BRYCE'S POV
Lahat kami ay walang ganang kumakain dito sa hapag kainan. Matapos kasing ilibing ni sir andrew kasama si macky at argus ang bangkay ni miss lily ay para kaming lahat nawalan ng ganang kumain.
Para bang ang lakas ng impact saaming lahat ng makita namin si miss lily na duguan sa banyo. Oo aaminin ko i hate miss lily personality. Lalo pa't kapag umaakto siyang parang isang nanay saaming lahat.
I hate the way she treat us. Gayumpaman ay hindi siya nararapat na mamatay. Hindi niya deserve na mamatay sa brutal na paraan.
Paano ba naman ay ang buong ulo niya ay nakalublob sa toilet bowl habang ang mga daliri niya sa paa't kamay ay bali-baliko na. Tapos nung tanggalin ang ulo niyang nakasubsob sa bowl ay nakakasuko ang itsura niya.
Labas ang mga mata at ang ilong niya ay yupi at ang huli ay ang mga labi niya na isinulid pa.
"Lahat tayo ay mamamatay. Wala siyang ititira saating lahat..." napatingin kaming lahat sa direksyon ni alodia ng magsimula itong magsalita.
"A-alodia? M-may sinasabi ka ba?" Pagtatanong ni lydia sakanya.
Dahil nga sa katahimikan naming lahat kaya kahit bumulong si alodia ay narinig padin namin iyun. Its weird kasi kahit kailan ay hindi siya nagiging ganyan noon. Pero ngayon ko lang siyang nakitang nagbago.
"May susunod na mamamatay saatin. Makikita natin siya sa labas ng bahay..." bulong niyang muli kaya naman napatayo ang bitch saamin dahil dun.
"Oh sh*t. Ano ba yang pinagsasabi mo alodia? Baliw ka ba or what? Nakaka-T*ng ina kasi yang pinagsasabi mo eh" murang sabi ni teylie sa sinabi ni alodia.
We all know teylie and alodia are close to each other. Pero ever since na magkakasama kami sa mga commecrcial or mga palabas ay hindi pa namin nakita o narinig na minura ni teylie si alodia.
"Baliw? Oo. Naalala kuna. My mom always called me that. Para daw akung nawawalaan ng bait dahil sa mga binabalita..." napaikit nalang ako sa sunod niyang sinabi.
It looks like a nonsense to me. Pero nang tumingin ako sa mga kasama ko para namang big deal sakanila ang pinagsasabi ni alodia ngayon.
"Naaalala ku pa, lahat ng tao sa lugar namin... tinatawag nila akung Human Prophecy..." habang tinititigan ko si alodia parang tumataas ang mga balahibo ko. Lalo pa sa mga pinagsasabi niya.
☆/☆
Sumapit na ang hapon saaming lahat pero walang ni isa saamin ay naglakas na loob para lumabas.
Takot nalang nila sigurong mamatay dahil narin sa sinabi ni alodia.
"Aish. Nakakabored dito sa loob guys. Alam nyo ba yun? Bakit ba kasi tayo nagpapaniwala sa sinasabi ni alodia huh?" Reklamong tanong ni maggie saamin.
Tsk. Sila lang naman ang takot sa sinabi ni alodia eh. Dahil ako? Ito okay na okay lang nakahiga sa sahig habang naglalaro sa cellphone ko.
Tsaka ang init kaya sa labas, baka uminit lang ang ulo ko dahil sa init.
"Well, kung gusto mung mamatay maggie... free to go naman nuh." Biro ni natheena sakanya kaya naman sinamaan niya lang ito ng tingin.
Itong dalawang ito lagi nalang din nag babarahan o nang iinis sa isa't isa. Baka sa huli sila din ang magpatayan eh.
Since naboboringan na ako sa mga kasama ko ay agad nalang din ako tumayo para lumabas.
Sino bang killer ang papatay sa tanghaling tapat huh? Kung may taong gagawa man nun, i'm sure mahuhuli nila kaagad.
"Tara kevin, tambay tayo sa labas masyado ng boring dito eh. Nakakasawa ng tignan ang mukha ng taong naririto" pag aaya ko kay kevin habang pinaparinggan naman ang iba.
This is me. I don't like to interact to others lalo pa't kung alam ko namang isa pala saamin ang pumapatay diba? Sinong matinong tao ang makikisama sa mga yan.
"H-huh?" Takang turan ni kevin saakin kaya naman tinitigan ko siya ng masama dahil sa ekspresyon na pinakita niya saakin
"A-ah. S-sige" aniya habang nauutal tsaka sumunod na saakin sa paglabas.
REYLIE'S POV
Tinititigan lang naman sila kevin at bryce na lumabas ng loob ng bahay habang ang mga kasama ko namang sila jesu,ali,argus, zhin, sandy at lester ay pinagmamasdan naman ang isang letter na nakita namin sa bulsa ni miss lily kani-kanina lang.
"What do you think guys? Hidden patern niya ba ito?" Pagtatanong ni zhin saamin habang itinuturo ang papel.
May nakasulat kasi dun sa papel na nakita namin which is yung iniwan nung killer kay miss lily na may mga words na hindi namin maintindihan at meron ding naiintindihan namin.
"a beuatiful youth in greek mythology who pines away for love of his own reflection.." napatingin kaming lahat kay lydia ng basahin niya ang nakalagay sa scratch paper namin. Kung saan isinulat namin yung mga words lang na naiintindihan namin sa letter na naiwan kay miss lily.
"I-is it a coincidence guys or may gustong iparating ang killer?" Pagtatanong niya saamin habang may kinakapa siya sa kanang bulsa niya.
"Coincidence? This is not a coincidence lydia" pagsagot ni zhin sakanya pero ng nailabas na ni lydia ang phone niya ay agad niyang ipinakita ito saamin.
"Yeah. Its a coincidence zhin, because i already receive that" turan niya sa sinabi ni zhin kaya nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang nasa text message niya. Its the same with the letter as in same na same, kasi pati ang next words ay parehas dun at hindi rin namin maintindihan ang sunod.
P-paano nangyari ito? H-hindi kaya s-si... si l-lydia?... bago pa ako tumalon sa kunklusyon na nabubuo ko ay agad naman kaming nakarinig ng sigaw sa labas.
"WAAAAAHHHHH" isang sigaw ng babae na kaagad pumukaw sa atensyon namin kaya napatakbo kami sa pinanggagalingan.
"S-...s-si... si Mayer" turo ni chandel habang nanginginig na itinuturo ang bangkay ni mayer na naririto sa labas habang napapalibutan ng mga bulaklak.
"I-its narcissus flower" bigkas ni zeus na nakuha ng mga atensyon namin.
Hindi ako pamilyar sa mga uri ng bulaklak, pero alam ko naman kahit papaano ang rose at daisy flower nuh. Pero itong sinasabi ni zeus na narcissus flower ay kulay violet ang mga petals niya.
"N-narcissus? D-diba i-isa may lesson noong high school about sa mga greek mythology? Y-yung lalaking nagkagusto sa sarili niya?" Mautal-utal na tanong ni natheena saamin ng marinig niya ang narcissus.
Hay. Hindi ko alam kung ma a-out of place ba ako dito or ano? Okay fine. Isa akung anak ng imbestigador at nakuha ko ang ugali ng papa ko pero like duh. Hindi ako mabuting estudyante nung high school nuh. Kung hindi ko nga lang nakilala sila chandel at sandy noon baka bagsak ang mga grades ko.
"Yeah. And mayer is something like narcissus. Mahangin si mayer na ipinagmamalaki na isa siyang anak ng marangyang pamilya at dahil din dun ay pinanganak siyang gwapo, maraming naiinis sakanya dahil sa pagiging mahangin niya hanggang ngayon." Nakinig lang kami kay zeus habang kinukwento niya ang mga nalalaman niya tungkol kay mayer.
Hindi ko man gustuhin ang mga taong kasama ko ngayon, pero hindi ko naman gugustuhin na mamatay silang lahat. I have to do something, kailangan kung kumilos para maaksyunan ang mga nangyayari saamin ngayon at maitigil na ito.
Habang nagdidiskusyon kami rito sa labas lahat ay siya namang rinig namin sa pagtawa nila kevin at bryce, kaya lahat kami ay tumingin sakanilang direksyon habang sila ay napatigil sa pagtawa at paglalakad na nakakunot ang noo.
"What?" Sabay nilang tanong na ikinagulat naming lahat ang isang bagay na hawak hawak nila.
"N-narcissus flower"
YOU ARE READING
CELEBRITY STAR
HorrorLabing-walong mga sikat na tao. Kasama narin ang limang taong kasa kasama sa isang prodaksyon sa pelikula. Anong mangyayari sa 23 na kataong ito kung isang araw ay magising nalang sila sa isang lugar na pupwedeng makamit ang kanilang mga pangarap sa...