Chapter 50 - Just Married ♥

2.7K 48 5
  • Dedicated kay RDelicious ko in real life! :D
                                    

Aia's POV

"Honey, okay na ba lahat ng dadalin natin?" tanong ko kay RD na abalang nag-i-empake ng mga gamit namin na dadalin papunta sa Canada. Mamaya ang alis namin gamit ang private jet nila.

"Yeah. Mga personal na gamit ko na lang ito. Kindly get your toiletries para masabay ko dito." sinunod ko na lang siya at naglakad na papunta sa bathroom.

Napangiti ako ng maalala ko yung nangyari kanina sa kasal namin. The happiest moment in my life! Kumpleto ang lahat. Mula sa mga kamag-anakan namin mula sa side nila daddy at mommy sa Canada, ganun din yung mga kamag-anak ni RD. 'Yung mga kaibigan ko at mga empleyado present din.

Pagdating sa reception, game na game sila sa mga palaro ng MC tapos sobrang excited pa 'yung mga abay ko sa pagsapo ng bulaklak ko. At syempre, sino pa ang nakasapo, walang iba kundi si Kat. Salamat naman nang makasal na sila ni Carlo.

"Hon, tumawag na si daddy nasa ibaba na daw ang driver na magdadala sa atin sa helipad."

"Sige sunod na ako." pinagkukuha ko na 'yung mga toiletries ko at lumabas na ng banyo.

Sa Canada ang honeymoon naming dalawa, courtesy of my grandparents. Tuwang-tuwa naman ang RD kasi 'yun daw ang sinabi niya sa akin nun nung time na umalis ako at pumunta kila LolaMom na doon kami magha-honeymoon na dalawa.

"Hon!"

"Andyan na!"

----

Ilang oras na ang nakakaraan mula ng mag-take-off itong private jet na sinasakyan namin. Si RD pagkasakay pa lang namin natulog na kaagad dito sa tabi ko. Alam ko naman na aside sa naging preparation sa kasal, napagod din siya sa pag-aasikaso niya sa advance study niya. Nag-file kasi ako ng 2 months leave at ganun din siya.

Nilingon ko si RD na himbing na natutulog sa tabi ko. Sinong mag-aakala na yung lalaki na dati lang eh house mate ko, kaasaran ko, bestfriend ko eh ngayon asawa ko na.

Mrs. Lopez na ako!!!

"Enjoying the view hon?" napaurong ako sa kinauupuan ko ng bigla siyang dumilat. At dahil kahit bagong gising gwapo siya, umakap ako sa leeg niya.

"I love you, I love you, I love you!"

"Hey, hon easy! Nakasumpong ka na naman. pfft!"

"Ewan ko sa'yo! Naglalambing nga ako eh!" humalukipkip na lang ako at itinuon yung pansin ko sa bintana. Kahit kailan talaga!

Make You Feel My LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon