PROLOGUE
Lahat naman tayo nangarap na mapansin ni oppar, dami na nga nating naging pakulo para sa ginintuang goal na yan.
May mga pa-fan missions pa tayo, kesho magdodonate ng pera para sa pa-forest na ipapangalan ke oppar, fan chants na kahit anong gawin natin isa lang naman ang tunog, basta dapat lakasan para hindi lang marinig ni oppar ang boses mo, kundi para na rin sa ikasisira ng eardrums niya.
Ewan ko ba, andami! Basta pagnapasok ka na sa mundo ng fangurl parang nawawala bigla ang konsepto ng pagastos sa mahahalagang bagay.
Bibili ka ng albums pampataas ng position nila sa charts at para na rin sa ikayayaman ng mga kapitalistang nasa likod ng mga minamahal nating oppah.
Bibili ka ng concert ticket, na sa umpisa pa-gen ad-gen ad lang. Yung pinakamura? Basta ang mahalaga, makapunta ka lang at makita sila kahit na para na silang mga langgam sa liit na sumasayaw ng sabay-sabay na parang kiti-kiti.
Take note! Sa umpisa lang yan, kasi habang tumatagal ka sa makulay na mundong to, unti-unti ka ring magle-level up, yung album kahit pare-parehas ang laman dahil lang sa may iba siyang versions, dala-dalawa na yung bibilhin mo, tas yung concert ticket? Boi! Sinasabi ko sayo, sa dalawang beses mong pag-ge-gen ad, yung pangatlong concert ni oppa, VIP STANDING agad ang bibilhin mo!
Geh gastos doon, gastos dito, pikit mata na lang sa lahat ng pinapakawalan mong pera hanggang sa di mo na namamalayan na wala ka na palang pambili ng bigas na pambuhay mo sa sarili mo.
Wala eh, kinain ka na ng sistema. What to do? Dyan ka masaya eh.
Well hindi naman lahat ganyan kasi meron ding mga katulad ko na nabibilang sa lupon ng mga taga-hangang kapos. Pero okay lang naman, dahil alam kong hindi ako nag-iisa. Kaya nga may naimbentong hashtag: TeamBAHAY, hashtag: TeamAirport, hashtag: TeamIyak (ay char.) Kami yung mga klaseng effort at pamasahe lang ang puhunan. Sama mo na rin ang laptop, cellphone, at kahit anong pwedeng ikunek sa internet.
Pero kahit ganyan ang sitwasyon ko, dahil sa malanding pagkakataon na bukas palad at sakong na ibinibigay ng may likha, isusuko ko na ang buong puso't kaluluwa ko sa istoryang kapupulutan niyo ng purong kilig at kaepsong.
BINABASA MO ANG
Your Beggar Fangurl (Ang Pulube Mong Fan)
FanfictionWala eh, nagmahal lang ako at swinerteng maging bida sa malanding piksyon na buhay ng isa nanamang fangurl na umahon sa kahirapan.