CHAPTER 13
Hindi na namin pinag-usapan ni Ji ang nangyari pag-uwi, basta hinayaan niya lang akong umiyak. Kasi totoo naman na hindi ko na talaga alam, parang pakiwari ko kasi mahal na ata ako ni Yeol, pero parang pigil na pigil siya.
Hindi ko alam kung anong iisipin ko, kung totoo na ba? Kung talaga ba? Yung taong mahal ko, mahal na rin ako? Pano kung hindi nanaman? Pano kung sabihin niyang tinatry niya lang sa part niya, tapos hindi niya pala talaga kaya? Pano ko nanaman dadalhin yung sakit na halos hindi pa nga nawawala. Ano double kill?
Ang hirap, kaya iniyak ko na lang, at mas pinili kong wag magtanong.
"Ye, tabi tayong matulog?"
Tumungo ako kay Ji, at halatang pinipili niya lahat ng respond sa akin, dahil nga kitang-kita naman na wasak na wasak ako. Baka nga sinisisi niya pa ang sarili niya, dahil sakanya galing ang address kung san kami natunton ni tangkad.
Gusto ko na rin namang i-share sakanya ang lahat kaso inunahan na ko ng pagod, at tingin ko naintindihan naman niya yun kaya nung humiga na ko sa kama after kong maglinis ng sarili, tahimik na rin siyang sumunod.
Niyakap ko si Ji from the back at nung maramdaman niya yun, humarap siya para yakapin ako pabalik. Tulad ng sinabi ko, malaking bulas tong si Ji, kaya pakiramdam ko para siyang nanay ko na handa akong protektahan sa lahat.
Dahil sa pagkaalala rin kay mommy di ko nanaman napigilang maluha.
"I miss my mom."
Mas lalo niya kong niyakap ng mahigpit at hinaplos-haplos niya ang likod ko para aluin.
"Iiyak mo lang yan."
Bwiset.
Dahil sa comfort ni Ji, at dahil na rin sa natural na reaksyon ng katawang tao ko, naiyak pa ko lalo ng naiyak hanggang sa di ko namalayan na nakatulog na pala ako.
********
Kinabukasan pag-pasok ko sa office, aminado ako na halata ang pagka-maga ng mga mata ko, at bilang balahura talaga si ate Min, di niya pinalagpas ang pagkakataon.
"Anyare sayo? Parang nakakain ng marshmallow yung talukap ng mga mata mo. Nakakakita ka pa ba?"
"Grabe siya, oo naman! Masyado lang dramatic yung bday ng pinsan ng kaibigan ko kagabi kaya eto ang resulta."
"Wow, so naiyak ka sa kwento ng iba, ganyan kalala?"
"Oo nga!"
Hindi ko na alam kung mapipikon ako dito o ano, pero basta please kahit ngayon lang gusto kong umiwas muna sa asaran at wala ako sa mood.
"Good morning noona, good morning Ye." Bati ni Eungjoong na napaatras din ng makita ako.
Lintek, ganun ba talaga kalala tong maga ng mga mata ko?
"Uhhmm, nag-breakfast ka na ba?" Buti naman eto sensitive, alam niya talagang mag-adjust sa tao.
"Oo."
"May food ako, pwede nating initin sa pantry tas kainin na lang natin dito habang nag-e-edit."
Nag-nod ako at ngumiti sakanya, baka kasi sabihin niyang sobrang salbahe ko naman.
Halos hindi pa naka-set si Eunjoong pero agad na siyang pumunta sa pantry para nga daw iinit yung pagkain niya. Wan ko ba dun, atat.
Luh Ye! Ang bad mo....
Nag-start na kong magtrabaho ng mag-open na ng tuluyan ang PC ko, then after 15 minutes bumalik na rin si Eunjoong, at mejo nagulat pa ko kasi talagang may pa-hot choco si kuya at croissant.
BINABASA MO ANG
Your Beggar Fangurl (Ang Pulube Mong Fan)
FanfictionWala eh, nagmahal lang ako at swinerteng maging bida sa malanding piksyon na buhay ng isa nanamang fangurl na umahon sa kahirapan.