Chapter 29 - Daddy's Girl

2.1K 43 0
                                    

RD's POV

Last stop namin ni Aia dito sa Korea ang Gwanggalli. Bukas na ang uwi namin, pero bago yun, family bonding muna, meaning makakasama ko sila mommy at daddy si Aia naman si Tito Arthur.

Parang baliw si Aia dito sa loob ng cable car. Pinipilit na hindi daw niya sinabi yung tungkol kagabi. Ang likot niya dito sa loob. Gumagalaw nga itong cable car eh!

"Tsk, Aiammy ang likot mo, ayt!"

"Eh kasi hindi ko nga sinabi 'yun!"

"Sinabi mo okay! Rinig ng dalawa kong tainga, kaya wag-ka-ng-makulit-okay!" hiniwakan ko siya sa ilong at iginalaw kabilaan yung mukha niya habang nagsasalita.

"Eh, aww... RDelicious! Nananaginip ka lang nun!" hinawakan pa niya yung braso ko at iniharap ako sa kanya. "Di ko nga sinabi 'yun!!!"

"Okay, okay! Di mo na nga sinabi, di mo sinabi yung 'RDelicious, I love you'! ang kulit mo na ang likot mo pa!" umayos naman siya ng upo niya naghalukipkip sa isang tabi?

"Sinabi ko nga ata yun!"

hayy... naku!

---

Aia's POV

Pagdating namin sa Gwanggalli namasyal lang kami ni RD. Pero ang awkward! Naman kasi eeeeh!!!

NAKAKAHIYA!!!!

Maghahanap ako ng gamot sa sakit ko!

Ano nga ba sakit ko???

Sleep talking, sakit ba yun? -___-

Binili ako ni RD sa ice cream kahit di ko sinasabi. Nubeyen?! Nikikilig tuloy ako! hihihi....

"Aia, bakit di na yata sumusulpot yung boyfriend mo?"

"Si toot-toot?"

"toot-toot?"

"Oo, toot-toot... Ayaw mo marinig name niya di ba? Kaya ayun, toot-toot ang tawag ko sa kanya. Mahirap na baka sumpungin ka na naman ng pagka-bipolar mo!"

"Hahahahaha"

"Eh? Problema mo?"

"Tara nga dito!" hinila niya ako palapit sa kanya. Nagulat ako kasi bigla niya akong yinakap. Buti nga naiwas ko kaagad yung hawak ko na ice cream eh!

~lub-dub-lub-dub~

Heartbeat ko ba yun o kay RD?

"RDelicious?..." di pa rin niya ako pinapakawalan. "uy, yung ice cream ko matutunaw!"

"Ay, sorry! Tara, punta pa tayo dun!" hinila na niya ako papunta kung saan sa loob ng Gwanggalli. Pero bago kami makalayo, lumingon ako. Kasi parang may sumusunod sa amin.

---

Mabilis lumipas yung maghapon. Nandito kami ngayon sa isang fine dining restaurant kasama ang family namin ofcourse. Tapos na rin yung conference. Naging successful naman daw at for sure, kahit sa mga newspaper sa Pilipinas mababalita yun.

"Kamusta naman ang pamamasyal niyo iha. I hoped you enjoyed your vacation here!" si Tita Diane. Katabi ko lang siya sa table.

"Syempre naman po tita! Sobrang saya! Di ba RDelicious?" tumango naman si RD kaya napangiti naman yung tatlong matanda.

"I heard, nandito rin daw yung anak ni Mr. Martin, you're boyfriend, nasaan na siya?"

"Ah, si Lu---"

Make You Feel My LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon