Someone's POV
Im here, where everythings happen.
Sa isang lugar, kung saan hindi ko makakalimutan. Isang lugar na naging dahilan para mawala ang taong mahalaga sa akin.
"You may rest in peace. BROTHER"
Sabi ko sa sarili ko ng ilagay ko ang bulaklak. Sa mga puntod.
Limang taon, ang lumipas at naging simenteryo ang HOUSE OF DEVIL.
Why? Dahil ng mabalitaan ng lahat ang krimen na nangyari dito. lahat ay nagluksa.
Nagluksa sa pagkamatay ng mga taong hinahangaan at iniidulo nila.
Hindi man nila nahuli ng mga pulisya ang kriminal. Pero pinagdarasal naman ng lahat na sana mamamatay ang taong iyun.
And syempre ganun din naman ang ginagawa ko eh.
Ang ipagdasal ang mga namatay. Pati narin ang kaisa-isa kung kapatid rito.
"HEY.... XANDER ANONG ORAS KA PABA MAGLULUKSA DIYAN? REMEMBER TUMAKAS LANG TAYO SA KLASE" Napatingin ako sa direksyon kung saan nanggaling ang malakas na sigaw.
"Tsk. Ito nanaman si Nathalia." Inis kung bulong sa sarili ko.
"ITO NA PO... PAPUNTA NA DIYAN BOSS" Sigaw kung pabalik sakanya tsaka tumayo na.
Pero bago ako tumayo ay may nakakuha ng atensyon ko.
Ewan ko, kung bakit ko iyun pinuntahan. Pero im sure na curious ako sa bagay nayun.
Nang kunin ko ang bagay na nakuha ng atensyon ko. Agad ko itong pinulot at binasa ang nakasulat sa harapan.
"Property of BETH?" Basa ko sa medyo madumi at may kalumaang notebook.
"AISH. ANO BA XANDER? TUMATAWAG NA YUNG MGA UGOK" Babasahin kuna sana yung unang pahina ng notebook.
Pero bigla kong narinig yung isa pang boses ng kaibigan ko.
"ITO NA... ITO NA" Balik ko sakanya tsaka tumakbo papunta sa direksyon kung saan nakapark ang sasakyan namin.
"Hay nako xander. Kung matagal ka papala dito hindi na sana ako sumama eh" Bungad na reklamo kaagad ni nathalia sa akin.
"Sorry. Sorry. Hindi ko lang naman kayo narinig kanina eh" Pagdadahilan ko tsaka nagbow sa harapan niya.
"Nah. Tayo na. Baka malate tayo ng sobra. Si terror pa naman ang sunod nating teacher" Sabi naman ni Harvey.
Kaya naman ng marinig namin ang sinabi niya ay agad kaming nagsikilos ni nathalia.
Pero bago ako makasakay ng kotse, may nakita akung isang lalaki na naka all black na damit.
Papunta sa simenteryo.
"Hoy.... Hoy xander? ANO BA XANDER?" Napabalik ako sa wisyo ko ng tapikin ni nathalia ang kamay ko.
"H-huh?" Nasabi ko lang.
"Ano? Sasakay ka? O iiwan ka namin dyan?" Napasakay nalang ako sa loob ng sasakyan sa tanong ni harvey.
Pero bago ko isara ang pintuan ng sasakyan ay tumingin muna ako sa paligid.
Nagbabakasakaling makita kong muli yung lalaking naka all black na damit. Pero bigla nalang siyang nawala na parang isang bula.
"I think guni-guni kulang yun" Nasabi ko sa sarili ko. Tsaka isinara na ang pintuan ng sasakyan.
Para lisanin ang simenteryo kung saan nawala ang mga taong mahahalaga sa aming. Tatlo nila, Nathalia, Harvey at Sa akin.
YOU ARE READING
CELEBRITY STAR
HorrorLabing-walong mga sikat na tao. Kasama narin ang limang taong kasa kasama sa isang prodaksyon sa pelikula. Anong mangyayari sa 23 na kataong ito kung isang araw ay magising nalang sila sa isang lugar na pupwedeng makamit ang kanilang mga pangarap sa...