Chapter 36: In Fire

9 0 0
                                    

David POV

"Maraming salamat doc.alcantara dahil sa tulong niyo ay maililigtas namin ang mga batang nasa bingit ng kamatayan ngayon" Pasasalamat ko kay doc.Alcanta at umalis narin kaagad sa hospital na iyun.

"Tawagan niyo ang ibang mga kapwa pulis natin. Pati narin ang hospital. Dahil malaking operasyon ang isasagawa natin" Utos ko sa dalawa kung kasama ng tumango sila at sumakay sa isang taxi.

Habang ako naman ay kaagad na sumakay sa kotseng dala namin.

Just wait reylie. I will save you from jake. Makikita muli kita anak.

Sammy POV

Napatingin kaming lahat kay alodia dahil sa sinabi niyang iyun.

"K-kilala mo kung sino ang taong ito huh? Alodia?" Pagtatanong ni lester sakanya.

Pero imbes na magtanong din kami kay alodia dahil sa sinabi niyang iyun. Nakuha ng atensyon namin ang ginagawa ng salarin.

"The.... THE F*CK.... A-ANO YAN HUH? G-GASOLINA BA YAN?" Murang tanong ni bryce ng makita naming nagtatapon siya ng mga gas sa mga kasamahan naming pinatay niya.

"Oh? Malaman bryce. Anong tingin mo? Ipapaamag ko kayo sa mga uod?" Sarkastiko naman niyang baling kay bryce.

Matapos niyang sabihin iyun kay bryce ay kaagad niyang tinapos ang paglalagay ng mga gasolina sa paligid.

"STOP IT. YOU MOTHERF*CKER. HUWAG MONG ITULOY YANG BINABALAK MO" Sigaw ni teylie.

"THE F*CK. SINO KA BA KASING HAYOP KA AT BAKIT MO GINAGAWA SA AMIN ITO HUH? ANO BANG GINAWA NAMAN SAYO?" Dagdag namang sigaw ni cj kay teylie.

Tawa lang ng tawa ang killer habang pinapakinggan ang mga pinagsisigaw namin.

Nagsimula na kaming makaramdam ng init ng sindihan niya na ang buong paligid.

Mabilis itong kumalat dahil puro gasolina ang nasa paligid namin. Pwera lang sa pwesto kung saan naroroon kaming siyam.

"Ano ito? Toasted people? Mas gusto ko pang mamatay ng brutal kaysa sunugin nuh" Inarte ni natheena.

"Tingin mo ba gusto din naming matusta huh?" Nagsimula namang magsagutan sila teylie at natheena dahil sa sitwasyon namin.

Habang nakatingin lang ako sa direksyon kung nasaan ang killer ay para bang may imahe na lumabas sa isip ko.

Im not totally sure. Kung ano ito pero. Parang naranasan kuna ang ganitong pangyayari noon.

"Papa. Si papa ko... Huhuhu" Napapikit ako ng sandali. Para alalahanin ko kung ano ang nangyari sa akin. Noong bata pa ako.

And i think. Alam kuna kung sino ang salarin. Kung sino ang pumapatay.

"D-do you remember him.... Sammy?" Napatingin ako kay alodia ng marinig kong tinawag niya ako.

Lester POV

"Do you remember him.... Sammy?" Napatingin ako kay alodia ng magsalita siya.

At the same time ay tumingin rin ako kay sammy ng tanungin niya ito.

Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy ni alodia. Pero tingin ko may kinalaman si sammy.

"They killed your family.... So kill them" Napatahimik sila teylie at natheena sa pagtatalo.

Pati rin sila cj,jesu at bryce ng marinig nila ang sinabi ni alodia.

CELEBRITY STARWhere stories live. Discover now