Chapter 40 - Trust Me

2K 35 0
                                    

RD's POV

I wake up this morning with a huge smile on my face. Kagabi kasi habang nag-riresearch ako, nakareceive ako ng e-mail galing kay Tito Arthur saying na inaayos na daw niya yung papel namin ni Aia para once na mag-debut siya pwede na kaming ikasal abroad kahit pareho lang kaming 18 years old.

Paalis na ako ng unit ko ng mapansin kong nawawala yung phone ko. Pumunta kaagad ako sa kotse ko para tignan kung nandun siya pero wala din. Baka naiwan ko kila Aia.

Pagdating sa school, hahanapin ko sana si Aia pero sinalubong kaagad ako nung isa kong classmate. Kailangan daw naming magpa-photocopy ng mga handouts namin para sa buong isang linggo. As a class president, once a month kaming mga officer ang naka-assign para dun. Mamaya ko na lang siguro siya pupuntahan.

Pabalik na ako sa room namin ng may marinig akong usapan ng mga studyante.

"Gosh, true ba yun? Preggy siya? Sino ang tatay?"

Napailing na lang ako. Ang aga, chismis agad.

Lunch break na ng puntahan ko si Aia sa building nila. Pagdating ko dun wala ng tao sa room nila. Pero sabi ni Kat sa akin nandito lang daw siya at kanina pang umaga ayaw umimik. May period na naman ba ito?

"Honey!" tawag ko sa kanya. Pagkalingon niya, agad din naman siyang tumalikod at tinuloy yung ginagawa niya sa phone niya. Nung lapitan ko, ayun, naglalaro ng chibi maker using my phone. Wala naman akong ganyang app ah!

"Hon, lakas namang makabakla niyan!" chibi, yung malalaki ang ulo! Tss...

"Oh eh di yan oh!" inabot niya sa akin yung phone ko at bumusangot ulit.

"Ano ba problema?"

"Problema? Try mo kayang i-check ngayon ang inbox mo. May bitch na text ng text sayo! Kesyo thank you daw sa ginawa mo sa para sa kanya kagabi, sa susunod daw ulit at kung anu-ano pa! Ni-replyan ko na nga ng malutong na bitch, pero wala pa rin, ayaw magpatinag! Bwisit!" sa haba ng sinabi niya, wala akong ibang nagawa kundi ang yakapin siya. Grabe pala magselos 'to! Ang daldal!

Ayoko ng magsalita pa, kasi di ko naman alam yung sinasabi niya. Di totoo yun!

"Sinisiraan ka lang niya sa akin di ba?" inaangat niya yung ulo niya at tumingin sa akin. Tsk! Umiyak ba siya dahil dun sa bitch na yun?

"Oo, sinisira lang niya tayo. Pero dahil love natin ang isa't-isa, di tayo papaapekto! Just trust me hon, di ko kilala yung sender na yan" I kissed her temple and hugged her tightly. "Tara na sa caf, kain tayo!" kinuha lang niya yung bag niya at nagtungo na kami sa cafeteria nitong school.

---

Aia's POV

Pauwi na kami ni RD ng may tumawag sa kanya. Nung una akala ko yung b*tch pero yung friend pala niya. Kasalukuyan na niyang pinapa-track dun sa friend niya kung sino yung nag-te-text sa kanya.

"Hon, it's been a long and tiring day. Gusto mo dun ka muna sa unit ko?" tanong niya. Pero dahil naalala ko yung nangyayari sa amin nitong nakakaraang araw, yung mga 'pagpipigil' niya,well, di ko siya masisi. Lalaki siya! Kaya ayun sabi ko sa amin na lang. Agad siyang nag-U turn pabalik sa unit ko.

Pagdating namin dun wala pa si Aia. Nitong mga huling araw lagi na ding late umuwi yun. Ang sabi niya nag-de-date daw kasi sila nung boyfriend niyang na-meet niya sa Ilocos.

"What do you want for drink? Juice, coffee, hot--"

"You!" nakangiti pa siya ng nakakalokong ngiti.

Make You Feel My LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon