Chapter 10 - Long Weekend (Part 4)

2.2K 44 0
                                    

Aia's POV

Pagkagising ko kinaumagahan ay maayos na ang pakiramdam ko. Di ko na rin naabutan na katabi ko si RD.

*knock-knock*

"Aiammy, bumaba ka na dito. Okay na yung breakfast!" nakita ko si RD nakasilip dun sa may pinto.

"Sige, susunod na ako." 5:30 am pa lang. I'm not a morning person pero once na may lakad, lagi akong maagang nagigising. Ginawa ko na muna yung morning rituals ko bago pumunta sa baba.

Palabas na ako ng banyo ng marinig ko si Manang Lucia.

"Jusmiyo!" si Manang na nakatakip pa ang bibig ng kanyang kamay at may tinitignan.

"Manang, ano po ba yun?" sinundan ko naman ng tingin yung tinitignan niya at---

"Manang, pasensya na po, di ko napansin!" may tagos ako dun sa kama!!! Puti pa naman yung bed sheet.

"Aia, di ka na bumaba!" bigla namang pumasok si RD sa kwarto. "Anong nangyari ba---"

"Ang akala ko ba eh walang namamagitan sa inyo ng dalagang ito, ano yang nasa punda ng kama ninyo?" napatingin ako kay RD. Ano ba sinasabi ni manang?

"Tsk... Manang, si Aia, may mens kaya nagkatagos! It's not what you think!" ano ba iniisip ni manang?

O my ghadd!!!

Iniisip ni manang na may nangyari sa amin ni RD?  waaaah!

"Hindi po namin ginawa yun!" nakapout pa ako nung sinabi ko yun dun sa matanda.

"Hay sus! Marie! Marie!

Pumasok naman si Marie.

"Ano po yun?"

"Linisin mo itong kwarto!... Sige na bumaba na kayo at ng makakain na kayo!"

Pagkasabi nun ni manang lumapit na ako kay RD na minamasahe ang nose bridge niya! Nauna naman siyang bumaba sa akin papuntang kusina. Tahimik lang kaming kumain, walang kumikibo!

After nun, nag-gayak na kami para sa pagpasyal.

----

"Zipline tayo!!!" hinawakan ko yung kamay ni RD at hinila siya para makarating kami dun sa mga nag-ooperate ng zipline.

Tahimik pa rin siya. Di niya ako pinapansin! Hayy.. daig pa ako nito eh! Mas madalas pa siyang PMS!

Kung saan-saan pa kami pumunta. Good thing wala pa sila Angeline!  Nung lunch nag-drive thru na lang muna kami. Tapos namili kami ng mga buco pie pang pasalubong sa Manila at kila daddy. I-ref ko na lang daw para di masira.

Mayamaya, nag-txt na si Angeline kay RD na i-meet na lang daw namin sila sa may hotel na tinuluyan nila, at sabayan na daw namin silang mag-lunch dun. Tamang-tama kasi gutom pa ako! hehe...

Napagpasiyahan na mga bandang 5pm na kami sumakay sa pinaka-aabangan kong ferris wheel para daw di na mainit. Di pa rin ako kinakausap ni RD! Maghapon na yung topak niya! Malala!!!

Malapit na kami dun sa venue nung pinaka-amusement park nung kinausap ko na siya.

"RDelicious"

"Huy RD! Pansinin mo naman ako!"

"Renz Damian!"

Pero ayaw niya talaga akong pansinin! Ano ba problema niya! Suplado! Kahit si Angeline di niya masyado kinakausap! Well parehas sila. Siguro about yun sa nangyari kahapon!

Make You Feel My LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon