RD's POV
Pagdating namin sa Pilipinas, back to normal na naman ang lahat. Si Aia ganun pa rin, makulit pa rin as usual!
Nasa kwarto lang ako ngayon at busy mag-aral. Syempre kahit bakasyon dapat nag-aaral pa rin para sa pasukan may konti na akong alam sa pag-aaralan namin. Nag-check muna ako sandali ng e-mail ko pero sa hindi sinasadyang pagkakataon may nakita akong headline sa business section ng isang site.
The Heir and the Heiress spotted dating in Korea!
Ayon sa balita, ang mga anak ng dalawang pinakamalaking business tycoon sa buong Southeast Asia ay nakitang nag-de-date sa isa sa mga tourist spot sa Korea. Wala silang nilagay na pangalan, pero may picture.
Picture namin ni Aia sa Gwanggalli. Ito yung inakap ko siya.
Mabilis ko in-unplug yung laptop ko sa pagkaka-charge niya at bumaba papunta sa office ni dad. Pinakita ko sa kanya yun at maging siya ay nagulat. Pero sabi niya baka isa na daw yun sa mga way para magka-idea na ang mga tao tungkol sa nalalapit na engagement namin.
Pero paano si Aia? Ang alam ng tao si Luigi ang boyfriend niya.
Maya't-maya nakakatanggap ng tawag si dad galing sa mga CEO ng ibang kumpanya. Yung iba nagko-congratulate, yung iba naman nagtataka at nagtatanung, bakit ako ang kasama ng anak ni Mr. Mendoza kung si Luigi ang boyfriend.
Kahit sobrang bad trip, napagpasyahan ko na puntahan na lang muna si Aia sa kanila.
"Dad, puntahan ko lang po si Aia."
palabas na ako ng office niya.
"Sure son. Sasabihan ko na rin ang mom mo na ayusin ang lahat." napalingon ako kay daddy nung sabihin niya iyon.
"What do you mean dad?"
"She planned all things between Aia and Luigi. Yun nga lang, ang unico hijo ko di pa rin nagko-confess!" lumapit si daddy sa akin at ginulo ang buhok ko.
"What?" naguguluhan kong tanong sa kanya.
"Pinaligawan ni mommy mo si Aia kay Luigi to make you jealous. We all know that Aia has been head over heels to Luigi during your high school days. Kaya ng umuwi siya dito, hindi na nag-atubili ang mom mo na kausapin si Luigi na ligawan at pasagutin kaagad si Aia."
"Dad, I can't believe this! They played Aia's feeling!"
"Ofcourse not son! Aia's never been inlove with him, sa'yo lang anak!" dad pat my shoulder, "I know you love her too. Go ahead son. Don't just tell her about the rumor. Tell her also how much you love her! You're single after all!"
"I-I do love her...but dad, you think this is the right time to tell it to her?"
"Ofcourse son! Puntahan mo na siya! Kung iniisip mo anak na sinasabi ko ito dahil lang sa business natin, well hindi. I did this, we actually did this for your happiness" and with that, I ran as fast as I can palabas ng bahay. Malapit lang naman ang bahay nila Aia dito.
---
Aia's POV
Wala akong ibang magawa dito sa bahay kundi mag-tumbling! Joke!
Nandito ako ngayon sa kitchen at busy mag-bake ng cookies. Iba't-ibang shape ng cookies! Gumawa pa nga ako ng iba't-ibang letters eh! Dun sa isang tray ang nakalagay AIA ♥ RD
Ang cute noh? hehe
*ding-dong-ding-dong*
Nakita ko yung isang katulong na nagmamadaling buksan yung pinto ng bahay pero pinigil ko at sinabihang ako na lang ang magbubukas.
![](https://img.wattpad.com/cover/11459437-288-k18923.jpg)
BINABASA MO ANG
Make You Feel My LOVE
Roman pour AdolescentsIf you love a stranger, be friends. If you love your friend, be best friends. If you love your best friend, tell him. Pero paano kung si bestfriend may love ng iba? Paano ka? This story will show us how BESTFRIENDS turns into LOVERS... How she figh...