Aia's POV
I HATE YOU RENZ DAMIAN LOPEZ!!!
Daig pa niya ang may monthly period! waaah grabe!!!
9am na pero di pa rin ako lumalabas ng kwarto ko. Ayaw ko siyang makita! Bad trip eh!
Tinawagan ko kagabi si Kat, sa kanya ako nagsabi ng asar ko kay RD at ang tangi lang niyang nasabi eh...
"Inlove lang kayo sa isa't-isa kaya may lovers quarrel kayo!"
Baliw!
Nag-online lang muna ako. Mga ilang minuto na akong online ng biglang may nag-message sa akin sa yahoo ko.
Everything is well planned.
So be wise in making your decisions. Isang maling desisyon mo lang Aia Zyln Mendoza, mawawala lahat ng meron ka ngayon.
Anonymous si sender. Pinagkibit balikat ko lang, baka may topak! Ano ba meron kami ngayon? Eh kahit mayaman naman kami di ko feel! hehe.. ang simple lang kaya ng life ko! Di po kasi ako spoiled!
Mga 10am, kumulo na yung tyan ko sa gutom. Kaya no choice, kailangan ko na talagang bumaba para kumain.
Sala? clear.
Kitchen? clear.
Iba pang parte ng bahay, except sa kwarto niya, clear! Wala dun si RD. hehehe..
Pagdating ko sa kitchen, walang lutong pagkain. Okay, ala nga namang maghanap ako eh di ko naman katulong sa bahay si RD di ba?
Nag-prito lang ako ng egg and ham syaka pinalaman sa white bread. Hayysh.. paubos na ang stock namin, kailangan nang mag-grocery ulit!
After kong kumain, bumalik ulit ako sa kwarto para mag-shower. Ni-lock ko yung pinto at sinimulan ko ng alisin yung t-shirt ko ng bigla kong makita si RD na bumabangon sa pagkakahiga galing sa may gilid ng kama ko.
Eh? Anong ginagawa niya dun sa carpet?
"Bakit nandyan ka?"
"Natulog! Di ba obvious?"
"Ano? Eh di naman kita nakita kanina ah!?"
"Eh kasi nga dito ako natulog sa may carpet!"
"Eh bakit ka dyan sa carpet? Bakit di ka sa kama natulog!?"
"Tumatabi ako sa'yo kagabi kaso sa galit mo pa rin yata sa akin, tinulak mo ako, at yun nga nahulog ako. Sa antok ko, di ko na nagawang bumalik pa sa tabi mo, likot mong matulog eh!"
"Bakit ba--"
"Mamaya ka na nga magtanong, maligo ka na muna. Kanina pa naka-expose sa akin yang pink bra mo!"
Waaaaaah!!!!
---
Nagbabasa ako ngayon ng mga books ko sa accounting dito sa may garden. You know naman finals na namin bukas.
"Wan't some help sa pag-rereview?" nadako ang tingin ko sa may gate, at nakita ko si Jake. Tumayo ako para pagbuksan siya. May inabot siyang isang boquet ng red rose.
"For you Aia."
"Thanks!"
"Samahan na kitang mag-review. Dala ko rin yung mga gamit ko."
"Ahehe, okay!"
Pinagpatuloy lang namin yung nire-review namin ni Jake. Tinext ko rin sa Kat na pumunta dito para maki-join. After 1 hour may nag-doorbell. Ang akala ko nga eh si Kat na, kaya dali-dali kong pinagbuksan, pero si Luigi pala.
"Hi sweetie!" tapos ni-kiss niya ako sa cheeks. Medyo nag-blush pa nga yata ako.
"Pasok ka," inabutan niya ako ng isang box ng pizza na galing sa restaurant nila at ng ice cream. "thanks dito ah!"
"You're welcome.. o may iba ka pa palang bisita?" napalingon naman ako kay Jake na palapit na sa amin.
"Ah oo, si Jake nga pala classmate ko, Jake, si Luigi."
"bro, I'm Luigi Martin. Aia's childhood friend."
"Jake Beltran"
"Ahm.. pasok na muna tayo.. Jake, dun na tayo sa loob nang makain natin itong dala ni Luigi."
Sumunod lang si Jake, kinuha niya yung mga gamit namin dun sa bench tapos pumasok na kami sa loob ng bahay.
Pagdating namin sa kitchen, sabay namang pagdating ni RD galing sa may garahe. Dun siguro siya dumaan, may pinuntahan kasi siya. May dala naman siyang strawberry cake.
Lumapit siya sa akin, at nang maabot sa akin bumulong siya.
"Peace offering ko." sabay kiss sa noo ko. At kinilig naman ako! Waaah?! Kinilig??? Okay sige, bati na kami!
"Ehem" - Jake
Lumingon naman siya sa dalawa.
"Oh, may mga bisita ka pala."
"Ah oo. Si Jake, kanina pa siya. Sinamahan niya akong magreview--"
"Kaya naman kitang tulungan." inirapan ko lang siya!
"si Luigi naman, halos sabay lang kayo dumating."
"Ah okay!"
"Late na ba ako???" lumingon ako sa nagsalita at nakita kong papasok ng bahay si Kat. Uy, dami ko bisita ah!
Kumain lang kaming lima sa kitchen. May dala ding pagkain si Kat. Madalas na magkwentuhan si Jake at si Kat, more on sa school lang ang naman ang topic nila. Kaming tatlo nila Luigi at RD tahimik lang. Mayamaya nagsalita si Jake.
"Aia, mauna na ako ah. Nagtxt yung daddy ko, nagkaproblema daw sa office niya kailangan daw ako dun," tumango lang ako. Pero nagsalita siya ulit. "Renz, sana maayos niyo na yan ni Angeline." natigil naman sa pagkain si RD.
"Woah, mukang broken hearted ka ata Renz ah!" - Luigi
"tss.." tumayo siya, kumuha lang ng bottled water sa ref at pumunta na sa kwarto niya.
"Uh-oh, na-bad trip ata si bff mo?" - Kat
"Haha, sorry. Worried lang ako kay Angeline. You both knew naman na she's my bestfriend din. So paano, alis na ako, bye Aia!" then he kissed me on cheeks.
"Ooh!" - Kat. Baliw talaga!
Nagpaalam na rin siya sa dalawa.
Pagkaalis niya, sunod din nagpaalam si Luigi. Like Jake, he also gave me a quick kiss on the other side of my cheek.
"Bye Aia, as you promise! Alam kong nanliligaw sa'yo yun. Akin ka lang."
Pagkaalis niya, bigla namang paimpit na sumigaw si Kat.
"Ang haba ng hair mo girl!!!"
-----
follow me
@msrhearadacazther
http://facebook.com/eyadzcazther
Twitter and Instagram: @msrhearada
♥♥♥
BINABASA MO ANG
Make You Feel My LOVE
Подростковая литератураIf you love a stranger, be friends. If you love your friend, be best friends. If you love your best friend, tell him. Pero paano kung si bestfriend may love ng iba? Paano ka? This story will show us how BESTFRIENDS turns into LOVERS... How she figh...