Every String are Connected to each other. Secret can reveal one day - alodia
LESTER'S POV
"Sir. Okay na po ang lahat" aniya ko kay sir andrew ng maiset namin ng mga kasamaham ko pati narin si lydia ang mga kailangan naming iset sa gagawin nilang pictorial at interview.
"Salamat lester. Sige stand by na kayo nila lydia roon" utos niya naman saakin kaya naman agad din kaming pumwesto sa tabi ng mga artista.
3RD PERSON'S POV
Nagsimula na ang kanilang pictorial sa pamumuno ni andrew.
"Teylie ayusin mo naman ang pose mo. Para ka namang kinagat dyan sa pose mo eh" utos niya sa artistang si teylie.
"ano ba naman yan sir. Ako nalang lagi nakikita" reklamo niya rito at inayos nalang ang pose.
Wala silang ginawa kundi gawin ang dapat gawin nila. Kuha ng pose rito roon.
Palit ng mga susuotin pati narin ang paglalagay ng mga make up sila sila narin nagtutulungan.
Dahil sa kaunting tao lang naman sila ay ang mga ibang artita na ang gumagawa ng make up para sakanilang sarili.
"Gosh. Alodia ikaw na talaga ang henyo sa mga make up. Ang ganda ko ulit" papuri ni chandel kay alodia ng lagyan siya ng mga make up sakanyang mukha.
"Haha. Nakakaloka ka chandel. Simple lang naman ang ginawa ko sayo. Over ka naman sa papuri" natatawa namang tinanggap ni alodia ang papuri.
Lahat sila ay nagsasayahan kahit nasa gitna sila ng pictorial. Pero bigla nalang ito napatigil ng may maramdamang kakaiba si misa lily.
"U-umuulan?" Taka nitong bigkas ng may maramdaman siyang likido na tumulo sakanyang kamay.
Kaya naman pinakiramdaman niya ito habang nakapikit ang kanyang mga mata na tila ba nasisiyahan sa ulang nararamdaman niya.
"A-alah. Umuulan sir andrew" pagpapaalam ng isang make up artist na si sonia.
Kaya naman pinakiramdaman din ng iba ang pagulan haggang sa lumakas ito. Kaya naman nagtakbuhan silang lahat dahil roon.
"B-bakit kayo nagtakbuhan?" Pagtatakang tanong miss lily ng pumasok sila sa loob ng bahay dahil sa ulan.
"Like duh miss. Hindi po bang obvious na umuulan?" Sarkastikong tanong ni natheena sakanya kaya naman umiling iling lang si miss lily.
"Ay. Kayo talagang mga bata kayo. Oo alam kong umuulan pero. Hindi ba kayo nakaligo sa tanang buhay nyo sa ulan? Tsaka... water proof naman yata ang camerang dala niyo hindi ba?" Pagtatanong naman ni miss lily sa camera man.
"Yes. Its water proof but why did you ask?" Tanong ni marvin kay miss lily.
Kaya may kumurbang ngiti sa mga labi ni miss lily dahil sa isinagot ni marvin. Para bang may naisip na isang magandang plano si miss.
"If ganun. Why dont we continue this pictorial guys? Water proof ang camera and yung mga taong hindi pa nararanasan maligo sa ulan edi mararanasan pa nila hindi ba? And we can use the rain for some effect narin. Diba pwede naman yun?" Masaya niyang sihestiyon sa lahat kaya naman napaisip silang lahat.
"Hmm... not bad idea kahit papaano" aniya ni reylie.
"Yeah. Parang masaya yang idea nayan. Kasi we dont need make up na tsaka mag eenjoy pa tayong lahat diba?" Dagdag naman ni maggie kaya naman lahat sila ay nagkaisa sa sinabi ni miss lily at nagsipalitan ng kanilang mga damit.
Ang mga lalaki ay nakasuot ng kanilang mga summer short habang ang iba ay ang kanilang boxer shor.
Ang mga babae naman ay ang kanilang mga underwear habang ang iba na hiyang hiya sa pagpapakita ng kanilang katawan tulad ng mga make up artist at si lydia ay naka short na maiksi at nakasuot sila ng mga maninipis na damit.
"Okay. This is not like what we did kanina everyone. Dahil ngayon ay we dont need to look gorgeous or handsome infront of camera. We just act natural. Yung nasa isang summer vacation lang kayo ng mga kaibigan nyo o ng mga kapamilya nyo okay?" Pamamalita naman ni sir andrew kaya isinet na nila ang kanilang camera.
Ang camera ay medyo malayo layo sa may dalampasigan na kung saan ay nakukuhanan ang lahat ng taong kasama nila.
Lahat sila ay nagkakasiyahan. Na puro ngiti lang ang makikita mo sa mga mukha nila habang naglalaro sa dagat habang rumaragasa ang buhos ng ulan.
☆/☆
"Gosh. I cant believe na makakaligo ako sa ulan na ganto kasaya" nakangiting kwento ni teylie sa mga kasama niya habang pinupunasan niya ang kanyang basang buhok gamit ang kanyang kulay pink na twulya.
"Para namang sinabi mung hindi ka pa nakakaligo sa ulan teylie. Kaloka ka" pang aasar naman ni maggie sakanya.
Kaya naman napuno ulit naman ng asaran ang kanilang tinitirhan dahil roon.
Gumabi narin kasi sakanila kaya napagdesisyunan nilang tumigil na sa pagligo sa ulan. Lalo pa't ang iba sakanila ay napagod sa kakalaro at kakalangoy.
"Okay. Okay. Luto na ang pagkain guys. Masarap ito kapag bagong ligo lang sa ulan kaya tigil muna sa pag aayos" tawag ni miss lily sa mga ito kaya naman nagtigil sila at pinuntahan ang hapag para kumain.
"Wow. Infairness miss lily. Para ka na naming nanay kung umasta kahit papaano. Pero okay rin iyun dahil hindi namin mamimiss ang mga mama namin dahil sayo" papuring ibinigay ni reylie kay miss lily kaya naman namula siya dahil roon.
"Grabi ka naman reylie. P-pero salamat. Sige na kain na tayo" pagtanggap niya lang sa papuri at sinimulan narin nila ang pagkain.
Pero kahit nasa harapan sila ng pagkain ay hindi parin talaga mawawala ang kasiyahang makikita mo sakanila.
Ang mga halakhak dahil sa pamumuno ni yuki na sinasabayan ng mga kasamahan niya.
---------
Hi! Guys. Ito na. malapit na tayong pumunta sa final event ng story ko. Always keep updated guys dahil sa oras na ito gigimbalin na kayo ng mga multo.
Haha charot lang guys. But sana abangan nyo ang ud ko and subaybayan ako hanggang huli.
Next Chapter : DoppelGanger
YOU ARE READING
CELEBRITY STAR
HorrorLabing-walong mga sikat na tao. Kasama narin ang limang taong kasa kasama sa isang prodaksyon sa pelikula. Anong mangyayari sa 23 na kataong ito kung isang araw ay magising nalang sila sa isang lugar na pupwedeng makamit ang kanilang mga pangarap sa...