macky kaya bigla akung sumingit sakanila.
Baka kasi sa iba pa mauwi ito eh.
"Natheena. Alam naman natin ang sinasabi ni macky diba? Sa simula palang walang may tattoo sa atin diba?" Lumuhod ako sa harapan niya para sabihin iyun.
Pero umiling siya tsaka pinagtuturo sila Yuki, Zeus at Macky.
"Tignan nyo ang tengang bahagi nila. Sa likuran. Para siyang isang nunal dahil sa liit. Kaya kahit sino hindi mapapansin yun" agad na nagtinginan kami sa tatlo ng sabihin niya iyun.
Kaagad din namang pinagtatakpan ng tatlo ang tenga nila dahil sinabi niya.
"T-teka... h-huwag mong sabihin na isa sa amin ang tinutukoy mo natheena?" Pagtatanong kaagad ni yuki kay natheena dahil sa isang ebidensyang sinabi niya.
K-kung ganun kasa-kasama lang namin ang killer? Edi ibig sabihin hindi lang si sir andrew ang pumapatay huh?
"Bakit? Sino ba ang mayrong ganyan? Mga starlight member lang naman diba? Edi ibig sabihin isa sainyo ang killer" katwiran ni natheena sa sinabi ni yuki.
Dahil run nagsipuntahan ang iba sa pwesto namin ng sabihin ni natheena ang bagay na iyun.
Hindi ako makapaniwala na isa sakanilang tatlo ang killer. P-pero paano nangyari ang bagay na yun huh?
"Oy. Oy. Teka lang naman. Para namang wala sa katuturan yan natheena. Kanina pa namin kasama ang tatlong ito kaya paano mo nasasabi yan huh?" Rinig naming sinabi ni bryce kay natheen.a
"Walang katuturan? Bakit? Impossible ba ang sinabi ko huh? Lahat ng bagay possible bryce kapag ikaw ang killer" depensa ni natheena sakanya.
Dahil sa pagtatanggol ni bryce sa tatlo. Parang magkaroon ng debate sa aming lahat.
Gulong-gulo ako sa nangyayari ngayon. Masyado nilang itinataas ang mga sarili nila dahil sa nangyari ngayon. It's a survival game. Kung nagpapatanga ka sa larong ito hindi mo alam kung sino ang nagsasabi ng totoo o sino ang nagsisinungaling.
Pero this time. I think si natheena ang nagsasabi ng totoo. Dahil siya ang nakakita sa killer. Kaya siya ang paniniwalaan namin.
"ANO BA BRYCE? BAKIT MO PINOPROTEKTAHAN SILA YUKI? DIBA DAPAT KAMI ANG KINAKAMPIHAN MO? AFTER ALL KAIBIGAN MO SI KEVIN NA PINATAY NILA" malakas kung sigaw kay bryce na nagpatigil sa lahat.
Wala akung karapatan para sabihin ang bagay na ito sakanila. Pero wala din namang magagawa ang pagtatalo nilang lahat eh.
"Mamili ka bryce ngayon. Kami o sila? Mamili ka. Isang beses ka naring nireject ng grupong iyan. Kaya mamili ka?" Napatingin ako sa mga reaksyon nilang apat ng sabihin ko iyun.
Please. Bryce. You have to choose. Kailangan mapunta ka sa amin. Dahil kung hindi. Mawawalan kami ng isang malakas sa amin.
"S-sorry guys. Oo ilang beses ako tinanggihan ng grupong ito. Kaya nga naging back-up dancer nalang kami ni kevin... pero..." natigil siya sa sasabihin niya ng tumingin siya kay yuki.
"Pero... hindi ko hahayaang mapahamak ang Kapatid ko"
YOU ARE READING
CELEBRITY STAR
HorrorLabing-walong mga sikat na tao. Kasama narin ang limang taong kasa kasama sa isang prodaksyon sa pelikula. Anong mangyayari sa 23 na kataong ito kung isang araw ay magising nalang sila sa isang lugar na pupwedeng makamit ang kanilang mga pangarap sa...