Chapter 39 - Lolo Mateo's love life

1.7K 35 0
                                    

Aia's POV

Pagdating ng gabi, pumunta na kami sa bahay ng lolo niya. First time ko lang dito kaya naman na-amaze ako sa mansion nila. Maganda din naman yung amin ang pinagka-iba lang may pagka-mediterranean style yung bahay nila.

"Apo!" napalingon kaming parehas ni RD sa nagsalita. Si Lolo Mateo! Parang pinatandang version lang ni Tito Lorenz ah! Gwapo din siya. Ganito din kaya si RD pagtanda niya?

"Lolo!" aakap sana sa kanya si RD pero pinigil niya yung apo niya.

"Nakalimutan mo na! Dapat, Lolo Yow ang tawag mo sa akin!" hanu daw??? Ang cool! hehe

"Lolo naman eh!" tinapik lang ni Lolo Mateo yung braso ni RD at binaling naman ang tingin sa akin.

"Eto na ba yung anak ni Arthur, aba'y pagkaganda-ganda pala ah!" nag-blush naman ako sa sinabi niya. hihi

"Siya po si Aia, 'lo. Siya yung kasabay ko lagi noon na pumapasok sa school."

"Ah oo natatandaan ko! Tara pasok na tayo sa loob at baka hinahanap na ako ng napakaganda kong nobya!" umiling lang si RD at sumunod na kami sa lolo niya.

Pagpasok sa loob, ang daming bisita. Sila dun yung naabutan namin kanina ni RD sa bahay nila. Eh dahil sa may pagkasuplado si RD, nagkulong lang kami kanina sa kwarto niya at naglaro lang siya ng xbox niya.

"Baby Mateo!!!" halos gusto kong tumawa ng malakas ng marinig ko yung endearment nila lolo at Lola Therese. Baby daw! Seriously? Daig pa kami ni RD ah! hahahahaha...

Infairness ang sexy niya ah? She's wearing a cocktail dress na litaw ang ehem... cleavage niya. Inggit naman daw ako! Kasi naman naka color navy blue cocktail dress ngayon. Di ako masyadong prepare kasi nga di naman ako sanay sa ganito di ba?

"Cupcake! Come here!" C-cupcake?

Aba'y matinde! haha

"Si lolo kahit kailan!" narinig kong bulong ni RD. Tinignan ko lang siya ng masama at binalik ko ulit yung atensyon ko dun sa dalawang matanda. Ang sweet!

"Punta muna tayo kila mommy." itinuro niya yung pwesto nila Tita Diane kaya sumunod lang ako.

"Iha! Papunta na daw dito yung daddy mo. Galing pala siyang Davao niyan ano?" si Tita Diane.

"Ah opo. Binisita po niya yung isang branch namin dun, nagkaproblema po yata kasi pero okay na daw po!"

"Mabuti naman kung ganun! Kamusta naman ang pag-aaral? Si RD kamusta? Good boy ba?" si Tito Lorenz. Si RD? Eto malantong pa rin!

"Okay naman po tito! Si RD ayos pa rin po, makulit!" nag-tsk lang siya. Nagsimula na kaming kumain at tuloy-tuloy lang ang program hanggang sa...

Nag-propose si Lola Mateo kay Lola Therese! Aww...

Syempre nag-yes kaagad si Lola! Walang humpay na palakpakan ang ginawa naming lahat. Napaakap na lang ako kay RD na napansin kong masaya din naman para sa lolo niya.

Mayamaya pa nagulat ang lahat ng may pastor na dumating at--- ikinasal sila! Wow, ang bilis!

"You may now kiss the bride!" at hindi lang basta smack ang ginawa nila, torrid 'dre! Hiyawan tuloy yung mga tao. Grabe! Love is in the air talaga! At napatunayan ko yun ng hilahin ako ni RD palabas ng mansyon at dinala niya ako sa garden nun.

"What are we doing here? Baka hanapin tayo sa loob." hindi na sumagot si RD. Basta na lang ako hinila at hinalikan.

A kiss that full of love!

Make You Feel My LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon