Chapter 14 - Lullaby

2.1K 47 0
                                    

Dumaan muna ako sa locker room para kunin yung mga gamit ko.

"Hinintay kita kaninang lunch Aia Zyln Mendoza!" napalingon ako sa nagsalita at nakita ko naman si RD.

Eeh?? Binuo ang pangalan ko, galit ba siya?

"RDelicious, pasensya na niyaya kasi ako kanina ni Luigi eh!" medyo napayuko pa ako.

"tss.. di ka man lang nag-txt, ang tagal kong naghintay sa'yo dun sa labas."

"Sorry na!" pero umiling lang siya at lumabas na ng locker room.

Napapansin ko, nitong mga huling araw nagiging bugnutin si RD? hmmph.. bayaan ko na nga!

Halos puro 'points to review' lang ang naging topic namin nung hapon, saktong 5pm naman nung pauwiin kami. Di ko na hinintay si RD since wala naman ata siya sa mood ngayon. Mag-take-out na lang ako ng pizza as peace offering sa kanya. Dumaan muna ulit ako sa mall at doon ako sa restaurant nila Luigi bumili.

Pagdating ko sa bahay, naglinis muna ako at nagluto ng dinner namin mamaya ni RD. Asawa lang ang peg? hehe... Mga 6:20pm dumating na siya.

"RDelicious, kain ka oh, nag-take-out ako ng pizza." natingin naman siya sa akin at syaka dun sa dala kong box.

"Ano yan bribe?"

"Tss, bribe kaagad? Di ba pwedeng peace offering muna?"

tumawa lang siya at lumapit sa akin, pero imbis na kunin yung pizza sa kamay ko, hinawakan niya yung mukha ko, at parang sinusuri ako. Ano ito? Iki-kiss niya rin ako? National Kiss Day ba?

"B-bakit?"

"W-wala, hmm.. tara na kain na tayo." finally, kinuha na rin niya yung hawak ko, at inakbayan niya ako papunta sa kitchen.

"Aiammy, okay ka lang ba nitong mga nakakaraang araw?"

"Ha? Oo naman! Why?" bakit kaya niya natanong? Pero di naman siya sumagot.

"Masarap ba yung pizza? pag-iiba ko ng usapan. Sa restaurant nila Luigi ko binili yan!"

"K." K. Suplado mode on na naman siya.

After namin kumain, nilinis ko muna yung pinagkainan namin. Sabi niya itabi ko na lang daw sa ref yung niluto kong pang-dinner namin kasi busog na daw siya, na okay lang din naman sa akin.

After ko dun, lumabas ako ng bahay para magpahangin. Medyo mainit kasi. Umupo ako sa may damuhan sa garden, at nagbasa muna ng wattpad sa phone ko. Mayamaya naramdaman ko na nasa likuran ko pala si RD.

"Oh, anong ginagawa mo dyan?"

"Ikaw nga dapat tinatanung ko eh, bakit nasa labas ka pa? Mahamugan ka dyan."

"Ang init kasi sa loob."

"Di ka magkulong sa kwarto mo, buksan mo yung aircon."

"Sayang kuryente!"

"tss.." tumabi na rin siya sa akin. Di ko na muna siya pinansin kasi busy ako sa pagbabasa ng wattpad, hehe... "Aiammy.."

"…" ako. Hehe

"Aia.."

"…"

"Aia Zyln!!!"

"…"

"Aia, Ako na nagsosorry sa ginawa sa'yo ni Angeline kahapon!" bigla naman akong napalingon sa kanya.

Make You Feel My LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon