Past. Past. Past

30 1 0
                                    

CHAPTER 24

Kinaumagahan, as usual mas unang nagising sakin si Yeol at last akong bumangon para bumaba. Pahikab-hikab pa ko habang pababa ng hagdan, at buti na lang talaga at sabado ngayon.

Pagdating ko sa dinning area, as usual ulit nakaluto na si Yeol, at pag-upo ko na lang ang kulang.

Aga-aga namang magpangiti nito. Pero yung totoo, iniisip ko pa rin kung hanggang kelan ganito si Yeol. Oo halos tatlong taon na kaming magkakilala pero hindi pa rin sapat yun para sabihing kilala ko na siya talaga.

Umupo na ko at sumunod naman sya sa tabi ko sabay halik sa pisngi ko.

"Good morning Ye!"

Hindi ko ba alam kung bakit nasinok ako sa ginawa nya na siyang tinawanan niya naman.

"Hindi ka pa rin ba sanay sa kiss ko?" Pakyut nya nanaman habang abot ng baso ng tubig.

"Ang aga kasi Yeol."

"Bawal ba?"

Sarap din niya talagang konyatan minsan. =_=

Di ko na lang siya pinansin at tumuon na lang sa pagkain.

"Yeol, wala ka bang practice ngayon?"

"Wala."

"Hindi ka magco-compose ng kanta?"

"Hindi."

"So wala ka talagang gagawin?"

"Ye."

"Ano?"

"Pinapaalis mo na ba ko?"

Napatingin siya sakin at magkasalubong talaga ang kilay niya na para bang anlaki ng kasalanan ko.

"Hindi ah! Ano ka ba, naninigurado lang."

"Wala pa tayong isang lingo na nag-de-date, nagsasawa ka na agad."

"Luh, drama."

"Ikaw eh!"

"Hahahaha, nuh ka ba! Ako yung fan, hindi ako magsasawa sayo. Ako nga tong natatakot na baka magsawa ka sakin kaya hmmm, tipirin mo naman ako ng onte."

"Ayoko." Ang bilis sumagot.

"Edi wag."

"Hindi talaga, kung pwede nga lang itali na kita sakin."

Sakto pagkasabi niya yun, tapos na kong kumain, kaya binaba ko na ang kubyertos sabay tapat ng dalawag wrists ko sakanya, giving him permission to do what he want.

"Hahahahaha, kaya mahal kita e!" Pininch niya ang dalawang pisngi ko and I just let him, mahal ko rin naman.

...

Pagkatapos naming magharutan sa dinning area, ako na ang naghugas ng pinggan pero tinulungan niya pa rin ako sa paghango ng mga gamit pabalik sa lalagyan.

Since sabadong tunay, napagpasyahan naming manood na lang ng kahit anong series sa sala. Malaki yung couch ko, at bilang clingy nga si Yeol, hinayaan ko na siyang i-cuddle ako. Gusto ko rin naman. Yung init ng yakap niya iba talaga, lalo na't antagal kong hiniling na mangyari to. Ansaya lang na after all ng naranasan ko sa buhay, hindi pa rin ako pinabayaan nung asa taas at binigyan ako ng isang Yeol.

"Ye, mag-absent ka sa end of the month ha."

"End of the month? Bakit?"

"My ball kasi sa company and pwede kami mag-invite ng date."

"Wait, buong SM Town???"

"Oo."

"Hala okay lang bang ipakilala mo na ko sakanila?"

Your Beggar Fangurl (Ang Pulube Mong Fan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon