Enchanted Part II

30 3 0
                                    

CHAPTER 12

Yeol's POV pa rin

Dumating ako sa gate ng bahay ng pinsan ni Ji ng mga 8 PM na, at sa tanan ng buhay gwapo ko, ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kaba. Tyka buti na lang din mejo alam talaga ng mga tao kung sino yung may birthday sa-village nila at hindi ako gaanong naligaw.

"Yeol bro, kaya mo yan. Wiw."

Dahil kabado ako, hinampas ko ng mejo malakas yung dibdib ko bago lumabas. Inayos-ayos ko pa talaga yung cap ko kahit na sobrang laki ko at di na matago sa gate. Dinial ko ang no. ni Ji, at napansin kong parang mejo maingay sa loob. 

Mejo malakas kasi yung tugtugan, at may pa-throb lights na kumakalat ng bahagya sa paligid. 

"Hello?"

"Ah, hello Ji, si Yeol to-asa tapat na ko ng gate ng binigay mong address."

"Oh? Seryoso ka??" 

"Oo." Hindi ko alam kung bakit parang bigla siya, e kakausap lang naman namin kanina, at na-inform ko naman siya ng tama na pupunta nga ako.

"Teka, ulo mo ba yung nakalitaw sa gate???"

"Oo."

"Yeol, pumunta ka talaga???"

"Oo nga. Sinabi ko naman diba?" Ano ba tong kaibigan ni Ye, sabog ata.

"Goodness, akala ko nagloloko ka lang!"

"Ha? Pag-katapos mong ibigay yung tamang address??"

"Teka nga-teka nga, papunta na ko, pagbubuksan kita!"

May narinig akong kaluskos-kaluskos sa background, at positive tama ang napuntahan ko dahil same yung tugtog sa naririnig kong ingay sa phone.

Maya-maya lang nakita ko na siya sa kabilang gate kaya binaba ko na rin yung phone. Binuksan niya yung gate at syempre pumasok na ko, nginitian ko siya, pero yung expression niya hindi ko mawari.

"Jusq, anong pumasok sa isip mo at bigla kang pumunta rito!"

"Si Ye?" Tanong ko agad, at ayun parang nasagot naman agad yung tanong niya lalo na nung napabuntong hininga na lang siya habang tinitignan ako.

"Hanapin mo dyan sa gilid, nanonood sa mga nagsasayaw."

Tinignan ko naman ang paligid dahil sa sinabi niya, at WOW!

Parang prom night pala ang datingan ng party ng pinsan niya! Hindi naman sila naka-formal pero talagang may simpleng sayawan na nagaganap sa malawak na terrace. Ang old school ng dating at hindi ko talaga mapigilang hindi ma-amaze kasi sa kabila pala ng ka-modernuhan ng mundo, meron pa ring mga ganito. Parang kating-kati tuloy yung palad ko na abutin yung kamay ni Ye para isayaw. 

"Teka, kumain ka na ba?"

Tumungo lang ako kay Ji, habang hinahanap ko na si Ye sa gilid-gilid nga daw tabi ng mga bilang na puno.

Naglakad ako papalapit sa naka-helerang mga mono block na upuan, at hindi ko talaga mapigilan ang ngiti ko ng mahanap ng mga mata ko ang babaeng nagpapakilig sa puso ko. Nanonood lang siya sa mga magkakapareha na sumasayaw, at kita ko rin sakanya na ini-enjoy niya ang gabi kahit na hindi siya nakikisaliw sa tugtugan.

"Ye." 

Tawag ko sakanya, at nakakatawa na nanlaki talaga ang mga mata niya ng lingunin niya ko. 

"Yeol?"

Tumungo ako.

"Ya, anong ginagawa mo dito??"

"Aray, ba't parang ayaw mo ata akong makita?"

Your Beggar Fangurl (Ang Pulube Mong Fan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon