Chapter 33 - Honey

2.1K 50 0
                                    

Aia's POV

Nakakatamad talaga dito sa bahay. Ang tagal naman kasing magpasukan!

Nandito ako ngayon sa kusina, pinapanuod magluto 'yung cook namin. Kinukulit, kinakausap ang kaso ang tipid naman magsalita.

"Ate, bakit ang sarap mo magluto? Siguro tinuruan ka ni Chef Boy Logro 'noh? In-enroll ka ba dun ni dad ha?"

"Hehe, di po!" - Yung cook namin.

"Woooh, may gusto pa po ako sa niluluto niyo eh, 'yung sa manok dati, ano yun, pina-split na manok? Basta 'yun! Ang sarap po nun.."

"Hehe, pina-upo po 'yun ma'am!"

-_____-

"Ah, okay! Pinaupo pala 'yun! hehe"

Umalis na ako dun sa kusina. Pumunta naman ako sa garden, nakita ko naman dun yung hardinero namin at inaayos 'yung pagkakatanim ng mga bulaklak.

Nilapitan ko si manong at nakiupo sa tabi niya.

"Naku, ma'am baka madumihan po kayo dito. Dun po kayo sa bench, sa may silong po."

"Ha? manong, dito na lang muna po ako. Tignan ko po ginagawa niyo."

"Naku, eh bahala po kayo." pinanuod ko si manong na bubungkalin niya 'yung lupa, tapos ilalagay na niya 'yung mga itinatanim niya na mga halaman. May naalala tuloy ako na pinag-aralan namin 'nun sa Science nung elementary.

"Manong, alam niyo ba 'yung photosynthesis?" pero di kumibo si manong. "Photosynthesis is a process by which chloropyll - containing cells in green plants use the energy of light to synthesize carbohydrates from carbon dioxide." tinignan ko si manong, nagkamot lang ng ulo. "Ang lalim po 'noh? Process din po 'yun ng paggawa ng mga halaman ng sarili nilang pagkain, nagugutom din po kasi sila eh! hehe" nakitawa lang sa akin si manong. "Ay manong, patingin po ng daliri niyo!!!"

"Naku ma'am bakit po?" medyo lumayo pa sa akin si manong.

"Basta patingin po! Akin na po--"

"Aiammy!" napalingon naman ako sa nagsalita. Sino pa ba tumatawag sa akin niyan? Ayaw na naman niya akong tawaging 'honey'!

"Honey!" tumayo naman ako sa pagkakaupo ko. Sakto naman na lumapit siya sa akin. "Hello! Napasyal ka?"

"Tsk.. dinadalaw ko 'yung girlfriend ko!" nagpamulsa siya tapos tumingin kay manong. "kinukulit mo si manong? Paano sila matatapos diyan, eh kinukulit mo!"

"Hindi ko siya kinukulit ah? Gusto ko lang makita yung kamay ni manong!"

"Ha? Bakit naman?"

"Titignan ko lang kung ano kulay nung thumb niya. Ang galing kasi tignan mo ang ganda ng garden namin. Baka green nga yung thumb niya!"

--

Tumambay lang kami ni RD sa sala at nanuod ng t.v.

"Aiammy, pasyal tayo ngayon."

"Sige! Kasama ba natin sila tita?"

"Tayo lang dalawa."

"Ah, okay! hehe.."

Mayamaya, tinawag na kami para sa lunch. Nagluto pala si manang ng kaldereta. Kumain lang kami ni RD.

"Gumayak ka na after nating kumain, alis na tayo."

"Nagmamadali ka naman!"

"tss.."

Make You Feel My LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon