CJ'S POV
Nagulat kaming lahat sa sinabi ni bryce. Oo they both have the same surname. Lazaro. But we didn't think na magkapatid sila.
Dahil ang layo ng mukha nila sa isa't isa. Kaya kahit saang anggulo mo titignan ay wala silang pagkakaparehos. Pwera lang sa parehas sila sa kulay ng balat.
"K-kuya top. P-please huwag mong palalain ang sitwasyon ngayon please" pamamakaawa ni yuki kay bryce.
Walang ni isa sa amin ang gustong magsalita. Kasi sino bang gustong magsalita na may gantong rebelasyong mangyayari. Tsaka isa pa bawal ang magkapatid sa entertainment namin.
"No yuki. Ilang beses na kitang binalewala. Pero ngayon hindi ko gagawin yun. Kahit hindi tayo magkapatid na buo. Kahit iba ang nanay natin kapatid parin kita. Kaya hindi kita pababayaan" depensa lang ni bryce sa sinabi ni yuki.
Habang abala silang dalawa sa pag uusap. Hindi ko naman maialis ang tingin ko sa direksyon ng dinaanan namin.
"Sibling-bond. He will take a revenge for his brother. And other will perish. Like how andy and samantha died" napatingin kami ng marinig ulit namin ang creepy voice ni alodia.
Nakakapanibago kasi ang alam lang namin na isang palangiti at nakakagiliw na kasama si alodia. Not like reylie chandel and sandy. Kasi kakaiba siya sa tatlong iyun.
Pero behind her personality. This is alodia's true color. Laking pagbabago ang nangyayar sa amin dahil dito.
"Okay. I don't believe to those b*llsh*tness ni alodia nung una guys. Pero i think tuwing magsasalita siya may nangyayaring masama sa atin" mahulugang sabi ni teylie sa amin.
Ganun din ang iniisip ko simula palang. Kasi nung simula ng mamatay si miss lily. Alodia become like this. At sa oras na may sasabihib siya may masamang nangyayari.
Dahil sa sinabi ni alodia at teylie. Napatingin kami sa apat na nakadistansya sa amin.
Pero huli na ng may sasabihin ako para sakanilang apat. Dahil kumislap na bagay ang lumilipad papunta sakanila.
"B-buwah" napasigaw ang karamihan sa amin. Nang may tumalsik na dugo sa mukha ni bryce.
Dugo na galing sa bibig mismo ng taong kaharap niya ngayon. Ang taong gusto niyang protektahan para sa amin.
Ang taong kaisa-isang gusto niyang iligtas sa mala impyernong lugar na ito.
"Y-yuki?... hihi... y-yuki k-ketchup lang yang nasa bibig mo diba? T-tama si k-kuya diba? M-mahilig ka pa naman sa k-ketchup diba?" Napatungo kami dahil sa nakikita namin ngayon.
First time lang namin makita si bryce na umiyak. Kasi sa lahat ng nandito si bryce at macky ang blacksheep.
"M-mahal...k-kita k-kuya top. T-tanda... an mo yan" napaluhod si bryce nang mawalan na ng malay si yuki.
Iyak siya ng iyak na parang walang bukas. Hindi namin siya masisisi dahil kahit anong gawin namin ay kapatid niya yan. Kadugo niya.
"Y-YYYUUUKKKIIII" malakas niyang sigaw na kasabay rin ng malakas na buhos ng ulan.
Walang ni isa ang gustong gumalaw dahil sa nakikita namin. Siguro kung hindi namin siya pinagdudahan ay maililigtas pa sana namin siya.
Natheena's Pov
Napaiyak ako ng wala sa oras ng makita namin si yuki na walang malay. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng guilt at pagsisisi dahil roon.
Dahil sa akin namatay ang kapatid niya. Dahil sa sinabi kung iyun ay meron nanamang nawala sa amin. P-pero... pero gusto ko silang iligtas.
Hindi ba tama ang ginawa ko? Kasi nawala na si.... hindi mali ang nagawa ko. Maling mali.
"I-IKAAAAAWWWW" nawala ako sa pag iisip ko ng marinig kung sumigaw si bryce. Kaya napatingin ako sakanya.
"D-dahil sa kasinungalingan mo namatay ang kapatid ko. Halimaw ka" napapikit ako ng bigla siyang sumugod sa direksyon ko.
Pero ilang minuto lang din ng wala akung maramdamang kamay sa leeg ko. Kaya agad ko itong idinilat at tinignan ang nangyayari.
"BRYCE. CALM DOWN ANO BA? HINDI NAKAKATULONG ANG MAGWALA" sigaw nila jesu sakanya. Pero todo pagpipiglas ang ginagawa ni bryce sakanila.
"WALANG MAITUTULONG? HAYOP KA BA? DAHIL SA HALIMAW NA YAN NAMATAY ANG KAISA-ISA KUNG KAPATID.... BITAWAN NYO AKO PAPATAYIN KO SIYA" napaurong lang ako dito sa kinauupuan ko ng magtagpo ang mga mata namin.
Yung matang galit na galit. Matang gustong pumatay ang nakikita ko sakanya.
"H-hindi... hindi ko naman sinasadya eh. T-tsaka... tsaka aksidente ang nangyari. Walang may gusto sa nangyari kay yuki" napapikit ako sa sinabi ko.
Hindi ko alam pero ngayon parang ang labi ko ang gumagana at hindi ang utak ko. Dahil kung anu-ano ang pinagsasabi ko sakanya.
"T-tsaka kung hindi mo sila pinrotektahan edi hindi sana mauuwi sa ganto diba?" Napatingin ang lahat sa akin dahil sa sinabi kung iyun.
"HALIMAW KAAAAA" napatayo ako ng bigla akung hilahin ni maggie patayo.
"Huwag mo ng galitin pa lalo. Kailangan nating umalis. Dahil baka mapano kapa. Tara" tumingin ulit kay bryce na nanggagalaiti sa galit. Tsaka sa mga lalaki naming kasama.
"TARA NA MAGGIE AT NATHEENA. KAHIT MARAMI SILA HINDI NILA KAKAYANIN SI BRYCE KAPAG GALIT YAN. TARA NA" tumango nalang kami sa sinabi ni teylie.
Apa lang kaming magkakasama. Dahil si reylie at beth ay naiwan sa mga iyun. Si beth na wala pang malay at bibabantayan siya nila lester at reylie.
Beth's Pov
"ANO BA? SABI KASING BITAWAN NIYO AKO. IPAGHIHIGANTI KO PA ANG KAPATID KO" nakarinig ako ng mga sigawan sa paligid ko.
Kaya unti-unti kung idinilat ang mga mata ko. Sa una malabo kasi ilang oras ata akung walang malay.
Pero nung nagtagal ay unti-unti rin siyang lumiwanag.
"N-nasan tayo guys? Ligtas na ba tayo sakanila?" Pagtatanong ko ng magkamalay na ako.
Pero tumingin lang ako sakanila ng tignan din nila ako. Ano? Ngayon lang ba sila nakakita ng bagong gising?
"S-sakanila? Teka beth a-alam mo ba ang nangyayari sa atin ngayon?" Napadako yung tingin ko sa katabi kung si reylie ngayon.
Lahat kami basang basa dahil narin sa malakas na ulan.
"H-hindi masyado.." magsasalita pa sana ako ng bigla nilang putulin yung sasabihin ko.
"Edi paano mo naman nasabing sakanila? Paano mo nalaman na hindi lang si sir andrew ang pumapatay?" Pagtatanong nila kaya naman napatahimik ako dahil dun. Tsaka inalala kung paano ako nawalan ng malay.
M-may naginject sa akin. Tama. May syringe ang isa sa amin. Babae siya.
"N-nasan si...."
YOU ARE READING
CELEBRITY STAR
УжасыLabing-walong mga sikat na tao. Kasama narin ang limang taong kasa kasama sa isang prodaksyon sa pelikula. Anong mangyayari sa 23 na kataong ito kung isang araw ay magising nalang sila sa isang lugar na pupwedeng makamit ang kanilang mga pangarap sa...